Rems' POV
ㅤNagising ako sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman ko ang panunuyo sa lalamunan ko.
Agad akong bumangon para pumunta sa kusina at makainom ng tubig. Napahikab pa ko bago ko inumin ang isa pang baso ng tubig dahil sa antok.
Kinuskos ko ang mata ko para medyo luminaw naman ang paningin ko dahil medyo malabo parin ito. Umakyat na ko sa hagdan at akmang babalik na sa kwarto ngunit pagbukas ko ng pinto ay hindi kama kundi hallway ang bumungad sakin.
"Hey self. Stop it. Wake up" sambit ko sa sarili sabay sampal ng mahina at kurot sa pisngi ngunit hindi parin nagbabago ang nasa harapan ko
"Where the hell am I?" Sambit ko sa sarili sabay hilamos ng mukha at tingin sa likuran pero naaninag ko parin naman ang hagdan pati ang sala at daan papuntang kusina kung saan ako uminom ng tubig.
Binalik ko ang tingin sa harapan ko ngunit bigla akong binalot ng kaba nang magpatay-sindi na ang ilaw sa hallway.
"Eto dapat kwarto namin ni Daryl ah? Bakit may hallway? Pinto ba toh palabas ng dorm?" Bulong ko sa sarili.
Sinuntok ko ang pader at nagbakasakaling magigising ako sa katotohanan dahil sa hinala ko ay panaginip lamang lahat ng ito ngunit sakit lang sa kamao ang natamo ko.
"So this is for real" bulong ko bago humakbang papunta sa hallway at di na inintindi ang pagpatay-sindi ng ilaw
May naaninag akong pinto sa may bandang gilid kaya pinihit ko ang kandado nito para silipin pero isang kwarto na may bakanteng kama na puno ng dugo lamang ang nakita ko.
Akmang isasarado ko na sana ang pinto pero nung tumingin ako pakanan ay halos lamunin na ako ng pagkagulat nang makakita ako ng taong tumatakbo papalapit sakin at naaaninag ko ang galit na ekspresyon sa mata nito tuwing sumisindi ang ilaw.
Pumasok ako agad sa kuwartong binuksan ko kanina para magtago dahil di ko alam kung anong klaseng nilalang yun, hindi ko makita ang kanyang mukha bukod sa nanlilisik nitong mata.
"Damn!" Mahinang mura ko habang nakatakip ang bibig at marahang napasandal sa pintuan nang makita ko ang kama na puno ng dugo na umaabot hanggang sa sahig at dingding ng silid na kinaroroonan ko.
Paglingon ko pakaliwa ay may nakita ulit akong pinto ngunit wala na sana kong balak na buksan pa yun sa pagkakataong toh pero bigla akong nakarinig ng langitngit ng bakal na nanggagaling sa likuran ng pinto na sinasandalan ko.
Isang katok ang narinig ko at di na ko nagdalawang isip na tumakbo papunta sa pinto na nakita ko kanina lang para makaiwas kung sino man ang nasa likod nung pintong yun.
Pagpasok ko sa loob ay tumambad sakin ang mga nagkalat na picture. May mga picture din na nakalagay sa frame at nakasabit sa gilid ng pader.
Dumampot ako ng isa sa mga nagkalat na litrato sa sahig at agad ding napaluha ng makita kong larawan ito ni Kristel. Sa palagay ko ang iba sa mga litrato na narito ay mga kasama nya o mga nauna pang pumunta sa mansion na toh.
Lumingon ako sa gilid para makita ko ang mga litrato sa mga nakasabit na picture frame at napaatras din nang makita ko ang group photo namin na kasama si Kristel.
"No way! Paanong napunta dyan kasama namin si Kristel? Anim lang kaming pumunta rito at wala akong matandaan na nagpapicture kami" kinakabahang sambit ko
May mga small size na nakadikit sa gilid ng picture frame kaya kumuha ako ng isa sabay lagay sa bulsa ko.
"Get out!" Dinig kong bulong sakin ng di pamilyar na boses.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makaramdam ako ng presensya ng tao na nakatayo sa likuran ko at nakita ko rin ang talas ng patalim na hawak nito dahil bahagya itong kuminang nung matapat ito sa ilaw.
Bumuntong hininga ako bago tumakbo at pumasok sa isa pang silid para magtago ngunit laking kaba ko nang tumagos ang patalim nito sa pinto.
Wala ng ibang pintuan sa loob at wala ring pagtataguan bukod sa locker kaya pumasok ako nalang ako rito kahit alam kong mabilis lang ako nitong mahahanap kapag nagtago ako dun.
Malaki ang locker at sakto ito sakin ngunit isang tao lamang ang kakasya para magtago. Buti at mag isa lang ako. Di ako makaka-upo kaya wala akong magawa kundi takpan nalang ang bibig para mapigilan ang paglikha ng kahit anong ingay. Sinilip ko ang taong nasa labas gamit ang maninipis na guhit na nagsisilbing butas ng Locker. Sakto lamang ito para makasilip ng hindi ka nakikita.
Panay ang lingon nito pakanan man o pakaliwa at alam kong ako ang hinahanap nya, binalot ako ng kaba nang makita kong lumingon sya sa kinaroroonan ko at lumakad papalapit dito.
"If that person opens the door of this locker. I'm absolutely near at my life's ending" mahinang bulong ko saking sarili gamit ang isip bago mapapikit ngunit napadilat din agad nang maramdaman kong wala namang nangyayari. Nakita kong lumalakad na paalis ang taong humahabol sakin.
"Bakit di nya binuksan ang pinto?" Mahinang bulong ko sa sarili pero nagpapasalamat dahil dun. Naghintay muna ako ng ilang sandali para makasigurado na wala na ang nilalang na yun bago lumabas sa kinatataguan ko.
Lumakad na ko palabas ng silid at marahang naglakad sa hallway habang iniiwasan na makalikha ng anumang ingay. Balot na balot na ko ng takot ngunit gusto ko paring makalagpas sa pagsubok na toh.
Lumiko ako pakanan at huling pinto nalang ang nakita ko rito, nasa dulo narin ako ng hallway kaya wala na kong pagpipilian kundi pasukin iyun na agad ko namang ginawa.
Ang kaba ko ay agad na binalot ng lungkot kasabay ng sunod-sunod na pag agos ng mga luha ko sa mata nang makita ko ang katawan ni Daryl na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.
“Why have you forsaken me?” Basa ko sa nakasulat sa pader katapat ng duguan nyang bangkay. Isinulat ito gamit ang pulang likido na sa tancha ko ay dugo nya
"Sorry but you forced me to do it. I have no choice..." mahinang sambit ko bago lapitan ang katawan nya sabay yakap ng mahigpit.
"I got you" dinig kong bulong nya sa tenga ko, nagulat ako dahil ibang boses ang narinig ko. Damn. Hindi ito yung boses ni Daryl! Hinding hindi.
Napalingon din ako agad sa bangkay na niyakap ko at nakita kong hindi talaga si Daryl yun. Hindi rin ito bangkay dahil ito ang taong humahabol sakin kanina, ginamit nya si Daryl para lokohin ako. Sinamantala nya ang emosyon ko.