•°Oliver°•

54 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 30

OLIVER POV

Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko. Nang imulat ko ang mata ay nasa hindi pamilyar na lugar ako. Gagalaw na sana ako ng maramdaman ang tali sa kamay ko. Saka ko lang naalala ang nangyari.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na nakatakip ang mukha ng kulay itim.

“Hindi mo na kailangan takpan‘g mukha mo. Halata namang panget ka.”

“Porket gwapo ka? May karapatan ka nang manglait?” I rolled my eyes on him. Atleast narinig ko mismo sa kaniya na gwapo ako. Well, totoo naman.

“That's not lait. I'm stating the fact." Bigla nalang niyang tinanggal ang nakatabon sa mukha. Pinigil ko ang mapanganga ng makita ang itsura niya.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Gwapo siya pero hindi ko aaminin. Mukha siyang spaniard. Pero ganito ba ka-gwapo ang mangingidnap?

“Basi sa reaksyon mo,” ngumiti siya. "Alam ko na ‘yan. Since birth.”

“Ano bang gusto mo? Bakit ako nandito?”

“Malay ko. Ako ba ang kumidnap sa ‘yo?”

“Then who the hell are you?!” hindi ko mapigilang magalit.

“Ayh wow! English.” Lumapit siya sa 'kin at tumayo sa harapan ko. “Hello Oliver Reid. Ako si James Reid.” Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "Teriox Vera, remember my name." Nataranta ako ng itinaas niya ang dalawang daliri. Ang hintuturo at ang gitnang daliri. Akala ko tutusukin niya ang mata ko ngunit inidikit lang niya ito sa nuo ko at mahinang itinulak. Kita ko ang kislap sa mata niya at ngiting kumawala. Tumalikod na siya.

"Hey wait! Kalasan mo 'ko!"

Humarap siya at ngumiti. "May nanakawin lang ako rito. Bakit kita kakalasan?" Itinaas niya ang kamay at kumaway. "See you. May pakiramdam akong magkikita pa tayo."

Did he just leave me here? Ang kapal ng mukha. Kapag nagkita kami ulit talagang makakatikim siya sa 'kin. Napapikit ako. Ano namang gagawin ko rito? Makikipag jack 'en poy sa dilim?

Sinubukan kong tingnan ang likod kung saan nakatali ang kamay ko. Kung sa tutuusin kaya ko naman itong kalasin. Kaya lang tinatamad ako.

Hindi naman siguro nila ako hahanapin.

Tss, paniguradong hindi nila ako hinahanap.

Iisipin ko nalang na nagbakasyon ako sa kweba.

Nang makatago kami ay tiningnan ko ang nga nakuhang litrato habang itong Range naman ay puno ang paghangang nakatingin kay Felix. Nakahiga ang bangkay habang ako rito ay nakasandal sa isang puno.

Nakatalikod sa 'kin si Range. Habang ako naman ay binabantayan ang bangkay na 'to. Gusto kong hawakan at tingnan kung ano ang nakikita kong pula sa may dibdib nito ay 'di ko nalang ginawa. Baka multuhin ako at sabihang manyak.

Totoo namang manyak ako. Pero. . . hindi ko naman sila pinipilit na makipag sex sa 'kin. Sila pa nga ang mismong luluhod sa harapan ko. May iba ding nagmamakaawang patulan ko lang sila. Iba talaga ang kamandag ko. Ang gwapo ko kasi.

Napatigil ako sa pagtingin ng mga litrato at inilagay ito sa kaliwang bahagi ko ng mapansing may nakatayo sa gilid ko. Gusto ko mang tawagin si Range bago ko iyon magawa ay tinakpan niya ang bibig ko.

Naglaban pa ako. Naghukay sa gilid gamit ang kamay ko para ilibing roon ang camera. Hanggang sa napahinto ng bigla niyang sinuntok ang t'yan ko. Hindi iyon narinig ni Range. Mukhang ang focus niya lang ay na kay Felix.

Kinapa ko sa huling pagkakataon ang camera bago niya ako hinila paalis roon. Palayo sa mga kasamahan ko.

Iniwan ko ang camera. 'Wag niyo nalang akong hanapin. Ipagpatuloy niyo ang imbestigasyon. 'Wag kayong magsayang ng oras na hanapin ako dahil kaya ko 'yong sarili ko.

