•°Papa°•

58 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 33

AYMTHE POV

Simula no'n ay naging busy na ang lahat. Nasa loob ng laboratory sila Ella. Hindi parin tapos sa pag-examine sa katawan. Nang lumabas na sila ay agad naming sinalubong.

Umiling sila. Mukhang hindi pa rin nila natutukoy kung ano ito. Si Felix at si Zero naman ay magkasama sa paghahanap sa mga bangkay.

"Dadating ang mga investor ng paaralan mamaya," pag-a-anounce ni Aris. "Ito na ang way natin para malaman kung sino nga ba ang owner ng Easton. May mga businessman naman tayong kasama sa grupo natin, baka may kilala kayo kahit isa sa mga investor na makakatulong sa 'tin."

Umupo na si Aris. Simula no'ng umalis si Wendy. Gan'yan na siya. Namamansin naman siya, maliban nalang kay Oliver at kay Zero. Mas naging close yata sila ni Felix dalawa.

Hindi na rin ako nakialam pa dahil problema naman nila iyon. Katulad nila ay gusto ko na ring matapos ang misyon na 'to. Na bo-bored na ako. Gusto ko na naman tumanggap ng ibang misyon. Ayaw ko na nang ganito. Ayaw ko na sa University Case na 'yan. Ang mga professor Agent nalang ang bahala sa mga 'yon. Kapagod na kaya. Paikot-ikot na lang kami sa loob ng Easton.

"Aris." Nag-angat siya ng tingin ng tawagin siya ni Felix. "Tayo naman ang mag-imbestiga."

"Hindi." Humarang sa daan si Zero at masamang tiningnan si Felix. "Ako ang makakasama mo sa misyong 'to. Ikaw naman Aris sa laboratoryo ka lang. Tulungan mo sila Range roon. Tayo, tayo ang tara na." Hinila niya si Felix paalis.

Tumalikod naman si Aris at tinungo na ang laboratory. Tumayo na rin sila Ella at sumunod na sa kaniya. Ehh ako? Ano ang gagawin ko rito?

Napatingin ako kay Terron ng mapansin na nakatingin rin pala siya sa 'kin. Si Rulls rin na naiwan rito. Wala na rin kaming nagawa kun'di ang puntahan nalang si Oliver na nagpapagaling pa. Hindi ko alam kung alam na ba niyang umalis si Wendy o wala lang talaga siyang pakialam.

"Nasa'n ang camera Oliver?"

"Ibig sabihin hindi niyo nahanap?" Umiling si Rulls. "Iniwan ko doon bago ako nakuha ng kalaban."

Ayaw pa namin siyang patayuin ngunit nagpumilit siya na sumama dahil mas may alam siya kung saan niya itinago ang camera. Wala na rin kaming choice kun'di ang payagan siya. Tutal nagpupumilit naman siya.

Sinundan lang namin siya hanggang sa huminto siya sa isang puno at naghukay. Tinulungan na rin siya ni Rulls sa paghukay at doon nga namin nakuha ang camera. Bumalik na rin kami sa Easton.

Binigay namin kina Range ang camera. Chineck naman iyon ni Ien pumasok na rin sa loob si Oliver at si Zero. Parang ako tuloy ang nahihirapan ga'yong nasa loob si Aris, Oli at si Zero. Para tuloy ang sikip doon. Kahit na sobrang laki naman ng laboratoryo.

Napatingin ako kay Ella na mukhang nakaramdam sa tensyon ng tatlo. Pumagitna si Ella kay Aris at Oliver dahil tumabi si Oliver rito. Tumikhim si Ella at ngumiti.

Kita ko ang pagtingin ni Zero kay Aris at nag-iwas rin. Bago nila kinulikot ang camera.

Tahimik lang silang lahat sa loob. Kita ko pang pinagpawisan si Range. Nakakunot naman ang nuo ni Ien. Nakangiwi si Ella.

"Tangina naman nito! Lumabas nga kayo!" malakas na sigaw ni Range. Hinila si Zero at Oliver palabas. Binigay niya rin ang camera. "Nakakaabala kayo."

