•°TIGER daga°•

94 3 2
                                    

TWIHY: CHAPTER 09

AYMTHE POV

"Ang kailangan mo lang gawin ay magpahinga." Huling sabi ng nurse na 'to sa 'kin bago niya inayos ang mga ginamit niya.

"Magbihis ka." Lumapit pa sa 'min ang isa pa.

"Anong pangalan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi namin alam na interesado ka pala sa 'min," mayabang na sabi ng isa pa.

"Labas mo na ako. Bibili lang ako ng pagkain." Tumayo si Wendy at umalis pero bago 'yon.

"Sama ako," bago tumayo si Ella, "Magpapalamig lang ako ng ulo." Malamig niyang sabi bago umalis at sumama kay Wendy.

Napabuntong hininga nalang ako bago tumingin sa dalawang ito. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Sino ba talaga kayo?" inis na tanong ko.

"Akala ko ba magaling ka?" Umupo pa ito sa katabing kama habang hindi matanggal ang nakakainis na ngiti niya.

"Anong pangalan niyo?"

"Range." sagot ng gumamot sa 'kin.

"Kailangan ba talagang sabihin ang pangalan?" tanong ng mayabang na ito kay Range.

"Wala kang tiwala sa kaniya?" Bumaling sa kaniya si Range at tinanong ang katagang iyon

Napabuntong hininga naman ito at tumingin sakin.

"Kesler." sagot ng mayabang na 'to.

Tumango naman ako sa kanila at napangiwi ng mapansin kong kada galaw ko ay parang mababali ang katawan ko dahil sa sobrang sakit.

"Masakit ba?" tanong ni Kesler.

"Ikaw kaya ang ihagis ko ta's tatanungin kita kung masakit ba?" galit na tanong ko.

Napatingin ako kay Range nakangiti lang ito sa 'min kaya inirapan ko ang mga baliw na ito. Hindi ko man sila kilala ay alam kong kaisa ko rin sila.

"Ang sungit." Bago ito humiga sa kamang katabi ko bago nagtulog tulugan.

"Anong ginagawa niyo rito pala?" tanong ko sa kaniya.

"Pinadala kami." Simpleng sagot ni Range bago umupo sa isa pang katabi kong kama. In short nasa gitna nila ako.

"Kaya ko ang sarili ko."

"Hindi si Zero ang pinuntahan mo rito. 'Wag mong aksahin ang oras mo sa kaniya," pangaral na naman niya.

"For your fucking information. Siya nagpasimuno. Binabayaran ako ng milyon milyon 'pag nagbugbog ako ta's siya? Libre lang? Ano siya siniswerte? Syempre gaganti ako."

"Always short tempered," bored na kumento ni Kesler.

Sinamaan ko ng tingin si Kesler. Napatingin ako sa kisame at tumulala dahil kailangan kong mag isip.

"Gusto mo 'atang mag stay rito e."

"Hindi ko gusto 'no!" inis na sagot ko sa kaniya.

"Nauubusan ka na ng oras."

"Iwasan mo muna si Zero."

"Pa'no nga? E halatang ayaw na ayaw niya sa 'kin."

"Madali lang," inis na umupo si Kesler at tumingin sa 'kin, "sabi mo nga ayaw niya sa 'yo ba't mo ipipilit ang sarili mo?"

"Hindi ko pinipilit 'yong sarili ko—"

"'Yan Indenial ka. Mas madadali ka nga rito kasi nga ayaw niya sa 'yo. Ikaw nalang ang umiwas tinuruan tayo niyan na wag masyadong short tempered, Aymthe! Hindi na kayo mga bata para diyan," pangangaral ni Kesler.

"Hindi ako nakikipaglaro K! Ayaw ko lang na—"

"Kasi sa tanang buhay mo hindi ka nalalamangan. Walang nanakit sa 'yo maliban sa mga kalaban. Natatapakan ang pagkababae mo dahil sa kaniya. Makinig ka kahit ngayon lang babaan mo ang pride mo. Masyado kasing mataas e," inis itong tumayo at umalis.

