ALL OUT BATTLE
ㅤ
Grasya's POV
ㅤ"Meapril. Let's go" sambit ko bago hatakin si Meapril.
"Saan tayo pupunta?" tanong nito sakin sabay tingin sakin ng tuwid
"Hahanapin natin kung nasaan ang original." paliwanag ko sa kanya na agad naman nyang naintindihan.
"Hindi natin alam kung hanggang saan lang kaya makipaglaban ng mga clones. They have limits. Kapag nareach nila yun. Maglalaho sila. Kailangan na nating kumilos na tayo habang may oras pa" dagdag na paliwanag ko
"Alright, let's go" sang-ayon nya sakin kaya tumakbo na kami paalis habang nakikipaglaban pa ang iba.
"Where do you think you're going?" sambit ng isang boses ng babae.
"Bitch. Get out!" asik ko sabay tulak dito ngunit di pa man ako nakakalayo ng takbo ay may isa pang babae na humarang sakin.
"Look at me." malamig na sambit nito sakin kaya napalingon ako sa kanya.
"K-Kristel?" tumingin ako sa paligid ngunit natigilan ako lalo nang makita kong wala si Meapril. Tumingin ako sa likuran at nakita kong nakatulala sya habang nakatitig sa babaeng itinulak ko kanina.
"Ate Erna" naluluhang sambit nito
"Ako ang nasa harapan mo Grasya. Wag kang titingin sa iba, wag kang lumingon sa likod" inis na sambit ni Kristel sakin.
Binalik ko ang tingin ko sa kanya pero agad din akong napaluha dahil samo't saring emosyon ang naramdaman ko nang makita ko sya.
"Kris—" natigilan ako at agad na napahagulgol ng iyak nang makita kong bumulwak ang dugo sa bibig ni Kristel. Lumingon ako bandang dibdib nya at nakita kong may nakasaksak ng punyal doon.
It's like witnessing her death.
"Ate!" sigaw ni Meapril habang yakap ang nakahandusay na katawan ng babaeng tinawag nyang Erna kanina.
Sabay silang tinamaan ng punyal.
"Ate Ernadel" sambit nya habang umiiyak
"Don't be fooled. They were just clones. Mabubuhay din sila ulit. 5 minutes from now. Wag nyo silang iiyakan." Sambit ng isang taong kaboses ko.
Nilingon ko sya at hindi nga ako nagkakamali. Galing yun sa clone ko. May hawak syang mga punyal na nilalaro nya gamit ang kamay nya.
Sya yung pumatay sa mga clone na muntik nang mangloko samin.
"Ace 2" sambit ko bago punasan ang luha ko at yumuko.
Nakita kong tumayo narin si Meapril bago bitawan ang bangkay na clone.
"Tara na. Ace." sambit nito sakin.
Ang kaninang lungkot sa mga mata nya ay napalitan ng galit, pinupunasan nito ang mga luha nya habang tumatakbo ng mabilis.
"Tatapusin ko silang lahat! Igaganti kita Ate. Igaganti kita!" galit na sigaw nito sa hangin.
Pagbukas namin ng isang kwarto ay agad namin itong pinasok ngunit bumalik lang kami kung saan kami nagsimulang tumakbo.
Anong klaseng lugar ito?
Hindi kami sumuko sa pagtakbo at sa kakahanap ng pugad nila.
At hindi kami nabigo dahil natunton din namin sila.
"Kahit anong pagliligaw ang gawin nyo samin. Matutunton at matutunton parin namin kayo" galit na sambit ni Meapril
"Magtutuos tayo." madiing sambit ko.
Isang ngiti lang ang naging tugon nila samin bago maglabasan ang mga napakaraming clones.
Ang masikip na lugar ay biglang naging malawak.
Magkakasama na kaming lahat ngayon. Unang pangkat, ikalawang pangkat pati narin ang ikatlo.
Ang laban ng lahat.