Mukhang hawak na nila ang camera. Ayaw kong tumakas. Hindi dahil takot akong mahuli at patayin nila. Kun'di tinatamad lang akong makipaglaban. Sigurado naman ako na ibabalik rin nila ako kaagad. Pero kahit na wala akong gagawin hindi ko parin hahayaan na mapatay ako sa mga kamay lang nila. Hindi ko deserve 'yon.

Napatingala ako ng maalala si Felix. Hindi nila kilala si Felix, pati rin naman kami na kaibigan niya hindi siya lubos na kilala. Kung kaibigan nga ba talaga niya kami. Parte kami ng Special Agent.

Grinupo kaming lahat ni Wicked. Wala akong kilala na ibang Special Agent pero basi sa mga galaw ni Felix ay paniguradong hindi lang niya kilala kun'di ka-close niya rin ang mga ito.

Mas malapit ang puso niya sa ibang special agent kaysa sa 'min. Malayo ang loob niya sa 'min. Kahit ano pang gawing pagpapansin namin sa kaniya ay parang hindi namin siya abot. Sobrang taas niya.

ZOAR lang kami. Apat lang. Wala si Felix. Ngunit bigla nalang kaming pinatawag ni Wicked at sinabing may bago kaming ka-grupo. Nahahalata ko na hindi sang-ayon si Felix na magrupo siya sa 'min. Ngunit wala siyang choice kun'di ang tanggapin.

Kaya no'ng nagrebelde kami siya ang sobrang galit niya dahil sa plano namin. Wala naman akong atraso dito sa Easton ngunit kahit gano'n ay ayaw ko namang iwan sila Zero. Ayaw ko silang talikuran.

Hindi sang-ayon si Felix sa pagrerebelde ng ZFOAR sa Golden Bullet ngunit kinabukasan no'n ay bigla na lamang siyang sumang-ayon at sumama sa 'min na hanggang ngayon ay ikinataka ko. Kahit kailan ay hindi ko siya makikilala. Hindi ko siya mababasa.

Ang alam lang yata namin sa kaniya ay may babae siyang natitipuhan na hindi namin kilala. May babae siyang mahal. Obsessed siya sa isang babae. Ngunit kahit na alam namin ay hindi namin iyon kilala.

Kahit gano'n ang pakikitungo niya sa 'min. Umaasa pa rin ako na matatanggap niya kami bilang ka-grupo niya. Hinihintay ko na mangyari iyon. Na magiging komportable siya na kasama kami. Na hindi niya kailangan magpanggap. Na sasabihin niya sa 'min lahat, 'yong wala kaming sekreto na magkakaibigan. 'Yong nagtatawanan, nagbibiruan, nagdadamayan—na hindi namin naranasan na kasama siya.

Pinilig ko ang ulo ko at inalis iyon sa isipan. Hindi ko na dapat iniisip 'to. Baka bigla nalang makagat ni Felix ang dila niya.

Napatingin ako sa pintuan ng bigla nalang iyong bumukas at pumasok ang dalawang lalaki. Ang isang lalaki ay may hawak na tao habang may nakatakip sa mukha nito. Ang isa naman ay inayos ang isang upuan at ipinuwesto sa likuran ko. Idinikit niya ang bangko namin. Bago nila pinaupo at tinali ang taong 'yon.

"Mabuti at hindi ka nagpasaway." Napairap ako at hindi siya pinansin.

Lumabas na ang dalawa. Sinubukan kong tingnan ang tao na nasa likod ko ngunit nakaharang ang buhok nito. Inilapit ko ang ilong sa buhok nito at inamoy ito.

Bakit? Bakit familiar ang amoy?

Umayos ako ng upo at iniuntog ang ulo ko sa ulo ng babae na nasa likod ko para gisingin siya.

"A-aray." Tama nga ako. Siya 'to. "Nasa'n ako?"

"Nasa langit," pamimilosopo ko.

"What? O-Oliver? I-ikaw ba 'yan?"

"Bakit ka ba nandito? Pa'no ka napunta rito?"

"H-hinahanap ka namin."

"Panira ka talaga kahit kailan 'no." Rinig ko ang pagsinghap niya. Halatang nagulat sa sinabi ko.

Mukhang wala akong choice kun'di ang piliing tumakas. Kung hindi nagpahuli ang Wendy na 'to edi sana tahimik ako.

Kahit kailan talaga panira ang babaeng 'to. Walang respeto. Hindi marunong magbigay ng kapayaan sa 'kin. Ginugulo ang buhay ko.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now