Napatingin naman ako kay Range. Wala lang emosyon ang mga mata nito.

"Naalala ko na kayo," sabay turo ko kay Range "Ikaw si R! Siya si K at A ang tawag niyo sa 'kin. Magkagrupo tayo." Tumango naman si Range saka siya tumayo.

"Aalis na kami mag iingat ka Babae." Tumango naman ako bago siya umalis.

Sakto namang pumasok sina Wendy at Ella. Ramdam ko ang pag iwas ni Ella sa 'kin dahil 'ata ito sa away namin kanina. Napatingin naman ako kay Wendy na may dalang pagkain.

"Magpahinga kana," malamig ang boses niya halata ngang galit siya, "'wag masyadong matigas ang ulo." Bago siya nahiga at natulog.

Hindi nalang ako nakipag debate sa kaniya at natulog nalang. Hindi ko alam kung ilang oras na akong natulog pero ramdam ko na may humahaplos at sumusuklay sa buhok ko at pakiramdam ko ligtas ako sa kamay niya.

Minulat ko ang mata ko napatingin ako sa kaniya nakatingin lang ito sa 'kin habang nakangiti. Para akong malaglag sa ngiti niya. Unang beses 'ata siyang ngumiti.

Siya ang nanakit sa 'kin pero bakit pakiramdam ko safe ako sa mga kamay niya?

"Zero—"

"HUY NANAGINIP KA!" Agad akong napaupo pero napabalik rin sa pagkahiga ng maramdaman kong sumakit ang buong katawan ko.

Tama nga naman gumising ka sa reyalidad Aymthe ang badboy ay mananatiling badboy. Napatingin ako kay Ella. Nagkasalubong ang kilay nito habang may mapanuring tingin.

"Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pati ba sa panaginip... Sinasaktan ka ni Z?" Umiling ako bilang sagot, "Halata nga. Pagkabanggit mo kasi sa pangalan niya habang tulog ay MALAMBING... Zero." ginaya pa niya ang boses ko raw na malambing.

Nag iwas nalang ako ng tingin habang rinig ko ang tawa ni Wendy sa gilid.

"Pinagpapantasyahan mo pala si Kuya Z," natatawang sabi nito.

"Ikaw lang 'ata ang taong pinagpapantasyahan ang taong nananakit sa 'yo."

"Hindi ko siya pinagpapantasyahan!"

"Uyyy! Tunog indenial," pang aasar pa niya.

Inirapan ko nalang silang dalawa ngunit napahinto sila sa pagtawa ng bumukas ang pinto at pumasok roon si Zero bago ito humiga sa clinic bed na katabi ng sa 'kin.

Sunod sunod namang pumasok ang mga kaibigan niya at takang nakatingin kay Zero na ngayon ay may bugbog kaya hindi ko mapigilang hindi rin magtaka. Napaaway ba siya?

"Ano bang kagagohan 'yang ginawa mo?" galit na tanong ni Aris sa kaibigan.

Ngunit parang wala lang si Zero habang nakatakip ang mata nito gamit ang braso. Mukhang hindi niya iniinda ang sakit niya sa katawan. Mukhang sanay na siya.

"Anong ginawa niya Kuya?" tanong ni Wendy.

"Sumugod lang naman ang bobo na 'yan sa kuta ng Tiger!" galit na turo niya kay Zero.

"Kalma dude." Bahagya pang tinapik ni Felix ang balikat ni Aris.

"Pa'no tayo kakalma?" galit na tanong pa nito, "Ang tagal natin hinanap kung saan nagtatago ang Tiger ta's ngayon sumugod siya ng parang tanga. Huhulaan ko babalik na naman tayo nito sa simula. Maghahanap na parang tanga. Hahanapin na naman natin ulit ang kuta kung saan nagtatago ang mga daga."

Sinugod niya mag isa ang grupo ng Tiger?

Bakit?

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now