CHAPTER 29

4 0 0
                                    

Khalid's POV


"Why do I need to fight to myself like this? Mukhang tanga, nakakabwisit lang" bulong ko sa isipan ko bago ko ibulsa ang patalim na hawak ko

"Bakit mo tinago ang patalim mo? Suko ka na ba?" Sambit nito sakin nang makita nya ang ginawa ko.

Seryoso akong napatingin sa kanya at bahagyang napangiti.

"Hindi ko kailangan nun para tapusin ka. Alam mo? Pwede sana tayong maging magkakampi eh, tanga ka lang talaga kase mas pinili mong kalabanin ako" tugon ko sa kanya

"Die" asik sakin ng clone ko na nasa harapan ko.

"Why would I? Try mo nga humarap sa salamin tapos sabihin mo yan" sambit ko sabay ngisi

"You can't fool me" sambit nito bago ako salakayin na agad ko namang nasalag

"Sa totoo nga nyan. Ako dapat ang nagsasabi nyang die sayo dahil ikaw ang dapat na mamatay rito and you better love me asshole" asik ko rito sabay tulak sa kanya matapos kong makuha ang hawak nyang kutsilyo

"At sa palagay mo susundin kita? Bakit ko naman gagawin yun?" Tugon nya sakin sabay ngisi na parang demonyong uhaw sa kasamaan

"Because you're just a clone" madiing sambit ko sa kanya na nagpainit ng ulo nya

"I will end you!" Sigaw nito at sinugod na nya ko agad kahit hindi pa nya nababawi sakin ang kanyang patalim na kinuha ko kanina sa kamay nya

"Watch your tone" nakangising sambit ko

"Damn you!" Asik nya habang nakikipagbuno sakin

"Ohhh. Wala ka bang balak bawiin toh?" Sambit ko matapos kong maipit ang ulo nya gamit ang dalawang braso ko sabay angat sa kutsilyo para makita nya

"Hindi ko kailangan nyan" sambit nito habang pinipilit na kumawala sakin

"Okay? Ako rin eh. Bye" sambit ko sabay bali sa leeg nya

"Looks like I have won. Isang malaking pagkakamali ang ginawa mong pagsugod sakin nang hindi hawak ang patalim mo. May chance ka pa sanang manalo kung binawi mo muna toh sakin. Di mo man lang ako nagalusan" sambit ko sa nakahandusay nyang katawan bago ibulsa ang patalim nya

Ganda ng gawa nila ah, kamukhang kamukha ko. Bobo nga lang, sana nilagyan nila ng utak. Ni hindi man lang ako pinagpawisan.

Pinagmasdan ko ang iba kong mga kasama na hindi parin tapos sa laban nila. Pumunta ako sa direksyon ni Jhonsen sabay tingin sa mukha nya na mukhang pagod na

"Tapos na ko sa kalaban ko" sambit ko sa kanya ng may ngiti

"Congrats" tugon nya at bahagyang huminto sa pakikipaglaban

"Need help?" Sambit ko sabay tingin sa kanya pati sa kalaban nya

"Yes" mabilis na tugon nito

"Interesting" sambit ko bago sya lampasan. I don't have any plan to help him.

Napangisi ako nang marinig ko ang ngiwi nya matapos sya masapak ng clone nya. Masyado syang nag focus sakin kaya hindi nya napansin na aatakihin na pala sya ng kalaban nya. Tanga parin talaga sya hanggang ngayon

Inilabas ko ang mga patalim sa bulsa ko at patuloy akong naglakad papunta sa gilid upang maupo habang pinapaikot ang dalawang patalim sa kamay ko na parang spinner.

Tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasdan silang lahat na makipaglaban sa mga clone nila

"I pity y'all. Ang bilis lang naman matalo ng mga clone" mahinang bulong ko

"Para sayo. Bakit di mo sila tulungan? Madali lang naman diba?" Singit na sambit ng isang lalaki sa gilid ko kaya napatigil ako sa paglalaro ng patalim sa kamay ko

"Laban nila yan eh tsaka ang bilis lang malaman kung sino sa kanila ang tunay sa peke kung sakaling tutulong ako. Kilala ko naman silang lahat kahit pa ginawa yang mga clone na yan gamit personalities nila" tugon ko bago sya lingunin

"Di ka talaga tutulong? Kagrupo mo sila diba?" Sambit nito sabay baling ng tingin sa mga kagrupo ko

"Yeah pero wala talaga akong balak na tulungan sila" tugon kong muli

"Bakit?" Muling tanong nito sakin

"Kung gusto mo. Ikaw ang tumulong sa kanila. Remon Gomez" madiing sambit ko

"Ehhh" tutol nito

"Tingnan mo. Ayaw mo rin pala" sambit ko

"You're being too mean to them" sambit nya sakin. Napabuntong hininga ako bago sumagot sa kanya

"Yeah but.. I'm mean for a reason" mahinahong tugon ko

"Is that a private reason or not? If not, can you spill it to me?" Suhestyon nya sakin

"Sinabihan ko na silang wag silang tutuloy sa lugar na toh pero di sila nakinig sakin. Masyadong matigas ang mga ulo nila kaya ngayon bahala sila" mahabang lintanya ko

"May alam ka ba tungkol sa lugar na toh?" sambit nya na nagpakunot sa noo ko

"Alam na ano?" Tanong ko ng may halong kuryosidad

"Kahit ano" sambit nya sabay ngiti ng mapait

"Wala bukod sa hindi na nakakabalik sa mga bahay nila yung mga pumupunta rito para magbakasyon. Kaya nga ayoko silang pumunta rito pero hindi sila nakinig sakin, binaliwala nila ko" sambit ko ng may inis

"Alam mo naman pala eh. Bakit ka pa sumama?" Baling na tanong nya

"Hindi kase kaya ng konsensya ko na hayaan silang pumunta rito nang hindi ako kasama. Ayokong isipin na nasa gitna sila ng piligro habang ako nagpapakasaya" seryosong tugon

"Ayun na nga ginagawa mo ngayon eh. Is it hard for you to show them that you care?" mabilis na sambit nya sakin

"Maybe, pero alam ko naman kaseng kaya nila yan ng wala ang tulong ko. By the way, salamat nga pala sa pagtulong nyo samin sa laro ahh" sambit ko bago tumayo

"Welcome. Khal" tugon nya. Magtataka pa sana ko kung paano nya nalaman ang nickname ko pero naalala kong obvious na pala yun dahil sa pangalan ko

DON'T MOVEWhere stories live. Discover now