CHAPTER 21

4 0 0
                                    

Bernard's POV

Walang dapat na ikatuwa sa pagkapanalo ni Hakeem sa game na yun.

Maaring nakaligtas nga kami ngayon pero hindi namin alam kung makakaligtas pa kami sa susunod pero siguro pwede narin dahil humaba ang buhay namin kahit paano.

"Lumabas muna kayo sa dorm nyo at sumunod kayo sakin" sambit ng isang lalaki na nakadungaw sa pinto. May suot itong maskarang katulad ng ginagamit ng mga bata tuwing Halloween

"Sino ka naman? Kakatapos lang namin maglaro" saad ni Gela

"Hindi ako makikipaglaro sa inyo. Ang ikatlong grupo, kailangan nila ng tulong nyo" sambit nito bago kami magkatinginan ng mga kaibigan ko

"Against the rule yun di ba?" Sambit ni Irene

"Hindi dahil parte iyun ng laro nila" tutol naman ng lalaki

"Pero—"

"Wag kayong mag alala. Kasali lang kayo sa laro nila pero walang mangyayaring masama sa inyo" sambit ng lalaki na pumutol sa dapat na sasabihin ni Kishiya

"Let's go" malamig na sambit ni Hakeem. Hudyat na pumapayag sya sa pagpunta namin sa laro ng pang-ikatlong grupo.

Parang wala lang syang pake kung ano man yung pwedeng mangyari samin dun. Pumayag lang sya bigla ng walang pahintulot namin

"Hakeem—" tawag ni Irene sa kanya at akmang may sasabihin pa sana pero tiningnan lang sya ni Hakeem na parang wala ito sa sarili kaya hindi na sya umimik pa

"Sinabi na nya na walang mangyayari sa ating masama" sambit ni Hakeem bago sumunod sa lalaking tumawag samin kanina para lumabas ng dorm. Wala narin kaming ibang nagawa kundi sundan sila

Nagpatuloy kami sa paglalakad pababa sa hallway hanggang sa mapuntahan namin ang isang silid na agad naman naming pinasok.

"Di ba dun yun sa kabila?" sambit ni Kishiya sabay turo sa kabilang direksyon pero sinenyasan lang namin sya para tumahimik at di na kami tumugon pa

Pagpasok namin sa silid ay bumungad samin ang mga taong nakaupo lang sa sulok.

"Labing isa" sambit ni Shanelle matapos nyang bilangin ang lahat

"Nandito rin pala yung pang unang grupo?" Takang tanong ni Gela kaya napalingon kaming lahat sa kinaroroonan ng first group.

Nabaling ang tingin ko sa isang babae na kasama nila. Kamukha nga talaga sya ni Shanai lalo na kung sa malapitan

"Bakit lima lang sila? Anim kada grupo di ba?" Tanong ni Irene

"May namatay sigurong isa" tugon ko sa kanya bago sya hawakan sa kamay at agad naman nyang niyakap ang braso ko

"Cringe" sambit ni Gela sabay ismid

"Holding hands lang" sambit ko

"Holding hands pa pala yang lagay na yan, grabe sya makakapit sa braso mo? Mamamatay na tayo lahat-lahat tapos inuna nyo pa yung landi" asar na sambit ni Gela

"Bitter ka lang eh" sambit naman ni Irene.

Kung hindi ko lang alam na magkaibigan tong dalawa. Iisipin ko na magkaaway sila

"Itigil nyo yan" sambit ni Kishiya kaya inalis nalang namin ang pagkakayakap ni Irene sa braso ko kesa magwala pa sila

"Dito kayo pumwesto, pwede narin kayong umupo" sambit ng lalaki bago pumwesto sa gitna

"Anong klaseng laro ba ang gagawin?" Tanong ni Hakeem bago umupo kaya umupo narin kami

"Ngayon magaganap ang ikalawang laro ng pangatlong grupo. Alam nyo naman siguro kung ano ang kasunod nun. Tama ba ko?" Sambit ng lalaking nasa harapan

"Pangkalahatang laro" sabay-sabay na sambit naming lahat

"Magaling" maiksing sambit nito

"Sabihin mo nalang kung ano yung gagawin. Naiinis na ko, dami mong dada eh. Kapag tinanggal ko yang maskara mo, matatanggal pati pagmumukha mo" madiing sambit ng isang babae mula sa unang grupo

"Trick or treat daw" sambit naman ng isang lalaking kasama nila sabay tawa

"Rems, Grasya. Stop it" saway sa kanila nung isang babae na nakasalamin at agad namang tumahimik ang dalawa

Nakapagtatakang tahimik parin ang ikatlong grupo, pero dahil lang siguro yun sa kaba nila

Pumitik ang lalaking nasa harapan kaya nabaling sa kanya ang atensyon naming lahat.

"Sa larong ito. Wala kayong ibang gagawin kung hindi hanapin ang traydor sa inyong grupo. Maari nyong patayin kung sino ang pinaghihinalaan nyo gamit ang mga patalim na nakalagay sa loob ng kahong nasa harapan ninyo, bawat isa sa inyo ay may kanya-kanyang patalim.

Sa kabilang banda, maaaring tumulong ang ika-una at ikalawang grupo sa pagtukoy dito at kung sino mang inaakusahan ay maari rin nyang depensahan ang kanyang sarili laban sa mga gustong pumatay sa kanya.

Meron kayong sampung minuto para tukuyin kung sino ito at kung sakaling hindi nyo ito nahanap sa takdang oras. Pipili kayo ng isang isa-sakripisyo dahil kung hindi ay... Mamamatay kayong lahat." mahabang saad ng lalaki sabay tawa na parang kriminal

"Simulan na ang laro" sambit nito bago umalis sa harapan.

Ang ikatlong grupo naman ay agad na dumampot ng mga kanya-kanyang patalim mula sa kahon at pumwesto na para depensahan ang kani-kanilang sarili.

DON'T MOVEWhere stories live. Discover now