•°We're ready°•

90 2 1
                                    

TWIHY: CHAPTER 12

AYMTHE POV

Napatingin ako sa may gilid ng kusina may pinto kasi roon at doon ka dadaan para mapuntahan ang taniman nila. Nagkasalubong ang mga kilay ni Zero habang nakatingin sa 'kin.

"Anong tingin 'yan Z?" takang tanong ni Aris.

"Nag away na naman ba kayo?" tanong ni Oli sa 'kin.

Umiling lang ako habang ang tingin ko ay nand'on parin kay Zero. Padabog itong umupo saka nagsimula ng kumain. Napatingin ako kay Felix nakangiti lang ito habang sumusubo.

"Para kang tanga d'yan Felix," saway ni Rulls sa kaniya.

"Mga taong in love lang ang ngumingiti ng gan'yan," kumento ni Oli.

"Inlove naba yong may nahuli kang may ginagawang milagro?" pang aasar nito.

Halos lahat 'ata ng dugo ko ay umakyat sa pisnge ko dahil sa sinabi ni Felix. Nang aasar nga siya. Kita ko naman ang pag ngiti ni Zero halatang pinipigilang hindi tumawa.

"Hala! Nambuso ka?" tanong ni Oli sa kaniya.

Nilibot ko ang tingin ko ng maramdaman kong may kanina pa nakatingin sa 'kin hanggang sa mapako ang tingin ko kay Aris may mapanuring tingin ito ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay.

Umiling lang ito saka magsimula ulit kumain.

Magaling akong magpanggap ngunit dahil kay Zero ay parang nakalimutan ko 'ata ang lahat ng trinain ko

Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta na ako na ako ang maghuhugas at dahil halatang mga tamad sila ay agad silang sumang ayon sa 'kin at iniwan ako rito sa may kusina.

Nilinis ko muna ang mesa bago ko nilagay lahat ng platong ginamit rito sa lababo at nagsimula ng maghugas. Napaigtad ako ng maramdaman kong may yumakap sa 'kin mula sa likuran.

Dahil isang tao lang naman ang nagparamdam sa 'kin ng ganitong pakiramdam ay alam ko na kung sino ito.

Hahayaan ko na sana siyang yakapin ako patalikod ng maramdaman ko ang labi niya sa batok ko at dahil naka sleeve less lang ako ay madali niya lang itong nahalikan.

Nanginginig ang kamay ko habang naghuhugas ng plato dahil nagsisimula ng lumakbay ang labi niya. Bahagya pa niyang kinagat ang tainga ko.

"Ohh!"

Dinilaan niya ang likod ng tainga ko pababa ito sa leeg ko may tumikhim muntik ko nang mabitawan ang isang pinggan buti nalang at nahawakan ito ni Zero at nagpanggap siyang naghuhugas rin ng pinggan.

Napatingin lang ako sa kaniya habang naghuhugas siya. Lumingon ako at tiningnan ko kung sino ang tumikhim tinaasan lang ako ng kilay ni Aris.

Lalapit na sana ako kay Aris ng hinarangan ni Zero ang daan ko at kumuha pa siya ng sabon kaya wala na akong nagawa kun'di ang manatili nalang at magpatuloy sa paghugas.

Hanggang sa matapos kami ay umupo ako at kumuha ng mansanas at kumagat pumasok naman sa loob si Aris at umupo sa tapat ko.

"Bakit?" takang tanong ko ng mapansin kong ang lagkit ng titig niya na para bang binabasa niya kahit 'yong kaluluwa ko.

"Wala." Saka siya umiling at kakagatin niya rin sana ang mansanas na hawak ko ng may unang kumagat na no'n.

Napatingala ako at nakita ko ang madilim na mukha ni Zero habang nakatingin kay Aris. Anong problema nilang dalawa?

"Gusto ko lang matikman ang mansanas ni Aymthe," halata sa boses nito ang pang aasar.

