CHAPTER 36

3 0 0
                                    

Who am I?

Mr. Hash's POV

"Hoy!" Asik sa akin ni Khalid

"Gising ka na pala" tugon ko

"Ano ba yung sinasabi mong kapalaran ko ha?" Asar na tanong nito

"Masdan mo ang buong paligid. Anong nakikita mo?" Nakangising tanong ko

"Wala namang kakaiba. Ohh wait, umiiyak ka ba?—"

"No" mabilis na sambit ko para maputol mga sasabihin nya

"Ano yang nasa mata mo?" Tanong nito

"Wag mong intindihin" sambit ko

Iniluhod ni Khalid ang isa sa mga binti nya na parang may tinitingnan na kung ano sa likuran ko.

"Huyy, bata. Di ka dapat nandito, di ka ba natatakot dyan sa lalaking nasa harapan mo? Halimaw yan" Nakangising sambit nito habang nakikipag usap sa hangin. Nakita ito ni Jhonsen na agad namang lumapit sa kanya

"Sino naman yang kausap mo?" Tanong agad ni Jhonsen

"Ano name mo baby girl? Ang cute mo, may ate ka?" Pilyong tanong ni Khalid ngunit di ko parin nakikita kung sino ang kinakausap nya.

Maya-maya pa ay nagkamalay narin si Meapril. Masama ang tingin nito sa akin na animo'y papatayin na ko sa tingin.

"Si Ate Ernadel? Nasaan sya?" Napupuot na sambit nito

"Hindi ko kilala yung tinutukoy mo" mabilis na tugon ko sa tanong nya.

Ernadel? Sya yung... Sya yung babae na nakita ko sa visions ko kanina.

"Ikaw ang may dahilan kung bakit napunta dito si Ate!" Sigaw nito

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo" asik ko

Napalingon sya sa likuran ko at bahagyang napatingin kay Khalid na nakikipag-usap parin sa kung sino kasama si Jhonsen.

"Akane" malamig na sambit nya bago mapangiti

"A-Akane?" Sambit ko

"Wag mo sabihing di mo rin sila naaalala?" Sambit ni Meapril

Wala akong alam sa mga sinasabi nya. Naguguluhan parin ako hanggang ngayon

"Hindi" walang pag-asang sambit ko

"Kung ganun pala. Kagaya ko, nabura narin nila memorya mo" sambit ni Meapril sabay ngisi

"Paano bumalik ang iyo?" Seryosong sambit ko

"Kusa lang bumalik. Siguro dahil din sa ginawa mo kanina. Kuya Sierge" masiglang sambit nya

Totoo palang Sierge ang pangalan ko...

"Kuya mo toh?" Tanong ni Khalid na animo'y may nilalarong bata habang tinuturo ako

"Nasa likuran mo si Akane" sambit ni Meapril

"Wala akong makita. Hindi ko sya makita" dismayadong sambit ko

"Di ko rin naman sya makita pero ramdam ko presensya nya. Sya kausap nila diba?" Sambit nya sabay turo kayla Khalid at Jhonsen. Tumango nalang ako bilang tugon

"Nakakatawa isipin na habang wala tayong mga ala-ala ay naging parang robot tayo na sunod nang sunod sa kahit na anong sabihin nila" lintanya ni Meapril

"Ang tagal ko nang malapit sa katotohanan pero ako ang umiiwas." Inis na sambit ko sa sarili

"Bakit mo tinutulungan yung unang pangkat?" Tanong ni Meapril sakin. Napalingon ako sa kinaroroonan ng unang pangkat bago ngumiti ng mapait

"Lahat ng pangkat tinutulungan ko pero mas lamang ang pagtulong ko sa pang una dahil may kasunduan kami... May pangako ako" tugon ko

"Labag sa rules ang makipagsundo sa players tama?" Sambit nya

"Fuck that rules!" Asik ko

"By the way, Anong pangako?" Tanong ni Meapril na puno ng kuryosidad ang mukha

"Nangako ako sa isang myembro nila na kapag narealized ko nang tama ang lahat ng sinasabi nya. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mailigtas ang lahat" sambit ko

Napalingon sya sa kinaroroonan ng mga players at sa palagay ko ay alam na nyang ang unang pangkat ang tinutukoy ko.

"Kay Daryl ba?" Sambit ni Meapril na ikinagulantang ko

Paano nya nalaman? Paano nya nakilala si Daryl gayong hindi naman nya naabutan yung lalaking yun?

"Sya ang dahilan kung bakit ako nagising. Ang totoong dahilan kung bakit mabilis na bumalik ang memorya ko ay dahil hindi pa nila ito tuluyang nabubura sa akin, ginising nya ko habang nasa proseso pa ko ng pagbubura ng memorya" pahayag nya

"Pero—"

"Di ko alam kung paano at saan nya nalaman ang tungkol sa mga bagay na alam nya. Hanggang ngayon nga napapaisip parin ako kung alam din ba yun ng mga kasama nya pero hindi naman malabo ang bagay na yun. May posibilidad na alam nilang lahat kaya ang tanging tanong nalang sa isipan ko ngayon ay paano" sunod na sambit nya kaya di na ko natuloy pang magsalita.

Sino ba talaga sila?

Nung araw na kinausap ako ni Daryl. Napakarami nyang sinabi tungkol sa mga alam nya pero ang pinakaginusto nyang alalahanin ko ay yung tungkol kayla Akane at Mirai na sinasabi nyang mga kapatid ko.

Presensya ni Akane lang madalas na ramdam ko. Nasaan si Mirai?

DON'T MOVEWhere stories live. Discover now