•°Hair cut°•

89 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 15

AYMTHE POV

Sinabi na namin sa kanila ang plano namin. Habang magpapanggap kami at nakikipag spy sa TIGER ay gagawa naman ng hakbang ang iba pang naiwan namin rito para mapadali ang plano.

"Range," mahinang bulong ko sa kanya.

"Sandali lang." Huminto muna kami ng bigla siyang pumasok roon sa kuta ng Tiger.

Hindi namin narinig ang pinag usapan nila dahil nasa malayo kami pero ng naglakad lakad silang dalawa ay narinig namin ang pinag usapan nila.

"May bagong papasok?" takang tanong nito tanging tango lang ang sinagot ni Range.

"Sge. Dalhin mo sila sa 'min"

Bahagya pang yumuko si Range bago naglakad palapit sa 'min. Sumenyas siya kaya lumabas na kami sa pinag tataguan namin.

Naka wig si Zero ng pula kaya hindi halata ang itsura niya. May maliit na nunal pa siya sa may pisnge niya.

Habang ako naman ay nagpapanggap na lalaki.

Para sa misyon ay pinutulan ko pa talaga ang buhok ko.

FLASHBACK

"Tayka anong gagawin mo sa gunting?" takang tanong ni Oli sa 'kin.

Inutusan ko kasi siyang kumuha ng gunting. At dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang bahay na 'to at hindi ko alam kung saan saan nakalagay ang lahat ng gamit ay siya nalang ang inutusan ko.

"Para sa buhok ko." Kinuha ko ang gunting sa kamay niya.

"Aanhin mo ulit?" takang tanong niya.

"Puputulan ko 'yong buhok ko."

"ZERO! ARIS!" biglang sigaw niya, "ZERO! ARIS! SI AYMTHE NABABALIW NA!"

Kita ko naman ang pagtakbo ni Zero at ni Aris habang si Rulls ay nakapamulsa lang na naglakad.

"Ipa mental na ba natin?" tanong ni Aris.

"Aanhin mo 'yang gunting?"

"Puputulan daw niya 'yong buhok niya," sumbong ni Oli kay Zero.

"Bakit? Para saan?"

"Para sa misyon. Magiging spy tayo sa kuta ng TIGER kailangan kong putulan ang buhok ko."

"Loko kaba? Pati buhok mo pagt-tripan mo?" gulat na tanong ni Zero at kinuha ang gunting, "May wig naman ha."

"Masyadong makapal at mahaba ang buhok ko!" inis na sigaw ko sa kan'ya, "Hindi uubra ang wig na 'yan. Kailangan kong putulan ang buhok ko."

"Sge hanggang balikat lang."

"Buhok ko 'to! Wala kang pakialam kung anong gagawin ko!"

"Ako ang magiging barbero mo ngayon." Seryosong sabi ni Rulls at kinuha ang gunting na hawak ni Zero.

"Rulls!" pagpigil pa nila.

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now