Napailing nalang ako. Kinuha ni Terron ang camera. Mukhang sila nalang ang titingin no'n. Hinawakan ko naman ang braso ni Zero at umalis na kami roon.

Lumabas na muna kami para magpahangin. Umupo kami sa may bench habang nakatanaw sa school building ng Easton. "Mali ba ang ginawa ko?"

"W-what?"

Napayuko siya. Kita ko pa ang pagkagat niya sa ibabang labi. "Kay Aris. M-mali ba ang ginawa ko?"

"Tama naman." Napaangat siya ng tingin, kita ang kislap sa mata niya. "May mali din. Ayown ang problema."

"A-anong mali do'n?"

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Ngumiti ako ng matamis at tumingin sa mga mata niya. "Tama naman ang ginawa mo. Para mailigtas sila. Ang mali mo lang talaga ay para mong ginawang isda si Wendy para ipakain sa pusa."

"Hindi ko naman ginawang isda si Wendy. Wala akong magic."

Napatampal ako sa nuo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ba niya gets? O trip lang niyang inisin ako?

Tahimik na ulit kami. Halos narinig ko na ang hangin, ang paghinga naming dalawa. May mga napapadaan na mga estudyante sa harapan namin. Nagtataka kung bakit kami magkasama. Napapatingin sa kamay naming dalawa na magkahawak.

Napangiti ako at hinigpitan paa ng paghawak no'n.

"My cousin Xandra. She's 16 years old." Napatingin ako sa kaniya ng magkuwento siya. "Wala akong kapatid. Ako lang mag-isa simula no'ng bata pa ako. May nag-ampon sa 'kin at inalagaan ako. Nakilala ko 'yong totoong pamilya ko. Saka ko nakilala si Xandra. Mahal ko siya na parang kapatid na. Nag-aral siya dito sa Dorm school. Easton University. Nag-alala ako bigla na parang may nararamdaman akong kaba. Nalaman kong wala rito sa Easton si Xandra. Nagkaroon ako kaagad ng kutob. May nangyayaring masama sa pinsan ko. Iyon ang nasa isip ko. Nakatanggap kami ng balita na patay na siya. Ngunit walang katawan na binigay sa 'min. Kaya doon ko siya naisipang hanapin."

"Napuno ako ng galit. Paghihigante. Hindi ko naisip ang mararamdaman ng mga kaibigan ko. Ang gusto ko lang makaganti. Ang mahanap siya. Si Xandra lang, Si Xandra lang 'yong kadugo ko na tinanggap ako ng buo." Napabitaw siya sa kamay ko. Inilamos niya ang palad sa mukha. "S-salot ang tingin nila sa 'kin. Initapon nila ako no'ng bata palang ako."

"Zero." Sinuklay ko ang buhok niya at pinasandal ang ulo niya sa balikat ko. Hinalikan ko ang sentido at napapikit. "Hindi ka salot, tandaan mo 'yan."

Tahimik lang siya. Nang maramdaman kong kumalma siya ay naging maayos na rin ang pakiramdam ko. Wala nang kirot sa dibdib ko.

Umayos siya ng upo at tumingin sa 'kin. Ngumiti siya. Napabuga siya ng hangin at napatingin sa mga building rito sa Easton.

Ngunit napunta ang tingin ko sa isang tao na naglalakad. May mga lalaking nakaitim ang nakapalibot rito.

"Mukhang dumating na ang mga investor na sinasabi ni Aris."

Investor? Isa ito sa mga investor?

Naging malinaw sa 'kin ang mukha nito. Napatayo ako sa gulat ng makita ang buo niya. "Papa?"

"Papa?" Tiningnan ni Zero ang tinitingnan ko. "Papa mo si Mister Mendez?"

"You know him?" nagtataka kong tanong kay Zero.

"Syempre. Si Mister Mendez, he's Monica's Father."

Monica?

Kita kong lumapit si Monica rito at humalik sa pisnge ni Papa bago niya ito niyakap.

Impossible. Hindi ito totoo.

Pa'no nangyaring?

Hindi ito totoo. Mababaliw na yata ako.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now