•°ZFOARs House°•

82 1 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 22

AYMTHE POV

"Kailangan natin silang palabasin sa lunga nila."

"Pa'no?" Naghanap kami ng safe na pwesto para doon tumambay. Umupo kami sa ugat ng malaking puno.

"Kailangan natin maghiwalay." Tumingin siya sa 'kin. "Ako at si Aymthe ang magsasama. Terron at Rulls, Ien at Aris, Oli, Felix at Range kayong tatlo ang masasama. Bantayan niyo si Oli. Kailangan niyong makahanap ng ebidensya. Ililigaw namin sila at palalabasin sa lungga nila."

"Kailan tayo magsisimula?" tanong ko.

"May energy parin ba kayo? Masakit ba ang paa niyo? Pagod ba kayo? Gutom? Uhaw? Anong nararamdaman niyo?"

"Gutom ako." Itinaas ni Oli, Felix at Range ang kamay nila.

"Nauuhaw ako," seryosong sabi naman ni Ien at Aris.

Tumingin kami kay Rulls at Terron. Umiling naman sila. Sinasabing wala silang problema. Tumingin naman si Zero sa 'kin.

"Ikaw?"

Napakamot batok ako bago nag-iwas ng tingin. Sasagot na sana ako ng tumunog ang t'yan ko.

"Mukhang alam ko na ang sagot," nakangiti niyang sabi.

Hindi ko mapigilan ang ngumuso. Nakakahiya! Oo na! Gutom na ako. Kanina pang umaga kami naglalakad. Kape lang ininom ko hindi ako nakapag breakfast.

"Maghanap kayo ng maiinom at makakain. Mukhang ito na ang oras na kailangan natin maghiwalay lahat." May kinuha si Zero sa bag na dala ni Felix bago binigay ito kay Terron, Felix at Aris bago niya nilagay sa bulsa niya ang isa. "Handheld radio. Kapag kailangan niyo ng tulong. Kapag nasa pahamak kayo. 'Wag kayong magdalawang isip na humingi ng tulong sa 'min. Ikakamatay niyo ang pride niyo, tandaan niyo 'yan. 'Wag na 'wag niyo iyang wawalain. Kapag may impormasyon o kung safe na kayong nakapunta sa bahay sabihin niyo."

"Rulls at Terron. Alam kong hindi kayo good terms dalawa. Pero kailangan niyong magtulungan sa panahon ngayon. Sinadya kong ipartner kayong dalawa dahil alam ni Rulls kung nasa'n ang bahay. Aris at Ien, magtiwala ka kay Aris dahil alam niya rin kung nasa'n ang daan patungo sa bahay. Sinadya kong tatlo kayong magkakasama dahil kailangan niyong protektahan si Oli dahil nasa kaniya ang camera. May tiwala ako sa kakayahan niyo, Range at Felix. Mag-iingat kayong lahat. Dapat hindi nila kayo masusundan. Dahil isang mali lang. Mapapahamak tayong lahat kapag nalaman nila ang kuta namin." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko bago kami tumayo. "Magsisimula na tayo."

Naghiwalay na kami ng daan. Habang kami naman ni Zero ay siya lang ang may alam kung saan kami dadaan. Sa kaniya lang ako nakasunod.

"Saan tayo pupunta?" Napakagat labi ako dahil sa tanong ko. Grabe Aymthe ha! Halata naman ang sagot magtatanong ka pa.

"May naalala akong ilog rito. Baka pwede tayo roon. Kakain tayo ng isda."

Nasa likod lang niya ako habang naglalakad siya. Nagulat ako ng huminto siya. Akala ko may naramdaman na naman siyang kalaban. Naramdaman ko nalang ang pagbilis ng puso ko ng pinauna niya ako ng lakad.

"Bawal ka sa likod. Delikado."

Grabe Aymthe ha! Nasa pahamak ka na nga ang landi parin niyang utak mo. Bakit ba naging malandi din itong si Zero?

"Anong iniisip mo?"

"Kung bakit malandi ka," wala sa sariling sagot ko.

"What?"

"Ha? Wala! Gutom lang ako."

Kita ko ang pag-iling niya. Napahinto ako ng maramdaman na may sumusunod sa 'min. Ngunit inakbayan ako ni Zero para patuloy lang kami sa paglalakad.

Ramdam din kaya niya? Kung oo, bakit hindi kami humihinto at hanapin iyon?