"Maraming mansanas d'yan." Sabay nguso sa mga basket na nasa mesa.

"Pero mas gusto ko yung mansanas ni Aymthe—" bigla nalang siyang binato ni Zero ng mansanas.

Nasalo naman ito ni Aris habang tumatawa bago tumayo kita ko ang pag iling niya kay Zero habang 'di parin natanggal ang ngiti sa labi nito bago kami iniwan.

"Gusto niya lang naman matikman 'yong apple—"

"Shut up." Dumilim ang mukha niya.

"Ano bang problema mo?" takang tanong ko sa kaniya.

"Wala." Saka ito nag iwas ng tingin bago kinagatan ang apple na nasa kamay ko.

Inirapan ko nalang siya saka kumain ulit ng mansanas. Napanguso ako ng makaramdam ako ng pagkaboring.

Tumayo ako at lumapit kina Oli na nasa may sala at nag aayos ng mga gagamitin nila para sa mamayang gabi. Hindi kasi namin ma track kung nasaan ang lokasyon ng TIGER kaya ang gagawin namin ay hanapin nalang namin sila gamit ang mata at paa namin.

Lilibutin namin ang buong kagubatan para mahanap lang ang TIGER.

"Kailangan natin itong shield, hunter sila. 'Yong pakiramdam mo isa lang ang kalaban mo pero hindi mo alam may marami palang nakaabang sa 'yo at pinagmamasdan ka nila," paliwanag ni Rulls at pinakita ang shield na gawa nila.

"Kailangan natin magsuot ng armor—"

"Hahanapin lang natin sila hindi tayo makikipagbakbakan," pagputol ko sa sasabihin ni Felix.

"Tama siya" umupo sa tabi ko si Zero habang may kagat na apple bago bumaling sa 'kin at binigay ang mansanas niya.

Agad ko naman itong tinanggap at kinagatan rin.

"Hahanapin lang natin ang kuta nila. Kailangan natin ng spy sa pagkakataon na ito kailangan natin ng tulong ng iba."

"Himala at ang isang Zero Axfel Griffin ay manghihingi ng tulong ng iba," sarkastikong sabi ni Aris.

"Pero hihingi lang tayo ng tulong pag nahanap na natin ang kuta ng TIGER kailangan natin ng isang taong magmamasid sa kanila at alamin lahat ng galaw nila." sumang ayon ako sa sinabi niya.

"So no need 'to?" sabay nguso sa mga gamit na nasa mesa.

Umiling lang si Zero bago siya mas lumapit sa 'min at kumagat sa mansanas ko bago sumandal.

"Pero magdadala parin tayo ng bala ng pana natin at pana syempre, in case lang naman na may makakita sa 'tin o may makasalubong tayo." Tumango sila at kinuha ang gagamitin.

Maghahanda lang kami kasi magdidilim na. Kumain muna kami pagkatapos no'n ay nagbaon ako ng mansanas at ubas isinukbit ko ang bag na may lamang prutas.

Tinanggap ko naman ang panang binigay ni Zero sa 'kin binigay niya rin ang bag na may bala ng pana.

"Marunong ka niyan?" tanong ni Aris sabay turo sa pana.

Isinukbit ko rin ang pana hindi ako nabibigatan sa bala at sa pana lalo na sa prutas dahil sanay na ako, mas mabigat pa nga yung mga dinadala ko dati kaysa ngayon.

Tumango naman ako at kinuha ang pana ko, bago kumuha ng isang bala at itinutok ito kay Oli na sinusuot ang sapatos nito.

Napaigtad si Oli at napatayo bago bumaling sa 'min. Nag piece sign lang ako. 'Yong gilid lang naman 'yong tinira ko at siniguradong hindi siya matatamaan.

"I'm ready," saka ako ngumisi.

"We're ready," nagposisyon pa sila bago kumindat sa 'kin.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now