•°Huli°•

82 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 19

AYMTHE POV

Dahil sa naging inuman kagabi ay nagising ng tanghali ang mga tao rito. Tanging kami lang yata ni Range ang nagising ng maaga.

"Namumula labi mo. Nakipag-kiss ka 'no?" salubong kaagad niya.

Tumingin ako sa kaniya at inirapan siya. "Makabuntis ka sana."

"Grabe kayo sa 'kin. Pinagdadasal niyo lagi na makabuntis ako. Ibahin niyo ko. Maingat 'to p're."

"Sigurado kabang walang makakalusot? Sa sobrang kulit mo paniguradong namana sa 'yo ang sperm mo."

"Mabuntis ka sana!" balik na sabi niya.

Pikon eh?

"Nga pala, nasa'n si Kesler? Bigla nalang yata 'yong nawala."

"Umalis na." Tumango nalang ako dahil mukhang alam ko na ang dahilan.

Kaming tatlo ang magkagrupo sa Elite Agent. Ang Elite Agent ay wala naman talagang grupo, dipende nalang sa 'min. 'Yong special Agent ang may ka-grupo na nabibilangan. May little demons, Five Tiger, Bloody Team, Satans at ang Wicked Angel kung saan nakabilang si Wicked.

Si Wicked ay isang Special Agent. Kahit siya ang may-ari o gumawa ng Golden Bullet ay patas parin naman siya. Kung may nilabag siya sa rule ay paparusahan siya. Walang exemption dahil unfair daw iyon sa iba. Kaya kahit na masungit, malamig, mataray, mahirap kausap 'yang si Wicked ay malaki ang respeto namin sa kaniya. Dahil siya ang the best leader.

Hindi niya pinapakita ang tunay na nararamdaman niya pero alam kong may pakialam siya sa 'min. Dahil kada may mga misyon ang mga Agent tudo bantay siya. Hindi lang mahilig magpakita ng emosyon si Wicked.

Lagi siyang naka masquerade mask. Well, silang Wicked Angel. Dahil since birth nang marites 'yang si Range ay may nalaman ako na nakita na daw ng mga Special Agent ang mukha ni Wicked. Alam rin nila ang pangalan ni Wicked ang unfair!

"Range!" Nagulat pa siya sa biglaang pagtawag ko sa kaniya.

"Tangina naman Aymthe. Ano ba 'yon?"

Speaking of Wicked. "Anong pangalan ni Wicked?" paniguradong alam na niya ito. Siya pa. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa Golden Bullet.

"Miya," simpleng sagot lang niya.

"Weh? Sure ka? Pa'no mo nalaman?"

"Miya Kiss Algoso ang full name ni Wicked. Kung gusto mo siyang eh research at imbestigahan 'wag mo nang gawin dahil nagsasayang kalang ng oras. Wala kasing lumalabas na impormasyon."

Miya Kiss Algoso. Ang gandang pangalan. Maganda rin siguro siya. Napaka misteryosa naman ni Wicked. May kapatid kaya siya?

"May kapatid ba si Wicked?"

"Oo," sagot niya. "Si Hannah Lorrain Algoso. Girlfriend 'yan ng isa sa Special Agent. Basta! Maraming mga nangyari. Ewan ko, ang boring na nang Headquarters eh. Gusto ko nang matapos ang misyon na 'to. Dahil paniguradong maraming nakatambak na tsismis na nag-aantay sa 'kin do'n."

"Maganda ba ang kapatid niya?"

"Hah!" Bumuga siya ng hangin. "Hindi lang maganda. Kun'di sobrang ganda. Matatameme ka sa ganda. Kaya walang duda na maganda din 'yang si Wicked."

Umingay na ang paligid. Napuno ng reklamo dahil sa sobrang sakit ng ulo nila. Hindi ko mapigilan ang tumingin kay Zero na sinuksuklay ang wig niyang buhok. Nang napansin siguro niya na may nakatingin sa kaniya ay nilibot niya ang tingin at napako sa 'kin. Wala siguro itong naalala sa nangyari kagabi.

