•°One Missing°•

60 1 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 27

AYMTHE POV

Hinihiwa niya ang mansanas habang ako rito ay kinakain ang mga finish product niya. Mukha naman siyang hindi naiinis dahil patuloy lang siya sa ginagawa niya. Nang tumingin siya sa 'kin ay ginamit ko ang pinakamatamis kong ngiti. Natawa naman siya habang umiiling.

Napatigil kami pareho at napatingin sa handheld radio na nakalapag sa mesa ng narinig namin ang boses ni Range.

"Hello! Hello! May nakakarinig ba?"

"Bakit Range?" tanong ko.

"May malaki kaming problema rito. Nawawala si Oliver."

"Pa'no nawala?" takang tanong ni Zero. "Diba sinabi ko na sa inyong kay Oliver ang focus niyo?"

Tumayo ako at hinawakan ang braso ni Zero para pakalmahin. "Nasa'n kayo? Pupuntahan namin kayo."

Agad na kaming naghanda. Lumabas na kami pareho sa bahay. Hinawakan ni Zero ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Ramdam kong may nakamasid sa 'min. Napansin naman  siguro iyon ni Zero ngunit patuloy lang kami sa pagtakbo na para bang wala siyang pakialam sa mga nakamasid sa 'min.

Gaano ba kahalaga si Oliver? Bakit kailangan siyang protektahan? Alam kong hindi lang tungkol sa camera na hawak ni Oliver may iba pa siguro. O baka? Paranoid lang ako? Baka nga.

Hindi ko alam kung saan kami dumaan, pero si Zero alam naman niya siguro kung saan kami dapat dadaan dahil patuloy lang kami sa pagtakbo.

Nang huminto kami sa isang bahagi ng kagubatan na medyo tago. Nakaupo si Range habang si Felix naman ay nakasandal sa isang puno. Naagaw ng pansin ko ang isang taong nakahandusay sa harap ni Range.

"Sino siya?" Turo ko do'n.

"Nakita lang namin. Baka sakaling pwede nating i-examine ang katawan niya. Para alam natin kung ano nga ba ang puno't dulo ng gulo na 'to."

"Mabuti 'yan." Tumango si Zero. "Saan niyo huling nakita si Oliver? Pa'nong nawala siya?"

"Marami kasing kalaban na sumugod," panimula ni Range. "Nagtatago kami ni Oliver kasama ang bangkay na 'to. Si Felix naman ang nakipaglaban. Syensa na, nawala ang focus ko kay Oliver dahil nakatingin lang ako kay Felix."

"May pagkakataon ka nang tumakas Range. No'ng oras na nakipaglaban si Felix at naagaw niya ang atensyon ng mga kalaban. Pag-asa mo na 'yong tumakas. Kaya naman ni Felix ang sarili niya."

"Hindi ko alam, okay? Hindi ko naman kayo kilala. Ang TIGER lang naman ang inembestigahan at kinilala ko. Hindi naman kayo. Malay ko bang kaya pala niya? Sa sobrang tahimik niya na ayaw akong kausapin, malalaman ko ba?" maangas na tanong ni Range.

Pumagitna ako sa kanila. Hinaplos ko naman ang braso ni Zero para pakalmahin siya. Hinarap ko si Range, tipid akong ngumiti.

"Dalhin niyo na ang katawan. Didiretso tayo sa kuta ng TIGER." May pagtutol pa sila sa sinabi ko ngunit wala ring nagawa. Kinuha ko ang handheld radio na hawak ni Zero. "Aris, Ien, Terron, Rulls. Naririnig niyo ba ako?"

"Oo," rinig kong sagot ni Aris. "Nasa bahay na kami."

"Change plan," rinig ko ang pagtataka ng apat. "Magkita tayong lahat sa may ilog. Saka na kami magpapaliwanag. Stay safe everyone." Kami rin ay tinungo na ang may ilog. Malapit lang kami rito. Naghanap kami ng pwesto ng makarating kami.

Habang naghihintay sa pagdating ng iba ay hindi ko mapigilan ang mapatingin sa katawan ng walang buhay na babae. Hahawakan ko sana para tingnan ang kabuoan nito ngunit pinigilan ako ni Range na may suot na gloves.

