•°Easton University°•

92 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 10

AYMTHE POV

Namomoblema parin sila tungkol raw sa kuta ng TIGER e hindi ko alam kung ano 'yong TIGER e. Gusto ko sanang makisusyo kasi baka nando'n ang pakay ko.

"Huy kanina kapa." Napatingin ako kay Wendy na ngayon ay kanina pa pala ako tinatawag na hindi ko man lang narinig.

Gusto ko na kasi talagang matapos ang misyon na ito at para makapagpahinga na ako.

"Aris!" Tumayo ako ng makita ko siya bago ako tumakbo palapit sa kaniya.

"Bakit?" malamig na tanong niya.

"Ano 'yong tungkol sa TIGER?" tanong ko sa kaniya.

"'Wag ka nang makialam rito." Napatingin ako sa likuran niya at nakita ko doon si Rulls.

Seryoso ang mukha nito bago siya nagpatiuna napatingin naman ako ngayon kay Felix napailing muna ito bago sumunod kay Rulls.

"Curious lang ako sa grupo na 'yan."

"Curiousity can kill you, Aymthe," sagot naman ni Oliver.

"Gaano ba ka delikado ang grupo na iyan?" inis na tanong ko.

"Hindi sila delikado," mahinahong sagot ni Oliver, "Kasi kung delikado sila ay alam siguro nila ang kakayahan nila, hindi sana sila nagtatago ngayon."

"Tama ka d'yan," pag sang ayon ni Aris kay Oli bago siya tumingin sa 'kin, "Problema na namin 'to."

"Payagan niyo na ako. Curious lang talaga ako sa grupo na 'yan."

Napairap sila sa kawalan dahil sa katigasan daw ng ulo ko ngunit hindi ko sila tinigilan hanggat hindi nila ako pinayagan. Kaya ang sa huli napapayag ko sila.

"Hali ka rito." Agad akong sumunod sa kanila bago umupo sa isang upuan bago tumingin sa malaking flat screen TV.

"T. I. G. E. R... Si Terron, si Ien, si Gendi, si Eugene, at si Ronie sila ang TIGER," pagpapakilala niya at isa isang tinuro ang mga mukha na nasa screen, "Sila ang kalaban namin rito."

"Bakit naman may kalaban kayo? E normal na eskwelahan lang naman ito."

"Dahil makulit ka. Siguraduhin mo lang na walang makakaalam sa mga usapan natin ngayon," sabi ni Oliver tango lang ang sinagot ko, "Maraming namamatay na estudyante rito sa Easton University. At kami ang pinagbibintangan without knowing na hinahanap rin namin ang may pakana ng lahat."

"Hindi kayo?"

"Hindi kami. At ang suspek namin ngayon ang grupong TIGER, sa palagay ko sila.

"At dahil nandito ka," napatingin ako sa may pinto ng bumukas iyon at pumasok si Rulls kasunod nito si Felix, "Siguraduhin mong handa kanang mamatay."

"Sisiguraduhin ko na hindi ako mamamatay," mayabang na sabi ko sa kanila at 'yan ang talent ko ang magyabang kasi may maibubuga naman, "Tutulungan ko kayo."

"Sa paraan na?" bigla namang pumasok si Zero bago umupo sa tabi ko.

"Guguluhin ko ang TIGER."

"Yeah! 'Yan nga pala ang talent mo," sarkastikong sabi ni Zero.

"Buti nga ako may talent e ikaw meron ba?" taas kilay na tanong ko sa kaniya.

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now