•°Zero°•

154 4 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 02

AYMTHE P.O.V

Matindi rin pala ang paraalan na ito. Hindi ko naman sila inaano pero kung maka bully sila ay wagas. Mukhang totoo nga ang kasabihan na ang mga mayayaman ay masasama dahil wala silang mga disiplina. Hindi sila dinidisiplina.

Hindi naman kami mayaman ni Mama. Pero ng namatay si Mama ay doon ko naman nakilala ang Daddy ko na hindi ko alam na mayaman pala.

Bigla kong nabitawan ang hawak kong tray ng may biglang sumipa sa 'kin. Halos lahat ng pagkain ay natapon sa damit ko. Habang nakasubsob ang mukha ko sa sahig. Hindi ko napansin ang pagsipa niya dahil sa malalim kong iniisip.

"HUY! TIGILAN NIYO 'YANG KAIBIGAN KO!" Sigaw ni Ella at patakbo niya akong nilapitan.

Ang tumatawang mga estudyante kanina ay agad tumahimik na para bang may nakita silang isang Anghel para tahiin ang mga bunganga nila.

Tatayo na sana ako ng may maramdaman akong tumapak sa kamay ko.

"AHHHHHH!" sigaw ko sa sakit.

Agad akong napaupo ng wala sa oras dahil sa sobrang sakit ng kamay ko tumingala ako para makita ang mukha niya. Hindi ko pa naaninag ang mukha niya dahil sa liwanag pero unti unti ring naging malinaw ang itsura niya.

Pinatayo ako ni Ella at galit niyang hinarap ang lalaking tumapak sa 'kin pero agad ring napawi ang galit niya ng makita ang itsura ng binata.

"Igop!" rinig kong bulong niya.

"B-bakit mo 'ko tinapakan?" utal utal na tanong ko sa kaniya ng maramdaman kong nanginginig ang tuhod ko.

"Akala ko kasi sahig ka! Mukha ka kasing basura." Mayabang itong ngumiti bago kami nilagpasan.

Ramdam kong may namumuong luha sa mata ko ngunit agad akong kumurap. Hindi ako iiyak dahil lang do'n. Pinalaki akong matapang ni Mama. Hindi duwag.

Agad ko siyang nilingon nakita ko ang makurba niyang likod. Napangisi ako bago ko kinuha ang makukuha ko at binato sa kaniya.

Rinig ko ang singhapan ng paligid dahil sa ginawa ko. At ng mapagtanto kung 'yong cell phone ko pala ang nabato ko. Gosh! Bakit 'yon pa?

Lumingon siya sa 'kin. Parang gusto kong magsisi dahil may nakita akong dugo sa gilid ng nuo niya mukhang napalakas 'ata ang bato ko pero agad ring napawi ang sisi ko sa sinabi niya.

"Sa susunod na gawin mo 'yon. Pati 'yang isang kamay mo aapakan ko." Bago ito yumuko na parang may kinuha at naglakad nalang paalis.

"Bakit mo 'yon ginawa?" tanong ni Mitchie na kaklase ko. "Badboy 'yong nakaharap mo."

"Siya 'yong nanguna hindi ako," pagtatanggol ko sa sarili, "hindi man lang niya ako tinulungan at inapakan pa ang kamay ko. Buti nga at 'yong kanang kamay ko ang naapakan hindi 'yong kaliwa dahil baka mahirapan akong magsulat 'pag nagkataon."

"Are you okay?" Nakita ko ang pag alala sa mukha ni Wendy ng agad niyang hinawakan ang kamay ko at tiningnang mabuti ito. "Namamaga, namumula. Sana walang bali."

"Wala 'yan hindi naman masakit. Matangkad lang siya pero magaan lang 'yon." Bago ko binawi ang kamay ko at nagsimula ng maglakad papunta sa CR para magbihis.

May binigay na jersey sa 'kin si Wendy maliit lang naman ako kaya kasya ko ang damit niya. Napatingin ako sa salamin ng matapos akong magbihis.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ng kamay ko. Napako ang tingin ko sa kanang kamay ko na ngayon ay sobrang pula na. Sinabi ko lang na hindi masakit dahil ayaw ko silang mag alala pero sa totoo lang para talaga akong kinakatay sa sobrang sakit ng kamay ko.

