CHAPTER 32

3 0 0
                                    

Hazen's POV

Nagsimula na ang mabilis na pagpatay-sindi ng ilaw pero habang tumatagal ay bumabagal ito.

"Ang mga binti ko" mahinang bulong ko sa mga kasama ko nang bigla akong makaramdam ng pamamanhid sa binti ko at palagay ko ay nagsisimula na kong mangalay

"Tiisin mo" mahinang sambit ni Artdelia sakin. Naintindihan na nya kaagad ang gusto ko iparating.

Kasalukuyang nakapatay ang ilaw kaya hindi ko sila maaninag.

"Wag kang gagalaw! Kapag gumalaw ka, Mamamatay ka!" Sigaw ni Jhonsen nang akmang igagalaw ko na sana ang mga paa ko upang mabawasan ang pamamanhid

"Bakit kailangang mamatay tayo?" Sambit ni Frances na may halong kaba

"Hindi!" dinig kong sigaw ni Irene

"Ayoko pang mamatay" sambit naman ni Artdelia

"Parang nakadepende lang ang larong toh sa tibay ng katawan mo, kung hanggang saan mo kayang magtiis ng pangangalay. Kidding" dinig kong sambit ni Hakeem

"Kung malakas ka mabubuhay ka, kung mahina ka mamamatay ka." Sambit naman ni Khalid

"Pwede pala magsalita" sambit ni Gela

"Oo ata" tugon naman ni Kishiya

"Diba kapag nagsalita po tayo. Nagalaw bibig?" Sambit ni Shanelle

"Tumahimik na muna kayo" Saway samin ni Grasya kaya tumahimik na kami agad at kasabay nito ang pagbukas ng ilaw

"Bernard!" Malakas na sigaw ni Irene kasabay ng isang paglagapak sa sahig.

Gustuhin ko mang lumingon ay hindi ko magawa dahil simpleng galaw lang ay matatalo ko, tanging si Irene lang ang kaya kong makita gamit ang side vision ng mga mata ko.

Bahagya kong ibinaling ang paningin sa ibaba nang makaramdam ako ng parang likidong dumadaloy sa mga paa ko at bigla akong sinikmura sa mga nakikita ko sa sahig dahil nagkalat ang mga dugo rito.

"What the hell?" Sambit ko saking isipan habang patuloy parin ang pag-agos nito sa buong sahig.

Maya-maya pa ay sinundan ito ng isa pang paglagapak

"Irene?" Bulong ko saking isip nang makita ko syang nakahandusay sa sahig.

Hindi ko sya gaanong makita dahil di ako pwedeng lumingon, nakikita ko lang kung ano ang mga kaya kong makita gamit ang mata ko ng hindi lumilikha ng kahit na anong pagkilos.

Remember the rule. Don't move madiing sambit ng lalaking nakahood bago mamatay muli ang ilaw.

"Irene, Bernard" umiiyak na sambit ni Gela habang yakap ang bangkay ng dalawang kaibigan

"Wala ka nang magagawa. Kahit magwala at lumuha ka pa dyan ng dugo. Walang magagawa ang pag-iyak mo" asik ni Kishiya

"Bakit parang ang dali lang sayong sabihin yan?" Dismayadong sambit ni Gela

"Anong gusto mo? Magluksa rin ako? Sa mga oras na toh, di natin masasabi kung susunod na tayo sa kanila" matigas na sambit ni Kishiya

"Ate, stop na po kayo" awat ni Shanelle

"Hayaan mo na muna syang magluksa Kish" sambit ni Hakeem

"Ayoko ng madrama" asik ni Kishiya

"Kung wala kang ibang sasabihin, manahimik ka nalang—"

"They deserve that"

"How dare you to..."

"Shut up. Kung nakinig yang dalawang yan sa sinabi ko kanina. Edi sana parehas silang buhay ngayon" asik ni Grasya na pumutol sa pagtatalo ni Kishiya at Gela

"True, tsaka wala na talagang magagawa yang pag-iyak mo. Di mo na pwede ibalik lahat ng mga nangyari na" sang-ayon ni Meapril

"Madali lang sabihin sa inyo yan dahil–"

"Edi sumama ka sa kanila sa kabilang buhay" pilyang sambit ni Sevi na pumutol sa sasabihin ni Gela

"Stop crying Ms. Gela. They're just clones. Kaya wag na wag mong iiyakan ang bangkay ng dalawang yan dahil peke lang ang mga bangkay na yan" sambit ng lalaking nakahood sabay tawa ng mahina

"Ikaw.. Kakampi ka ba o kalaban?" Madiing sambit ni Gela

"Both, pwede nyo kong maging kakampi at pwede nyo rin akong maging kalaban" tugon ng lalaking nakahood

DON'T MOVEWhere stories live. Discover now