BOSS FIGHT
ㅤ
Meapril's POV
ㅤ"You... You killed Ate Ernadel!" galit na sambit ko
"It's her fault. She died kase tanga sya. Pakialamera silang lahat." nakangiting lintanya nya
"Her, Shanai, Kristel, including those two little brats. They all deserve to die" dugtong na sambit nito nang wala man lang halong pagsisisi sa mukha nya
Napalingon ako sa kinaroroonan ng group 2 na kasalukuyang nakaupo na sa sahig dala ng pagod.
Kishiya, Shanelle, Gela at Hakeem.
"How about them?" tanong ko sa kanya na ikinatawa nya
"They were all nothing but an instrument to me. Every game, ganon ang papel namin ni Bernard. Makikipagkaibigan sa kanila at first and then HAHAHAHA in the end... We will kill them all" malamig na sambit nya
"You're heartless Irene" may poot na sambit ko.
"Glad you know" sambit nya sakin.
Sinugod ko sya at nakipagbuno ako sa kanya ngunit napapikit ako ng naramdaman kong saksakin nya ko sa braso.
"Gusto mong patayin kita gaya ng pagpatay na ginawa ko sa Ate mo? Parehas kayong dalawa. Sumusugod na walang dalang patalim" napaatras sya nang bigla kong sipain ang sikmura nya na naging dahilan para bitawan nya ang kutsilyong pinangsaksak nya sa braso ko.
Kinuha ko agad ito at di na ko nag atubili pang tadtarin sya ng saksak.
"Anong pakiramdam ng masaksak ka gamit ang sarili mong patalim Irene? Masarap ba? Huh?!" galit na galit na sigaw ko
"Tama na yan. Patay na sya" awat sakin ni Grasya
Tumayo na ko agad bago sya pagmasdan.
"Matapang ka lang kapag may clone ka. Kapag wala, wala ka ring maibubuga." malamig na sambit ko habang pinagmamasdan ang buong katawan nya na naliligo sa sarili nitong dugo.
Lumapit ako sa kanya sabay baon ng kutsilyo sa dibdib nya.
"Irene!" dinig kong sigaw ni Bernard
"You bitch!" sunod na sigaw naman nya sakin at akmang susugurin na sana ako nang bigla syang sikmuraan ni Sierge.
"Ako ang kalaban mo!" galit na sambit ni Sierge sa kanya.
Humalakhak ng tawa si Bernard bago tumingin kay Sierge na animo'y baliw na.
"Masyado kayong nahibang sa laro na toh. Sa kabaliwang toh. Ngayon magbabayad ka" sambit ni Sierge sabay saksak sa hita nya.
"Aaahhh!!" Sigaw ni Bernard dala ng sakit.
Kulang pa yan! Sa lahat ng buhay na winakasan nyo. Kulang pa yan sa lahat ng kademonyohan nyo. Magdusa kayo.
Isang saksak pa sa kabilang hita ang natamo nya mula kay Sierge na naging dahilan na para mapaupo sya sa sahig.
Halos makapikit na ko sa ginagawa sa kanya ni Sierge dala ng galit.
"China-chopchop ba nya si Bernard ng buhay?" Sambit ni Grasya habang nakatingin ng deretso kaila Sierge at Bernard.
This girl... Paano nya nakukuhang tumingin lang ng deretso na parang sanay na sanay na sa ganyang gawain? Sanay ba sya mang torture.
Binalik ko ang tingin ko kay Sierge at Bernard nung hindi ko na naririnig pa ang mga sigaw ni Bernard.
He's dead.
"You're with Irene now." Nakangiting sambit ni Sierge bago mapaluha.
"Naiganti na kayo ni Kuya." Sambit nito sa hangin.
Alam kong si Mirai at Akane ang tinutukoy nya.
Sila Mirai at Akane ang pinag-eksperimentohan para mabuo ang clone formula.
Ramdam ko ang galit na nararamdaman ni Sierge... Hindi lang nila pinatay yung kapatid mga nya, pinalimot pa yun sa kanya.
Napalingon ako sa paligid nang bigla kong mapagtanto na wala sila Rems at Jhayzon.
Saan sila napunta?
Tumakbo ako papunta sa pwesto ng mga players nang masigurado kong patay na talaga si Irene.
Sumunod din naman sakin agad si Sierge at humabol pa ng isang saksak sa dibdib ni Bernard bago umalis.
Parehas na silang may nakabaong kutsilyo sa dibdib.
Couple goals kayo hanggang kamatayan.