CHAPTER 4

5 0 0
                                    

Alyssa's POV

There's something strange between these two guys. Alam kong may nangyari sa kanila sa baba kanina kaya sila namumutla pag-akyat nila dito, pero ayaw nila sabihin kung samin kung ano, o baka tamang hinala lang ako kaya pakiramdam ko may tinatago sila.

I know them. Alam ko kung may tinatago sila o wala. Ramdam ko yun.

"Anong oras kaya tayo makakatulog?" Sambit ni Daryl kaya napukaw ang atensyon ko sa kanya

"Wag na matulog, gigising lang din naman" pilosopong sagot ni Rems

"Want some snacks?" Tanong ni Angelica.

Napatingin lang kami sa kanilang dalawa ni Alicia habang may hawak silang mangkok at mga chichirya.

"Akala ko ba matutulog na kayo?" Tanong ni Grasya sa kanila

"Upo na muna kayong dalawa dito tapos lagay nyo sa mesa yang mga dala nyo" saad ni Rems na agad naman nilang sinunod

"Actually, nakatulog na talaga kami then something happened" sambit ni Alicia habang nakakuyom ang kamao

"Something like what?" Tanong ko

"Si Alicia kase bigla nalang akong ginising. May nakita daw syang babae sa paahan namin" reklamo ni Ange.

"Baka si Grace lang yun. Kakapunta lang din nya dito eh" saad ni Daryl

"Di ako pumasok sa kwarto nila and stop calling me Grace. Di bagay sakin" mabilis na sambit ni Grasya

"Ohh Grasya, napupuno ka ng disgrasya" mapang-asar na sambit ni Rems sabay tawa at suntok kay Daryl

"Pwede ba kung tatawa ka, tawa lang? Mapanakit ka masyado eh" asar na sambit ni Daryl habang sapo ang braso

We used to call her Grasya dahil tagalog yun ng name nya or Ace since ayaw nya ng Grace dahil relatives lang nya ang gumagamit nun at madalas din sya marindi.

"I know that it wasn't Ace. Kamukha ko yung nakita ko" seryosong sambit ni Alicia

"Huh?" Naguguluhang tanong ko

"Lah ka!! Double ganger mo yan" pananakot ni Daryl.

"Aray ko naman. Sakit nun ah" sunod na sambit nya matapos syang sampalin ni Alicia

"Patapusin mo muna kase ko." Sambit ni Alicia sabay ismid sa hangin

"Continue" sambit ni Rems ng may ngiti sa labi. Kasiyahan talaga ng lalaking toh kapag nasasaktan si Daryl ng dahil sa kalokohan

"Pakiramdam ko may gusto syang sabihin sakin pero di ko sya marinig. There's something in her mouth pero nung babangon ako para lapitan sya at tanggalin yung nasa bibig nya bigla syang nawala" Kwento ni Alicia

"Tapang mo naman" sambit ni Daryl habang nakahawak sa pisngi nya

"Akala ko kase nananaginip lang ako tapos nung nagising na ko sa katotohanan, dun ko na ginising si Ange dahil sa takot" saad ni Alicia

"What if di lang pala tayo yung tao dito sa loob? Tapos may kasama tayong di natin nakikita" pananakot ni Grasya

"Wag namang ganyan. Alam nyo namang ako lang madalas makakita satin ng kung ano dahil sa third eye ko" mabilis na reklamo ni Daryl

"Lah ka pre!!" Sambit ni Rems sabay tulak sa kanya ng pabiro

"Ano ba?!" Asik ni Daryl sabay tingin ng masama sa kanya

"Oh anong ginawa ni Ange?" Tanong ni Grasya

"Inunahan nya kong lumabas ng kwarto. Ako yung nakakita pero sya yung mas takot" sambit nya sabay tingin kay Angelica

"Sorry naman" sambit ni Ange

"Ini-imagine ko palang natatawa na ko. Sayang di ko nakita" sambit ni Rems

"Let's pray before we sleep" saad ko.

Naalala ko yung mga boses nila na narinig ko sa van habang umiidlip ako. What if si Alicia nga talaga yun at nakita nya lang sarili nya? No, wag naman sana.

"Aly. Lutang ka nanaman" sambit ni Ange pagkatapos akong kalabitin

"First night here without sleep" sambit ni Grasya

"Lahat kayo rito, mga talunan" Salitang bigla na lamang lumabas sa bibig ko na di ko alam kung saan ko nakuha. Parang may sariling buhay yung bibig ko kaya bigla nalang itong nagsalita.

"Ano raw?" Tanong ni Daryl habang seryosong nakatingin sakin kaya nagsitinginan narin ang iba.

"Okay ka lang?" Tanong ni Alicia

"Ikain mo yan o matulog ka na" sambit ni Rems sabay abot sakin ng mangkok na may lamang chichirya

"Wala. Okay lang ako" tugon ko bago abutin yung mangkok na hawak ni Rems

"Kanina ka pa sa van" sabay na sambit ni Angelica at Grasya

Maski ako hindi ko maintindihan kung ano nangyayari sa sarili ko kaya hindi ko masabi sa kanila kung totoong okay lang ba ko o hindi.

It's okay not to be okay naman.

DON'T MOVEWhere stories live. Discover now