•°Partner°•

76 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 20

AYMTHE POV

"Tumigil muna! Ano ba! Bitaw!" sigaw ko rin.

"Babae ka? Leo ang pangalan pero babae ka. Siya naman Ara pero si Zero." Hindi siya makapaniwalang nagbuga ng hangin. "Akalain niyo 'yon nakapasok kayo?"

"Nandito kami hindi para kalabanin kayo," mahinahon ko nang sabi.

"Sinong maniniwala sa 'yo?" matigas na bigkas ni Terron halatang galit na.

Nasa gilid lang ang mga kaibigan niya habang pinapanuod kami. May naghawak sa braso ko at nilagay sa likod para hindi kami makalaban. Sa totoo lang kaya ko naman sila. Pero hindi madadala sa away ang sitwasyon namin ngayon.

"Bakit ba ang kitid ng utak mo? Bakit ba ayaw mong makinig? Akala mo ba paghihigante lagi ang solusyon sa lahat ng problema? Alam mo ba na ang taong naghihigante sila ang mahina at duwag," natahimik ang lahat sa sinabi ko.

"Dahil sa isip niyo na puno ng paghihigante. Nabubulag kayo sa kung sino ang totoong kalaban. Wala ni isa sa inyo ang may kasalanan sa nangyari sa Easton."

"Sino ka ba?" mahinahon ng tanong ni Terron.

"Aymthe ang pangalan ko—"

"Pinadala ko siya rito." Natahimik ang lahat sa biglang pagsulpot ni Wicked. "Dalhin niyo ang iba pang ZFOAR."

Agad naman nilang sinunod ang utos ni Wicked. Binitawan narin nila kami. Hinawakan ko ang braso ni Zero para pakalmahin siya dahil hanggang ngayon hindi parin siya kumakalma. Halata parin na galit siya dahil sa pag-igting ng panga niya.

Sa loob ng kubo na lang kami naghintay. "Kumalma ka Zero."

"Pa'no ako kakalma?! Hanggang ngayon naiinis pa rin ako!" bigla nalang siyang sumigaw. "Kami pa talaga ang pinagbibintangan nila sa mga nangyayari rito sa Easton? Talaga lang ha?!"

"Zero," kalmadong tawag ko. "Ano bang dapat gawin ko para kumalma ka?"

Tumahimik siya saglit bago tumingin sa 'kin. "Halikan mo 'ko." Ngumuso siya.

Hindi ko mapigilan ang ngiti na kumawala sa labi ko. Umupo ako sa kandungan niya at hinaplos ang pisnge niya. Bago ko inilapit ang mukha ko sa kaniya.

Kinagat ko ang ibabang labi niya. Bigla siyang nagreklamo. Natawa ako bago siya hinalikan. Hihiwalay na sana ako ng bigla niyang hawakan ang batok ko at pinalalim ang halik. Hindi na yata siya titigil kung hindi nakarinig ng katok sa labas.

Tumayo na ako habang siya ay inayos ang nagusot niyang damit bago ko nakita ang ngiti niya. Binuksan niya ang pinto at lumabas na kami.

Doon namin nakita ang ibang kaibigan ni Zero na nagtataka sa nangyayari. "What the hell is this?" takang tanong ni Rulls.

"Bumaliktad ka ba Zero?" 'Di makapaniwalang tanong naman ni Oliver.

Nagkibit balikat lang si Zero hindi pinansin ang mga tanong ng kaibigan niya. "Biglang na good mood ah. Nakainom ba ng gamot? Gamit ang labi ni Aymthe?"

Siniko ko siya para tumigil. Ang punong pagtataka sa mga mata ng mga kaibigan ni Zero ay napalitan ng gulat ng lumabas si Wicked. Syempre, suot pa rin ang kaniyang mahiwagang maskara. Parte na yata 'yan ng pagkatao niya.

"W-what's the meaning of this?" Si Aris lang yata ang nabalik sa normal dahil ang tatlo ay nakatulala pa rin. Hindi makapaniwalang nasa harapan nila ngayon si Wicked.

"ZFOAR. The retired Agents. And the TIGER Tsk, tsk, tsk. You're disappointing me."

"Wicked," malambot na tawag ni Terron.

"Gan'yan ba ang naging training ng GB? Ang magturo ng suspek na walang matibay na ebidensya? Ang magsisihan at mag-away kahit na wala namang alam kung bakit sila ang tinuturo niyong kalaban?" malamig na sabi nito. "Nahihiya tuloy akong ituro ang sarili kong trainor niyo. Ayusin niyo ang gulong 'to." Bago siya nawala nalang bigla.

"Mukhang napuno na si Wicked," bulong ni Range sa 'kin.

Nang mawala si Wicked ay nagkatitigan ang lahat bago napunta kay Range ang spotlight. "What?" Itinaas ni Range ang dalawa niyang kamay na para bang sinasabi niyang hindi siya lalaban.

"Alam na niyang Agent tayo," rinig kong bulong ni Ien kay Terron.

Habang si Range naman na nasa gilid ko pinigilan ang sarili na 'wag matawa. Mukhang nag-e-enjoy siya sa pakikipagbiruan sa mga Agents.

"Mapaparusahan tayo nito. Halata pa namang galit si Wicked," rinig ko naman na sabi ni Gendi.

Hindi na rin napigilan pa ni Range ang tawa niya kaya puno ng patatakang tumingin sa kaniya ang mga Agent.

"Agent din ako." Mukha silang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Range.

Malaki ang Golden Bullet. At isa pa, hindi naman dahil Agent kami ay kailangan nasa Headquarter kami lagi. Nasa sariling bahay o condo kami. Tatawag lang si Wicked tapos magsesend ng Email kapag may bagong misyon kami.

Kaya walang may alam na Agent pala sila Agent pala ito. Kaya hindi namin alam na ang nakakasalamuha namin ay mga Agent. Pero 'yang si Range walang duda na kilala at alam niya lahat ng Agent.

Meron mga Agent na hindi talaga nagpapakilala. Meron namang Agent na lantadlantaran na ang Identity. Pwede ka namang tumira sa Golden Bullet Headquarter. May maraming matataas na building roon na hinahati sa uri na Agent.

Habang ako naman ay minsan lang pumupunta roon kaya hindi ko kilala ang mga Agent roon maliban kay Range at Kesler na ka team ko.

Kaya gulat na gulat nang malaman na ang ZFOAR at TIGER pala ay isang Agent din. Ewan ko ba. Hindi sila ugaling Agent eh. Mga immature.

"So? Ano na?" Pagbukas ni Range ng topic nang mapansin niyang tulala at tahimik lang ang lahat.

Pinagsiklop ni Terron ang kamay niya at pinatong sa mesa bago seryosong tumingin sa ZFOAR na sa katapat lang nila umupo.

"Wala tayong choice kun'di ang magtulungan sa kasong 'to." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya. "Pasensya na kung pinagbintangan namin kayo. Pasensya na kung kayo ang tinuturo naming may gawa ng lahat ng gulo sa Easton."

Tumayo naman si Zero at hinarap si Terron. "Pasensya na rin kung kayo din ang tinuturo naming may gawa ng gulo. Pasensya na rin na kayo ang naging suspek namin. Hindi namin inembestigahan. Naniwala kaagad kami sa mga sabi sabi at haka haka."

"Partners?" Tumayo na rin ang iba nila mga kaibigan

"Partners." Bago sila nakipagkamay lahat.

Ngayon masasabi ko. Ito na, magsisimula na ang totoong laban.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now