Pinasok ko ang namamaga kong kamay sa bulsa ng jersey short pero agad ko rin itong nailabas ng parang humahapdi ito tuwing nadidikitan.

Napabuntong hininga nalang ako dahil wala rin naman akong magawa. Quits lang kami inapakan niya paa ko nasugatan ko naman nuo niya.

Sumalubong sa 'kin si Wendy na nakangiti pero nag alala parin ang mukha habang si Ella naman ay kinakausap si Monica pero parang wala lang pakialam si Monica sa kaniya.

"Ipagamot mo na yan." Pinagsiklop niya ang kamay niya at nasa gitna no'n ang libro bago niya ninguso ang kamay ko.

"Okay lang ito Monica," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Hindi narin siya nagpumilit pa at umuna na ng naglakad sumunod naman kami, nakaakbay si Ella sa 'kin habang pinulupot ni Wendy ang kamay niya sa braso ko.

Pumasok na agad kami sa classroom namin maliban kay Monica dahil iba ang room niya. Umupo kami sa may likuran agad kong sinubsob ang mukha ko sa desk ng naramdaman kong mas lalong humahapdi ang kamay ko.

"ARAY!" bigla nalang may sumipa sa upuan ko dahilan para mabali ang paa n'on.

Halos mapasigaw ako sa sakit ng mapansin kung nagamit kong pantukod ang kamay na naapakan niya. Gusto ko nang umiyak sa sobrang sakit na ng katawan ko ngunit pinili ko paring maging matapang at tumayo bago siya hinarap.

"Wala kabang manners?" mahinahong tanong ko sa kaniya at napatingin ako sa upuan ko.

Sayang naman ang upuan ta's sisirain niya lang hindi ba nila alam na may ibang skwelahan na naghihirap pa at wala silang maibiling upuan para sa mga estudyante ta's sila sisirain lang? Sabagay mayayaman nga pala sila at puros mayayabang.

"Magkano ba 'yang Manners?" kita ko ang pag angat ng labi niya na para bang nang-aasar talaga.

"Hindi iyan nabibili," Humakbang ako palapit sa kaniya. "Ang Manners hindi nabibili."

"Pero kaya kitang bilhin," mayabang na sabi niya.

"Kaya mo nga! Pero ang tanong narinig mo ba mula sa bibig ko na binibenta ko ang sarili ko?" Alam ko kung gaano siya kayaman ngunit hindi iyon ang dahilan para mang apak siya ng kapwa tao niya dahil sa sobrang yabang niya.

Mukhang nainis ko siya dahil biglang nagkasalubong ang makakapal nitong kilay habang diretso lang na nakatingin sa 'kin.

Tumalikod ito na para bang talo na siya hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Mukhang sa 'kin ang unang panalo. Ngunit halos mapatili ako ng bigla niyang tinapon sa 'kin ang bolang hawak niya na hindi ko pala napansin na kanina pa ito na sa kaniya.

Anong gagawin ko? Aatras ba ako? Iiwas? Tatakbo? Ngunit huli na lahat. Bago pa ako umiwas ay halos mapapikit ako ng mapansin kong palapit sa 'kin ang bola ngunit rinig ko ang nakakainis at nakakaasar niyang tawa.

"Nagsisimula palang ako Aymthe," bulong niya sa 'kin.

Bago pala malapat ang bola sa mukha ko ay nasalo na niya ito na para talagang nanghahamon. Napatingin naman ako sa gilid ng nuo niya ng makita kong may bandage ito.

Walang hiya ka Zero Axfel Griffin. Wala akong ginawang masama sa kaniya pero kung makapag bully at makapanakit siya ay parang pinatay ko ang kalahati niya ha! Pero mukhang napahiya lang siya naapakan ko 'ata ang ego niya kaya heto siya at gumaganti.

Nalaman ko rin ang buo niyang pangalan kay Wendy dahil siya naman ay matagal na rito kaya medyo may alam siya.

Simulan mo Zero, sabay nating gagawin at ako ang tatapos.

° • °

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now