•°Babae°•

56 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 39

AYMTHE POV

Sila na muna ang nag-imbestiga ngayon. Nakahiga ito sa kama niya. 'Yong kama na dati ay nahiga ako. No'ng nahimatay dahil sa sobrang sakit ng kamay dahil sa ginawa niya. Ang tagal na rin pala. Ang bilis lang ng panahon.

Ang mga away. Ang bully na napalitan ng bagong memorya na kasama siya. Ang malamig, ang ubod ng sungit, hindi nagpapadaig na si Zero may ibang ugali pala 'di ko aakalain na makikita ko.

Hindi ko inaasahan na magkakasundo kami dahil sa nangyari between us. Hindi maganda ang unang pagkikita namin. Hindi magandang ang unang linggo ko rito sa Easton.

Nakatulog na siya dahil sa pagod. Napatingin ako sa mapayapa niyang itsura. Pinahiran ko ang luhang tumulo sa nakapikit nitong mata. Ramdam na ramdam ko ang sakit na naramdaman niya. Kaya pala iyon ang itinuro niya kay Terron na panuorin namin dahil mukhang nakikilala niya ang babae. Iyon si Xandra. Ang ikukwento niya sa 'kin. Ang unang babae na tumanggap sa kaniya.

Kinabukasan nagising ako na wala na sa kama si Zero. Ako naman ngayon ang nakahiga sa higaan niya. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko siyang nagluluto.

"Ayos ka na ba?"

Ngumiti siya. "Ayos lang naman ako. Tara, kumain na tayo. Baka hinihintay na tayo ng iba."

Umupo ako sa tapat niya. Tahimik kaming kumain dalawa. Hindi ko narin siya tinanong dahil mapayapa naman ang itsura niya. Baka masira ko lang 'yong mood.

Nang makarating kami kung saan magpulong-pulong ay inutusan niya si Felix na tawagin ang iba. Ilang minuto lang ng nandito na ang lahat. Normal lang ang galaw nila. Mukhang binibigyan nila ng privacy si Zero. Kinalimutan at nagpapanggap na wala silang nakitang umiiyak kahapon.

"Magp-party ulit."

"Anong party ulit? Wala akong nalagap na balitang gano'n," takang tanong ni Aris kay Zero.

"Ako na ang bahala. Basta makinig kayong lahat. Normal lang ang maging galaw niyo sa party. 'Wag niyong ipahalata na nag-i-imbestiga kayo. Hahanapin natin ang may pakana ng lahat ng 'to. Tatapusin na natin 'to."

Kinausap ko si Papa na magpa-party. Kahit na nagtataka ay pumayag naman siya. Advance Celebration na rin sa paparating na birthday ni Monica.

Dumating ang araw na 'yon. Naghanda na kami. Napasuklay ako sa panlalaki kong buhok. Parang ang weird naman kapag nag-dress ako tapos ganito ang style ng buhok ko.

"Ito." Napatingin ako sa inabot ni Monica na headband ribbon. "Wear it first." Pinasuot niya muna sa 'kin ang dress na kulay kayumanggi. Lumabas na ako sa CR pagkatapos. Pinaupo niya ako at inayusan. "I don't know kung anong pumasok sa isipan mo, bakit ka nagpagupit. But it suits you. You look like Dad," nakangiti niyang sabi pagkatapos ako lagyan ng lipstick.

Minake-upan pa niya ako. Hindi na ako umangal dahil minsan lang niya ito gawin. Hindi ko aakalain na marunong pala siya nito. Sobrang cool pa naman ang tingin ko sa kaniya dati, well, hanggang ngayon pa rin naman. Pero kahit gano'n medyo boyish kasi siya kaya 'di ko aakalain na makikita ang ganitong side niya.

Inayos niya ang buhok ko at pinasuot sa 'kin ang headband na may ribbon. Color light brown. Pinatingin niya ako sa salamin. "You look like a princess." Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Asan 'yong princess d'yan?"

"Para kang si Snow White."

