Alyssa's POV
ㅤAko ang naaawa sa ikatlong grupo dahil sa mga pinaggagawa sa kanila ng mga demonyong namamahala sa larong ito.
If ever kami ng squad ko ang maglalaro nyan. Pipiliin nalang naming mamatay ng sabay-sabay pero sa tancha ko hindi nila gagawin yun dahil parang hindi naman sila magkakaibigang lahat o kung magkakaibigan man. Hindi solid yung samahan. Nagsisisihan sila eh.
"Kinakawawa lang nila sarili nila" sambit ni Grasya habang nakangisi sa lalaking nakamaskara
"Crush mo ba yang nakamask?" Tanong ko sabay tingin sa kanya nang nakataas ang isang kilay
"Hell no" mabilis na tugon nito
"I think I know who's the liar" sambit ni Alicia
"Me too" sambit naman ni Grasya
"Look at them. They're begging for our help" sambit ni Ange kaya napatingin narin kami sa ikatlong grupo. Bakas sa mga mukha nila ang takot at kaba
"Tulungan kaya natin?" Dinig kong sambit nung isa sa mga myembro ng ikalawang grupo
"Mahirap nang madamay. Wag ka nalang muna mangialam. Laban nila yan" sambit naman ng isang lalaki na myembro rin nila kaya napalingon narin ako sa kanilang direksyon.
Sila yung pumunta sa dorm namin kanina tapos katabi nya ngayon yung nagmakaawa kay Alicia
Kinalabit naman ako ni Alicia para awatin sa kakatingin sa kanila dahil nagmu-mukha na pala akong chismosa.
*****
Sevi's POV
ㅤ"Sandali. Ikaw Khalid, hindi ba gusto mong patayin kanina si Jhonsen? Tapos ngayon sasabihin mo saming gusto mo sya? Parang may mali naman yata" sambit ni Art sabay tingin kay Khalid na nakangisi lang
"Gusto ko naman talaga sya ah. Gusto ko syang patayin. Parehas lang yun." madiing sambit ni Khalid sabay tingin ng masama kay Jhonsen
"Sampong segundo. Umamin ka na" sambit ng lalaking nakamask
"Kung sino ka mang sinungaling ka, umamin ka na!" Asik ni Jhonsen
We're dead...
"Magsitigil kayo. Pwede kaming tumulong tama ba?" Sambit ng isang lalaki mula sa ika-unang grupo kaya napalingon kaming lahat sa kanya
"Tama ka" tugon ng lalaking nakamaskara
"Alam ko na kung sino ang sinungaling at traydor sa laro na toh" sambit nya kaya napalingon kami sa isa't isa
"Huli ka. Hirap mo hulihin" bulong ko sa sarili
"Sabihin mo na" sambit ng nakamaskara
"Ang sinungaling ay walang iba... Kung hindi ikaw" sambit nya sabay ngisi na nagpahagalpak ng tawa sa lalaking nakamaskara.
"Una palang alam na namin na sya na talaga" sambit ng iba pang kasapi ng group one
"Walang traydor sa kanila dahil una sa lahat, hindi pa nila lubos na kilala ang isa't isa. Sila yung tipo ng mga tao na kakakilala palang kaya wala pa silang dahilan para magtirahan patalikod. Pangalawa, lahat sila nagsasabi ng totoo. Maliban lang sayo" saad muli nung lalaking mula sa ikaunang grupo
"Alam mong papalpak ang plano mong gawin na sila mismo ang magpapatayan dahil sa paghahanap kung sino ang traydor kaya binago mo ang laro" sambit ng isang babae na nakasalamin mula sa group one
"Ayaw mo sa sinungaling sila pero ikaw mismo ang nagsisinungaling. Ikaw ang hindi tapat sa sarili mo" saad ng babaeng katabi nung lalaking nagsasalita
"Magaling. Tama nga sila, naiiba ang unang grupo. Natatangi sa lahat. Tapos na ang laro... Aabangan ko kayo dun" sambit nito sabay tingin sa unang grupo. Alam na naming tinutukoy nya ang pangkalahatang laro
"Tingnan natin ang galing nyo bukas" madiing sambit nito bago umalis
"Maraming salamat" sambit ni Hazen sa unang grupo sabay yuko bilang tanda ng lubos na pasasalamat
"Salamat sa inyo" sabay-sabay na sambit naming lahat