CHAPTER 28

4 0 0
                                    

Grasya's POV

"Guys. May kilala ba kayong Akane?" Tanong samin ni Alicia bago kami tingnan isa-isa

"Wala. Why?" Tugon ko

"Nothing" tugon nya sakin

"Aahh!" Dinig naming hiyaw ng isang babae sa group 2

"Oh my! Irene!" Sigaw ng isa pang babae sa grupo nila.

"Don't mind me Gela. Mag focus ka sa kalaban mo" mabilis na sambit nito nang akmang tutulungan na sana sya

Napatingin kami kay Irene habang hawak nito ang kanyang braso na napupuno na ng dugo dahil sa naging galos sa kanya

"Sa palagay nyo? Sino sa kanila ang tunay?" Sambit ni Meapril habang seryosong nakatingin sa mga naglalaban.

Parehas sila ng suot, kilos, pustura, pananalita, mukha at iba pa. Masyadong magaling ang gumawa ng mga clone na toh

"Sa palagay nyo, sino ang tunay na nagalusan sa kanila? Ang tunay ba o ang peke?" Sunod na tanong ni Meapril sabay turo kay Irene

Napatingin kami ng mabuti sa dalawang Irene na nasa harapan namin. Ang unang Irene ay may hawak sa braso na puro dugo at ang ikalawa naman ay tumatawa lang habang hawak ang patalim. Masaya sya sa pinsalang nagawa nya. Hindi ko matukoy kung sino ang totoo

"Hindi ko alam" tugon ni Ange

"Eksakto, ayan ang dahilan kung bakit isinagawa nila ang larong ito. Hindi ba nasabi sa inyo sa eskwelahan ang mga katagang “ang iyong pinakamalupit na kalaban sa buhay ay ang iyong sarili?” ayan ang pagsubok sa bawat indibidwal. Ang pangkalahatan naman, kailanga mong tukuyin kung sino sa kanila ang tunay at kung sino ang hindi. Ang saya di ba? Kaya kahit hindi tayo kasama sa labanan nila, kasama parin tayo sa laro dahil tayo ang tutulong sa kanila para hanapin kung sino ang impostor" mahabang pahayag ni Meapril

"Hindi parin nasasagot ang tanong ko kung bakit wala kang clone" sambit ni Ange

"Hindi ko masasagot yang tanong mo dahil hindi ko rin alam" malamig na tugon nya kay Ange

"Paano naman natin magagawa yun eh halos lahat sila pare-pareho lang?" angal ni Alicia

"Hindi lahat ng pagkatao mo ay nakuha ng clone. Isipin mo na kagaya sila ng kambal. Kahit sabihin mo pang identical twin sila, may mga pagkakaiba parin sila sa iba't ibang bagay. Dyan masusubok ang talas ng kaisipan mo" paliwanag nito samin

"Talas ng kaisipan. Nabanggit yun kanina sa mga dapat taglayin" sambit ni Alyssa

"Ahh so bale parang ipagkukumpara namin sila?" Tanong ni Alicia

"Mismo" mabilis na tugon nya

"Nakilala na naman natin yung mga original kahit sa maikling panahon lang. Baka ma-identify natin sila ngayon" sambit ni Rems.

"Okay galingan natin sa pagpili" sambit ko

DON'T MOVEWhere stories live. Discover now