Pasensya kana Monica. Mukhang masisira ang party mo. Pero gagawin ko lahat 'wag lang magkagulo. Pumwesto na kaming lahat. Siniguro kong nasa gilid ko lang si Zero.

Paniguradong naharangan na nila Terron ang mga taong balak maglagay ng droga sa mga inumin. Nasa gilid lang ako pinagmamasdan si Papa at si Monica. Maraming mga investor ang bumati kay Monica.

"Papa."

Ngumiti siya. Binigyan niya ako ng cake. Tinanggap ko naman ito at umupo sa tabi niya para kainin.

"Bakit? May itatanong ka?"

"Alam ko pong hindi niyo kilala ang bagong owner ng Easton. Pero siguro naman po may alam kayo?"

"Medyo nakakapagtaka na panay ang tanong mo tungkol sa Easton." Napabuga siya ng hangin. "Pero. . . ang alam ko lang ay babae daw. Babae ang bagong nagmamay-ari ng Easton."

Babae? Babae ang may pakana ng lahat ng 'to? Impossibleng magagawa ito ng babae.

Walang matinong babae ang gagawa ng mga hakbang na ikakapahamak ng kapwa niya babae! Rape. Pangbababoy! Impossible. Impossible talaga.

"Tara na Aymthe."

"Mag-e-enjoy muna ako Papa. Kayo din po." Ngumiti siya at tumango.

Umalis na kami roon. Hinintay namin ang lahat sa tagpuan. Dito sa may madilim na bahagi kung saan may maraming mga puno at mga bulaklak. Ilang saglit lang ay dumating na din sila.

"Siniguro na naming walang droga ang lahat ng inumin."

"Secure na rin lahat."

"Sarado na ang lahat ng labasan. Walang makakalabas kahit na ang mga investor na nandito."

"Pati na ang mga hidden camera."

"Maayos na rin ang mga gagamitin."

"May nakuha akong impormasyon tungkol sa may-ari ng Easton." Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ko.

"Ano?"

"Babae. Babae daw ang may-ari."

"Kung babae. Ibig sabihin hindi siya ang may gawa," mahinang sabi ni Terron.

"Bakit naman hindi? Porket babae santo na?" Natahimik kami dahil sa sinabi ni Felix. Nagtaas naman siya ng kamay at ngumiti. "Wala akong galit sa mga babae." Natawa siya.

"Kasi nga rape ang kasong 'to. Impossible naman na gagawin ito sa kapwa namin babae. Impyerno para sa 'min maranasan ang rape, Felix."

"Tayka, kalma. Bakit ba galit na galit?" Natatawa niyang sabi kay Ella.

"Hindi naman kasi yan magandang biro."

"Sinong may sabing nagbibiro ako?" Bigla na lamang siyang nagseryoso. "Hindi dahil babae siya ay 'di niya kayang gawin sa kapwa babae. Bakit maraming plastik na tao? Karamihan ay mga babae? Bakit naggagamitan kayong mga babae? Bakit kadalasan sa mga babae mga tanga sa pag-ibig kahit na ang pagiging kabet ay pinatos na. Alam niyo, 'yan kasi ang mali niyo e. Porket babae, tama na. Porket babae hindi na kayang gumawa ng masama dahil inosente. Porket babae, santo na. Wake up, Ella. This is the reality. Nag i-ilusyon ka pa siguro. Inaantok ka ba? O baka naman nag sleep walking ka?" Kita ko na nagalit si Ella dahil sa sinabi nito.

"Tama na 'yan," pagtigil ni Aris. "Babae. 'Yan ang clue natin sa ngayon. Tama na ang away."

"Hindi ko siya inaaway. I'm mature enough na 'wag siyang patulan. Pustahan nalang oh?"

"Game."

"Sge!"

Napatampal ako sa nuo ko ng marinig ang mga sagot nila.

"Ito nalang. Kung sino nga ba ang may pakana ng lahat ng 'to. Babae ba o lalaki. Basta ba. . . sa babae ako. Sila lang naman kasi ang laging gumagawa ng gulo."

Mature enough daw? Talaga lang Felix ha.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now