•°Epilogue°•

132 2 0
                                    

TWIHY: EPILOGUE

ZERO POV

Misyon?

"Pero bago ko sasabihin sa inyo ang misyon. May importante akong sasabihin sa 'yo Zero."

"Tungkol saan naman?"

"Tungkol sa parents mo." Napatigil ako habang nakatingin sa mga mata niya. Parents? Meron ba ako niyan? Wala naman.

"Sabihin muna ang misyon. Ayaw kong marinig kung ano man 'yang tungkol d'yan."

"Ngunit kailangan mo 'tong malaman. Matagal na pala itong nakatago. Hindi ko lang napansin dahil marami ring nakatambak na dokumento. Mga tinanggihan ko na misyon at ang mga na-approve. May hinanap ako kanina kaya ito medyo magulo ang opisina ko. Tapos 'di ko sinadyang mabasa 'to." May binigay siya sa 'king isang mini book.

Nagdadalawang isip kung kukunin ko ba. Ramdam kong may humaplos sa braso ko. Napabuga ako ng hangin bago ito kinuha. Napahigpit ang hawak ko roon hanggang sa napagdesisyunan ko nang buksan.

Napakagat labi ako ng makita ang isang picture. Picture naming tatlo. Si Mommy na nasa kanang bahagi at si Papa sa kaliwa, nasa gitna nila ako. Hinalikan niya pareho ang pisnge ko.

"Ang cute." Sinara ko ito ng marinig ang sinabi ni Aymthe.

"May isang sulat na nagsabing nakalimutan mo na raw ang mukha ng mga magulang mo kaya ibigay ko raw iyan sa 'yo."

"Bakit mo pinakita sa 'kin ang itsura nila?! Wala na akong pakialam! Nakalimutan ko na sila e."

"Sabi ni Gun, sinadyang mapunta ka sa kaniya."

"A-ano?"

"Nasa panganib ang buhay mo. Dahil nag-iisang anak ka ay hindi hinayaan ng mga magulang mo na mapahamak ka. Kahit na ang kapalit nito ay kamuhian mo sila. Itinakas ka nila sa kapahamakan. May gustong pumatay sa mga magulang mo. Para 'di ka madamay kaya nila iyon ginawa. Nakiusap sila kay Gun na ampunin ka. Buhayin. Palakihin ng mabuting tao. Kaya isang linggo kang palaboy-laboy dahil panay ang hanap nila Gun sa 'yo. Nawala ka sa mga mata nila. Gustong sabihin ni Gun na mahal na mahal ka ng mga magulang mo."

Masaya ako. Pakiramdam ko parang tatalon ang puso ko sa saya. Makakalabas na rin ako! Yehey! Akala ko pa naman sa bahay lang talaga ako. Buti nalang pinayagan na rin ako nila Mommy na lumabas.

"Hindi ka po sasama, Mommy?" Lumuhod siya sa harapan ko para magkapantay kami. Magkasing height lang kami ni Mommy! Hehe!

"Hindi na muna anak. Next time nalang. Mag-enjoy ka ha?"

"Iyak po ba ikaw?" napansin ko ang pamumula at basa niyang mata. Diba iyan 'yong sign na iiyak ang tao?

"H-hindi. P-pinagpawisan lang. Napagod kasi si Mommy sa work."

"'Wag ka po papagod work Mommy ha? Lab po kita."

"I love you baby. Tandaan mo ha. Mahal na mahal ka ni Mommy kahit anong mangyari. Mahal ka rin ni Papa."

Kumaway ako sa kanila habang ang isang kamay ko ay hawak ni Yaya. Sinisway ko ang magkahawak naming kamay ni Yaya habang patalon talon ako.

Marami kaming ginawa ni Yaya! Nag-enjoy ako sobra!

"Yaya thank you sa ice cream." Napatingin ako sa likuran ko. Ngunit wala si Yaya roon. "Yaya? Yaya!" Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Nahulog na rin ang ice cream ko.

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now