Rems’ POV
ㅤKasalukuyan kong kinakausap si Daryl nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog kaya napatakip agad kami ng tenga at bahagyang napapikit dahil sa nakakabingi nitong tunog.
"Shit!" Malakas na sambit ko pagkatapos nitong mawala
"Pumapalting pandinig ko" sambit ni Daryl habang marahang hinahampas ang tenga
"Balik na tayo sa topic. Bakit ka nag walkout kanina?" Seryosong tanong ko.
Umupo si Daryl ng maayos sa kama bago ngumisi na parang baliw
"Masyado kase silang mapang asar" pagdadahilan nya
"Yun lang?" Medyo taas kilay na sambit ko
"Just kidding. Hindi naman ako ganun kababaw para mag walkout nang dahil lang sa inasar nila ko noh. Mas mapang asar pa nga ako sa kanila." Sambit nya sabay tingin sa malayo
"Edi ano nga?" Madiing sambit ko
"May nakita kase akong batang umaakyat sa hagdan kanina tapos pumasok sya dito sa kwarto natin. Sa tancha ko. Nasa 8-10 years old sya kaya sinundan ko. Nagkataon lang na inaasar nila ko kanina kaya parang nag walkout ako" saad nya na ikinatayo ng balahibo ko
"Nakita mo yung mukha? Ano itsura?" Tanong ko kahit medyo natatakot na. Curious parin ako
"Hindi. Nakayuko sya eh tsaka may suot syang sumbrero na pang scout tapos naka backpack din. Yung tipong kakauwi mo lang sa bahay galing sa school. Ganun" sambit nya sabay tingin sakin
"Babae o lalaki?" Tanong ko sabay taas ng dalawang kilay
"Bakit liligawan mo?" Sambit nya sabay ngisi
"Gago talaga. Seryoso 'ko" asik ko kaya napatawa sya
"Babae tapos short hair" sambit nya kaya medyo naimagine ko yung mukha nung bata
"Wala ka bang nakita pagpasok mo dito?" Tanong ko nang bigla syang napatingin sakin na animo'y takot na takot
"Rems. Wag kang gagalaw" kinakabahang sambit nya na agad ko namang sinunod sa di ko malamang dahilan
"Bakit naman? Kung prank toh tigilan mo ko" sambit ko pero nananatili parin syang nakatingin sakin
"Yung batang sinasabi ko. Nakapasan sya ngayon sa balikat mo" Madiing sambit nya kaya tuluyan na kong di nakagalaw dahil sa takot.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at unti-unti ko naring naramdaman ang bigat sa mga balikat ko kaya alam ko na may nakasakay talaga pero si Daryl lang ang nakakakita
"Tinanong mo sakin kung ano itsura kanina diba? Nakita ko na" sambit nya habang nanginginig ang kamay
"Wag na. Ayoko nang malaman!" Asik ko
"Wala syang mukha" sambit nya kaya mas lalo pa kong natakot
"Tangina mo! Sabi ko ayoko nang malaman!" Malakas na mura ko pero agad din akong napahinto nang maramdaman kong mas bumigat pa yung nasa balikat ko.
Marahan kong ibinaling sa gilid ng mata ko ang sentro ng aking paningin nang may makita akong buhok na pababa sa gilid ko at mas lalo pa akong kinilabutan nung makita ko ang binti ng bata sa may bandang dibdib ko at ang paa nito ay hanggang tagiliran ko lang.
"Daryl paalisin mo toh sakin! Di ako mahilig magsakay ng bata sa balikat ko!" Asik ko bago ipikit ang mata
"Wag nyong kakainin ang sisig na binigay nila" mahinang bulong ng bata sa tenga ko
"Anong sisig ang sinasabi mo?" Mahinang tugon ko kahit gusto ko na syang ibalibag para lang maalis sya sa balikat ko
"Yung hinatid nila. Wag nyong kakainin. Makukulong kayo rito kapag kinain nyo yun. Hindi na kayo makakalabas, magiging palamuti kayo sa bahay na toh. Magiging katulad nyo sila" Sunod na bulong ng bata.
Idinilat ko ng kaonti ang mata ko at nagbaka-sakaling makikita ko sya pero kinilabutan lang ako dahil totoo palang wala syang mukha.
"Di ko alam kung ano yung sinasabi mo. Sinong sila?" lakas loob na sambit ko
"Yung sisig. Hawak yun ngayon ng mga kaibigan nyo." Sunod na bulong nito sabay bungisngis na mas lalo pang nagpatayo ng balahibo ko
"O-okay. Pero sinong sila ang tinutukoy mo?" medyo nauutal na sambit ko sa bata
"Yung maglalaro sa inyo. Kasama kayo sa mga laruan nila. Magsisimula palang ang laro" sambit nya na kinakunot ng noo ko
"Anong laro?" Mahinang sambit ko kahit na kanina pa ko takot na takot
"Laro ng kamatayan" malamig at seryosong bulong nito.
"Buhusan nyo kalamansi lahat ng pagkaing ibibigay nila para makasigurado kayo na ligtas yun kainin" bulong nitong muli at medyo gumaan narin ang mga balikat ko
"Tatandaan ko yan" pagsang-ayon ko
"Pigilan nyo sila" sambit nito bago mawala at tuluyan nang nawala ang bigat sa balikat ko.
Nang matapos ang pangyayari ay agad kaming nag unahang tumakbo palabas ng kwarto ni Daryl at agad na pumunta sa kinaroroonan nila Grasya para hanapin yung sisig na sinasabi nung bata.