Ngunit bigla akong kinabahan ng ngumisi siya sa 'kin. Nagsiupo na ang lahat para kumain. Nang matapos kumain ay nagtipon tipon dahil may importanteng pag-uusapan. Hinintay pa namin si Terron na dumating bago kami magsisimula.

Ramdam kong tumabi si Zero sa 'kin. Napaigtad ng ipinatong niya ang kamay sa hita ko. Bago ko nakita ang pagtaas ng labi niya.

"Kung ikaw hindi nalalasing. Ako naman naalala ang nangyayari kapag lasing. Nasa tamang pag-iisip rin ako kapag lasing. Hindi nga lang nakikisama ang katawan ko. 'Di ko magalaw kasi pakiramdam ko ang bigat."

"N-naalala mo 'yong kagabi?" mahinang sabi ko para hindi marinig ng iba.

"Syempre." Pinisil niya bigla ang hita ko kaya 'di ko mapigilan ang pandilatan siya.

Nang tumingin ako kay Range ay kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti. Sumisipol at umiiwas pa ng tingin. Dumating narin si Terron kasama si Ien.

"May problema ba?" tanong ni Gendi sa dalawang kakarating lang.

Umupo si Terron bago seryosong tumingin sa kawalan. "Hindi ba kayo nagtataka? Tumahimik na ang ZFOAR. Nawawala rin si Zero. Patay na kaya 'yon?"

Hinawakan ko ang kamay ni Zero sa hita ko at pinisil ito para pakalmahin siya.

"Kapag tumahimik ang kalaban. Asahan mong palihim na lumulusob 'yan," seryosong sabi ni Ronie.

"Tayka! Tayka! Tayka!" pagbabasag ni Range sa kaseryusuhan ng mga kasamahan namin. "Talaga bang seryoso kayo na ang ZFOAR ang kalaban?"

"Sino pa ba? Sila lang naman ang umaagrabyado ng mga estudyante dito," ani Eugene.

"Kaya sigurado kaming sila ang may pakana ng mga gahasa at pagpatay sa Easton."

Mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Zero ng muntik na siyang tumayo. K'unting-k'unti nalang at sasabog na siya.

"Bakit naman nila gagawin 'yon?" natahimik ang lahat ng magsalita si Zero.

"Simple, para mas lalong matakot sa kanila ang mga estudyante doon. Gan'yan naman sila. Mga pabida. Nambubully para sabihing katakot-takot sila."

"Hindi naman siguro nila magagawa iyon," kalmadong sabi ko kay Eugene. "Isa sa mga kamag-anak nila ang namatay at nagahasa. Pinsan at kapatid. Kaya pa'no niyo naman masasabing sila nga? 'Wag niyo sabihing... sila ang gumahasa at pumatay sa kadugo nila?"

"Pinsan? Kapatid?" pekeng tumawa si Ien. "Sinong pinagluluko nila?"

"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit bumalik sila rito?"

"Nakakapagtaka," pagsang-ayon ni Terron. "Lalo kana." Natahimik ako sa sinabi niya. "Pa'no mo nalaman lahat? Espiya ka ng ZFOAR? Kayong dalawa? Kasi simula nang dumating kayo, nanahimik na sila."

Bigla nalang may humawak sa palapulsuhan ko para itayo. May humawak sa balikat namin para pigilan na maglaban. Pati narin si Zero na hindi na makapagpigipil.

"Bakit niyo naman pinapasa lahat sa ZFOAR? Baka nga kayo pa ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari sa Easton!" nagulat ang lahat sa pagbabago ng boses niya.

Hindi na mahinhin at malambing. Bigla nalang naging isang Zero ulit. Shit talaga.

"'Yong boses mo." Tinuro ni Gendi si Zero.

Hinigpitan nila ang paghawak kay Zero na nagpupumiglas. Tumayo naman si Terron at lumapit rito. Bago nito sinabunutan ang buhok ni Zero, nang maramdaman siguro niya na malambot lang ito ay bigla niya itong hinila.

"Zero?" gulat na tanong nila.

"Patayin sila!" Galit na sigaw ni Terron.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now