•°Kiss°•

94 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 11

AYMTHE POV

Nagsimula na kaming mag imbestiga at nagsimula na kaming hanapin ang kuta ng TIGER ngunit sobrang hirap nilang hanapin mukha ngang nagtatago sila.

"

Pa'no ba 'to?" tanong ni Oli habang nakatingin sa computer niyang parang sira.

"Shit! Anong nangyari d'yan?" Lumapit naman si Aris at sinubukang ibalik sa dati ang computer nila.

Lumapit naman si Rulls at tinulungan rin sila nilibot ko ang paningin ko ngunit hindi ko makita si Zero kaya ako na ang lumapit sa kanila. Pinaalis ko mo na si Oli at ako ang umupo bago ko ginalaw ang computer nila.

Nakatingin lang sila sa kamay kong mabilis na nakatipa sa keyboard hanggang sa bumalik ito sa dati.

"Marunong ka?" takang tanong ni Rulls sa 'kin.

Ngiti lang ang sinagot ko. Napatayo ako ng makita ko na nakatingin si Zero sa 'kin habang naka cross ang braso nito sa dibdib niya.

"Z-zero—"

"Nakakuha na ako ng prutas." Pinakita nito ang basket na may lamang mga prutas.

"May tanim kayo rito?" takang tanong ko sa kanila.

Tumango naman sila. Lumapit ako kay Zero at kumuha ng apple akmang kakagat ako ng kinuha niya ang apple at nagtungo siya sa may sink at hinugasan ito bago binigay sa 'kin.

Ngumiti ako bago kumain pero inunahan niya itong kagatan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Saan may tanim na apple at ubas?" tanong ko sa kaniya habang pinapanuod siyang hinuhugasan ang mga prutas.

"Punta tayo do'n mamaya." Tumango lang ako at sumandal bago ulit kumagat.

Tinaasan ko ng kilay ang apat na ito ng may mapanuring tingin na pinukol sa 'min.

"Himala at hindi kayo nag away."

"Kung mag away kami maiirita kayo ta's kung okay naman kami magdududa kayo... Ang weird niyo," saka ko sila inirapan.

Nang matapos ng hugasan ni Zero ang mga prutas nilagay niya ito sa gitna ng mesa inayos niya ang pagkalagay bago siya tumingin sa 'kin bahagya siyang tumango para sabihing tara na.

Ngumiti naman ako bago sumunod sa kaniya nasa likuran niya lang ako habang siya ay naglalakad papunta sa kung saan. Tiningnan ko lang ang daan na tinatahak namin. Baka bigla akong iwan ni Zero rito.

Napahawak ako sa nuo ko ng mauntog ako sa likuran ni Zero. Hindi ko naman kasi napansin na huminto na pala siya. Sumilip ako bahagya pang nakaawang ang bibig ko dahil sa nakita. Ramdam ko ang kamay ni Zero sa may baba ko at ipinatikom ang nakabuka kong bibig.

"May apple nga kayo at ubas." Lumapit ako sa punuan ng mansanas malamig rito halos libutin ko ang tingin ko sa loob dahil sa sobrang ganda.

Tumingin naman ako sa may gilid may glass wall kaya nakikita ko sa kabila ang mga tanim na ubas. Pero dito muna ako sa mansanas.

Umupo ako sa ilalim ng puno bago tumingala para makita ko ang taas. Tumayo ako at kumuha ng bunga ngunit hindi ko abot. Aakyat na sana ako ng maramdaman kung may mga kamay sa bewang ko at bahagya akong inangat.

Kahit naiilang ako dahil sa kuryenteng hatid no'n ay agad akong kumuha ng apple bago niya ako binaba at tiningnan si Zero na parang wala lang. Tiningnan ko naman ang braso niya at bahagyang minasahe ito.

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now