"Hangga't maaari. 'Wag nating lagyan ng finger print. Mag-ingat tayo." Tumango ako sa kaniya. Naiintindihan ko naman. Play safe na rin namin.

Ilang minuto pa silang naghintay ng makita naming akay-akay nila si Terron at Ien. An'yare ng mga 'to?

Tumayo naman si Range at tiningnan ang mga sugat ng dalawa. Tutal nurse naman siya.

"Anong plano?" nakatingala si Terron habang hinihingal.

"Sa kuta ng TIGER tayo tutungo. Nawawala si Oliver."

"Pa'nong nawala?" takang tanong ni Aris.

"Mamaya na natin pag-usapan 'yan. Pakinggan niyo ko." Tumango sila at lumapit pa sa 'kin para marinig ako. "Hahatiin natin ang grupo sa dalawa. Ang unang grupo sila ang didiretso sa kuta. Ang pangalawang grupo sila ang gagawing pain. Ang sugatan, kailangan nang gamutin ang mga sugat nila. Mawawalan na sila ng dugo 'pag nagkataon."

"Sige, ikaw na ang mag-grupo." Tumayo ng maayos si Rulls.

"Rulls, Aris, Felix... kayong tatlo ay ililigaw ang mga nakabantay sa 'tin."

"Sasama ako." Nagtaas ng kamay si Range.

"Kailangan ka namin doon. Gagamutin sila Terron at Ien. Tutulungan mo rin kaming eh-examine ang katawan. Galaw na!"

Tumango silang lahat. "Rulls, Aris, Felix mag-ingat kayo. Felix, ikaw na ang bahala sa dalawa." Tumango siya bago sila umalis na.

Tinulungan kong makatayo si Terron at inakbay ito sa 'kin. Pinasakay naman sa likod ni Zero si Ien dahil sa natamo sa hita nito. Si Range ang may hawak sa katawan.

Sumilip muna kami bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Rinig namin ang mga mabibilis na paglalakad dahil sa inaapakan nilang mga tuyong dahon.

Maayos naman kaming nakarating sa kuta. Mukhang nailigaw nila ang mga nakabantay sa 'min. Habang nasa bahay kaming dalawa ni Zero na-realise lang namin na hindi naman masyadong marami ang kalaban.

Tamang tama na naghihiwalay kami no'n dahil nahati rin ang grupong nakabantay sa 'min at dahil kinuk'wento ni Range sa 'min na marami ang nakalaban ni Felix. Nasisigurado kong k'unti nalang ang natitirang nakabantay sa 'min. Kaya sinigurado kong maililigaw nila Felix ang mga taong iyon.

Tinulungan kami ni Gendi at Eugene ng makita kami. Ginamot na muna nila ang sugatan. Masyadong nanghina ang dalawa dahil na rin sa madaming nawalang dugo ng mga ito.

Nang matapos ay pinagpahinga na muna namin sila. Nang gumagabi na ay napatingin ako kay Zero na naghihintay sa may daanan. Hindi pa rin bumabalik ang tatlo. Delikado na sa gubat gayong madilim na.

Tumabi ako sa kaniya. Agad naman niya akong tiningnan. Nakita ko ang pag-alala sa mukha niya. "Babalik sila." Sabay kaming napalingon nang marinig iyon. Nakahawak sa t'yan niya si Terron habang nakangiti kay Zero. "Sigurado akong babalik sila. Magagaling ang mga kaibigan mo."

Sakto namang may nakita kaming tatlong pigura ng tao. Agad namang tumakbo si Zero at nilapitan ang mga ito na akay-akay ni Felix si Rulls. Habang nakahawak sa t'yan si Aris. Si Felix lang ang walang sugat kahit na isa. Anong nangyari at ganito ang natamo ng lahat?

Ginamot na nila ang dalawa at ikinuwento ni Felix ang nangyari sa kanila. Nagpag-usapan narin namin kung anong gagawin namin sa nakuhang katawan ng babae.

Babalik na rin kami sa Easton University. Baka maghinala na ang mga tao roon dahil ilang linggo na kaming nawawala. Kailangan ko rin ang tulong ni Ella.

Si Ella lang ang makakatulong sa 'min sa sitwasyon na 'to.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now