Grasya's POV
ㅤBago pa kami sunduin ng van, alam kong may kakaiba na sa pupuntahan namin pero hinala ko palang naman kase yun at di pa ko sigurado nung una, pero ngayon. Alam ko nang hindi lang toh basta-basta hinala lang dahil totoo lahat ng alam ko.
Pero paano ko sasabihin sa kanila ang totoo? Pwede silang mapahamak sa lugar na toh. Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari yun.
Ako lang naman kase talaga dapat ang pupunta nang mag isa dito para patunayan ang hinala ko at mag imbestiga pero nung nalaman nila na pwedeng magsama ng kahit ilang kaibigan o kapamilyang gusto mo, nagpumilit silang sumama kaya wala akong magawa. Alam kong di nila ko titigilan kahit tumanggi pa ako
"Is something wrong?" Sambit ni Rems habang may hawak na chichirya at seryosong tinitingnan ang mukha ko
"Nothing" maikling tugon ko
"I think that something's bothering you right now" tutol nya sa sinabi ko.
"I know, you know" sunod na sambit nya sabay tingin sa malayo
"Ang alin?" Kinakabahang tanong ko
"Yung mga kababalaghan na nababalot sa lugar na toh" sambit nya bago sumubo ng isang chichirya
"Ano bang pinagsasabi mo?" Asik ko
"So you think that you can fool us? Come on, Ace Ramos. Alam namin kung ano ang plano mo at kung ano ang dahilan mo sa pagpunta rito." saad ni Rems
"Alam nyo naman pala bakit—"
"We won't leave you alone and we won't let you explore this place on your own. We're friends remember?" Madiing sambit ni Rems na pumutol sa sasabihin ko.
"Alam naming nandito ka para hanapin si Kristel kaya sasamahan ka naming hanapin sya." Singit na sambit ni Alicia.
"Nawala si Kristel at hanggang ngayon di parin alam kung anong nangyari sa kanya sa lugar na toh at mas lalong di natin alam kung nasaan na ba talaga sya. Di namin hahayaan na pati ikaw mawala. Ayaw na naming malagasan pa nang isa" Asik naman ni Angelica
"Uhmmm... Yung mobile game na nilaro mo, ayun yung larong pinagkaabalahan ni Kristel bago sya manalo ng 6 months vocation sa mansiyon. Nung una tutol ako kase kahina-hinala pero di ko sya napigilan dahil excited din sya that time. Ayoko putulin kaligayahan nya kaya hinayaan ko na, pero 1 year na syang di umuuwi. Lagpas na sa anim na buwan na palugit dito" mahabang saad ni Alyssa
"1 year no contact, kung nasayahan man sya sa bakasyon. Sana sinabihan man lang tayo." malamig na sambit ni Rems
"Mansyon ba talaga o impyerno? Baka haunted house" Sambit ni Daryl
"Kaya nung nakita naming nilalaro mo yung laro na yun. Pinlano na naming sumama sayo kung sakaling manalo ka. Bago ka pa manalo, planado na namin ang lahat kase alam naming mananalo ka at hindi kami nagkamali dun dahil alam naming magpupursigi ka" Saad muli ni Alyssa
"Mapapahamak lang kayo" sambit ko
"We don't care, basta walang maiiwan mag isa. Walang sasabak ng mag isa." walang emosyong sambit ni Rems
"We're all in this together" malamig na sambit ni Daryl sabay ngiti
Di ko mapigilang mapaluha nang may kasamang tuwa at pangamba sa pwedeng mangyari samin sa lugar na toh. Unang gabi palang ay may mga nangyayari na, paano pa kaya sa mga susunod na araw?
"Swerte nga kase ikaw yung nanalo sa VIP Set kaya pwede ka magsama unlike Kristel" saad ni Daryl.
Sa totoo lang nyan. Ayun ang ayaw kong mapanalunan pero kung ano pa ang ayaw ko, ayun pa ang napunta sakin.
"Gosh! Ano toh?" Tanong ni Alyssa ng bigla nalang mapuno ng puting usok ang kwarto
"Hamog?" Sambit ni Rems
Unti-unti na kong nakaramdam ng antok matapos kong malanghap ang usok na yun pero mas naunang makatulog ang mga kaibigan ko bago ko tuluyang ipikit ang mata ko.
ㅤ
__________*At the morning*
ㅤ
Angelica's POVㅤ
Di ko alam kung ano ang nangyari kagabi bukod sa paglabas ng puting usok na nagpatulog saming lahat.Marahan akong bumangon habang sapo ang ulo dahil medyo kumikirot ito
Tumingin ako sa may bandang kanan ko at nakita ko si Alicia na mahimbing paring natutulog sa tabi ko. This room has two beds pero we chose to sleep in 1 bed para magkatabi kami.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napagtanto ko na nasa dorm parin kami at nasa kwarto parin kami ni Alicia kung saan kami naka assign.
Panaginip lang ba yung nangyari kagabi? Paano kami napunta sa kwarto namin?
Tumayo ako't nilingon ko muna si Alicia bago tuluyang lumabas ng kwarto at pumunta sa lugar kung saan kami nagku-kwentuhan kagabi. Kataka-takang malinis iyon. Walang balat ng chichirya at wala narin yung mga chichiryang nagkatapon-tapon nung nakatulog kami.
"Sipag mo naman" bati ni Daryl mula sa likuran ko
"Anong sipag?" Kunot noong tanong ko
"Sipag mo maglinis HAHAHA" pabirong sambit nya sabay punta sa harapan ko at umupo sa sofa
"Hindi ako ang naglinis dito, linis na toh paggising ko" sambit ko
"Eh?? Edi sino pala?" Sambit nya bago tumingin sa paligid na sa tancha ko ay tini-tingnan nya kung sino pa ang ibang gising bukod saming dalawa
"Ewan ko" tugon ko
"Tayong dalawa palang gising. Nag midnight snack tayo kagabi ‘di ba?" Tanong nya sabay ngisi
"Oo" maikling tugon ko
"Sheeessh. Akala ko panaginip lang" panatag na sambit nya
"Me too" tugon ko
"Weh.. Gaya-gaya" pang-aasar nya kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Joke lang naman" sambit nya bago umupo sa couch
"Sa palagay mo. Anong nangyari kay Kristel?" Walang emosyong sambit ko
"Hindi ko alam pero may posibilidad na wala na sya sa mundong ibabaw" tugon nya bago kumuha ng kaha ng sigarilyo sa bag nya
"Naninigarilyo ka pala?" Tanong ko sabay seryosong tingin sa kanya
"Huh? Hindi noh. Pinaglalagyan ko kase tong lagayan ng sigarilyo ng barya" tugon nya sa tanong ko
"Ganun ka na ba kahirap kaya di mo afford bumili ng wallet?" Sambit ko pero napangisi lang sya