Aish! Bakit ba nabobobo ako sa sitwasyon ngayon?

"Sabayan mo 'ko sa pagbilang. Hanggang ten. One, two, three." Pinaggagawa niya? "Four, five, six."

"Amh, seven, eight, nine."

"And ten." Sabay na sabi namin. Bigla nalang akong itinulak ni Zero buti nalang nakabalanse ako kung hindi, subsub ang mukha ko.

Shit! Tumayo ako at tumakbo bago nagtago ng pinaulanan nila kami ng Palaso.

Pumikit ako at nagbilang ng sampu. Mahigpit kong hinawakan ang pana ko bago kumuha ng isang palaso.

"Sampu!" Hindi na ako nagulat ng sabay kaming sumigaw ni Zero bago kami lumabas sa pinagtataguan namin.

May nakita akong kulay itim na damit sa itaas ng puno. Nagtatago sa dahon kaya agad ko itong itinara. At boom! Bagsak!

Hindi ko na napansin pa ang ginagawa ni Zero. Naka focus lang ako sa paligid. Pumikit ako ng makarinig ng kakaibang tunog. Agad akong umilag. Tumalon at gumapang patago sa isang puno bago ko minulat ang mata ko.

Doon ko rin nakita si Zero na hinihingal na nagtago rin. "May tama ka ba?" tanong niya. Dahil malapit lang naman kami ay narinig ko iyon.

"Wala, ikaw? Ayos ka lang ba?"

"Ayos ako kung ayos ka." Tumayo siya at sumilip. Lalapit na sana ako kay Zero ng makarinig ng papalapit na palaso.

"Zero dapa!" Gustuhin ko mang tumakbo palapit sa kaniya ay 'di ko nagawa dahil huli na ang lahat.

"Shit!" Inalis niya ang palasong nabaon sa balikat niya at nagtapon ng kutsilyo sa di kalayuan. Nalaman ko lang na may natamaan no'n ay dahil sa malakas na tunog na pagkabagsak.

"A-ayos ka lang?"

"Ikaw, ayos ka lang?" Pabalik na tanong niya.

"O-oo."

"Kung gano'n ayos lang din ako."

"Ang landi mo kahit muntik ka nang mamatay 'no?" Nilapitan ko siya at tiningnan ang sugat niya.

Natawa siya. "Nah! Daplis lang 'to. Malayo sa bituka."

Mahina akong napatili ng pinulupot ni Zero ang braso niya sa bewang ko bago niya ako kinarga at tumakbo. Saka ko lang napansin na pinapaulanan na naman kami ng palaso.

"Zero ibaba mo 'ko. Mabigat ako!"

"Wala 'to." Nagtago siya ulit kaya bumaba na ako.

Bigla nalang niya akong kinorner sa puno. "H-huy tumigil ka nga. Isipin mo nasa pahamak tayo tapos ang landi-landi mo."

"Hindi ba familiar sa 'yo ang lugar?"

Tiningnan ko ang paligid bago tumingin sa kaniya. Bago ako makasagot ay bigla nalang niya akong hinalikan at itinulak. Itutulak ko na sana siya ng maramdaman na sa malambot na bagay kami bumagsak.

Pinutol ko ang halikan bago tumingin sa paligid. Nasa bahay na kami?

Tumingin ako kay Zero na prisentableng nakaupo lang sa sofa habang may ngiting nakaguhit sa labi niya.

"We're home."

Tumayo ako at tiningnan ang paligid. Nagbabakasaling may nakauna na nasa amin.

"Pa'no tayo nakapunta rito? Wala bang nakasunod sa 'tin? Wala bang nakakita? Ano Zero?"

Tumawa lang siya bago tumayo at hinaplos ang pisnge ko. "Ramdam ko na kanina pa na sinusundan nila tayo. Naalala ko na sa daan na tinahak natin mas malapit tayo sa bahay. No'ng huminto ka dahil naramdaman mo sila pinagpatuloy kita sa paglalakad para lumabas na sila sa lungga nila. Tama nga ako. Lumabas na sila. Habang hinahabol tayo ng palaso. Sinigurado kong tumatakbo tayo sa direksyon kung saan ang daan patungo rito. Hindi nila tayo nasundan... dahil niligaw natin sila."

Nakampante na ako dahil sa sinabi niya. Niyakap ko siya at pinahinga ang ulo ko sa dibdib niya.

Sana ayos lang ang iba.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now