•°Aris at Ien°•

64 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 25

TERRON POV

Hindi ko alam kung bakit ba sa huli ay kasama ko pa ang hambog na 'to. Ang lalaking pa feeling na siya ang pinakamagaling sa lahat.

"Hindi ko alam kung pa'no mo nasikmurang makipagkaibigan parin kay Zero kahit plastic ka naman."

"Shut up," may pagtitimping sabi niya.

"Akala ko mga babae lang ang mahilig sa pakikipag plastikan. Lalaki rin pala. Ilang taon na ba kayong magkasama lahat? Tapos masisira lang dahil sa 'yo. Dahil makasarili ka—"

"I said shut up!" Agad niya akong kwenilyuhan. Kita ko ang nakaangat niyang kamao na para bang pinipigil niya ang sariling saktan ako. Kita ko ang ugat at panginginig nito.

Agad ko siyang itinulak at kinuha ang throwing star bago ito ibinato sa 'di kalayuan. Napaupo naman siya habang may nakatusok na palaso sa gilid niya. Muntik na.

"Pikon," I mocked him. Tinalikuran na rin.

Ramdam ko namang nakasunod lang siya sa 'kin. Pa'no ba kami napunta sa sitwasyon na 'to? Buwan na rin kaming nandito. Malapit na yatang magtaon. Hindi man lang namin na realise na mali pala ang naituro naming kalaban.

Malay ko bang Agent din pala ang mga 'to sa sobrang pagka isip bata hindi mo malalaman na Agent siya—Hayst! Halos pala lahat ng Agent may pagka-isip bata.

"Itong daan na tinahak natin. Palayo siya sa bahay."

"Anong gagawin natin?" Tumingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Huminto naman siya at tumingin sa paligid. "Kailangan nating bumalik doon. At tahakin ang daan sa iba nating kasamahan. Sina Zero ay talagang madali lang makakapunta sa bahay. Sila Oliver ay sa may kaliwang bahagi ngunit kahit gano'n medyo malayo na malapit—basta. Sina Aris naman-ang bandang medyo delikado. Gusto ko nang thrill kaya doon tayo dadaan."

Napailing nalang ako at sinundan siya. Alam naman niya ang daan patungo roon kaya siya nalang muna ang sinundan ko. Ramdam ko ang mga sumusunod sa 'min. Mga matang nakatutok at binabantayan ang mga galaw. Wala kaming laya rito. Ang kailangan naming gawin ay iligaw sila. Ngunit pa'no? Kung panigurado halos lahat ng sulok ng kagubatan na 'to may mga kalaban.

"Saglit. Iihi lang ako." Huminto ako at tiningnan siya na lumayo sa gawi ko. Sumandal nalang ako sa may puno hinihintay na matapos siya. Ngunit ilang minuto na hindi parin siya bumabalik.

"May tae bang lumabas sa ihi mo at natagalan ka?" sigaw ko. Ngunit hindi ko parin siya naririnig. Walang sagot.

Agad akong naalerto ng may kunai na itinapon sa gawi ko. Shit! Nasa pahamak ang bwesit na 'yon.

"Lumabas kayo!" Napaatras ako ng may nagsitalunan at hinarap ako. Nasa gitna nila ang may hawak kay Rulls.

"Shit! Ehz-zipper ko lang!" sigaw nito.

"Puputulin ko talaga 'yan kapag 'di ka tumigil!"

"Inggit ka? Malaki sa 'kin maliit sa 'yo." Napatampal nalang ako sa nuo ko dahil sa pang-iinis niya sa taong may hawak sa kaniya. Isang maling galaw lang ng lalaking 'to talagang patay siya.

"Pakawalan niyo na siya," utos ko.

"Ano kami tanga? Pagkatapos naming dakpin papakawalan?" Sabagay, oo nga naman.

"Tanga naman talaga kayo." Shit! Kapag talaga namatay itong si Rulls sa katangahan niya ako ang malalagot sa kabilang grupo. Kailangan pa namin ang ZFOAR. "Anong akala niyo sa 'kin? Madali lang magpapahuli?"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Ngayon ay nagkabaliktad na ang posisyon ng dalawa. May lumapit sa kaniya ngunit itinapon ko ang kunai na hawak ko. Sa isa naman ang shuriken.

"Walang makikialam sa 'min! Ako ang kalaban niya!" galit na sigaw ni Rulls at mas lalong hinigpitan ang pagka headlock niya sa lalaki. "Alam mo bang hindi pa ako pwedeng mamatay? Tatalunin ko pa si Zero." Sinipa niya ang lalaking tumakbo palapit sa kaniya kaya natilapon ito at hindi na makatayo dahil sa malakas na pagkatilapon niya sa may puno.

Mukhang ito na ang sign niya na tapusin na ito. Siya na ang bahala sa hawak niya. Kinuha ko ang kunai at ang shuriken na nasa bulsa ko. Nang binilang ko ito ay apat na shuriken at walong kunai. Kaya ang dalawang shuriken at tatlong kunai ang inilabas ko.

Mabilis akong tumakbo at tinapon ito sa mga lalaki. "Sa gilid Terron!" Nataranta ako sa sigaw ni Rulls kaya hindi ko nailagan ang palaso.

Napagulong-gulong ako. Napahawak sa t'yan at kinuha roon ang palaso. Nang tingnan ko na ang may gawa no'n ay nakahandusay na siya. Napatingin ako kay Rulls na papalapit sa 'kin. Nakahandusay narin ang kanina ay hawak niya.

Tinulungan niya akong tumayo. Inakbayan niya ako habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Napahawak ako sa t'yan ko dahil sa hapdi.

Mukhang ibang daan ang tinahak namin dahil lumiko siya. Unti-unti akong nanghihina sa tuwing tumatapak ako. Nahihilo narin. Napatingin ako sa t'yan at damit ko na puno ng dugo.

Agad akong nadapa dahil narin sa panghihina. Inis naman akong itinayo ni Rulls. Inakbayan niya ako at inalalayan ulit ngunit pinahinto ko siya. Kahit na nagtaka ay hinayaan niya ako.

Binalikan ko ang gawi kong saan ako nadapa. Kahit na nagtaka ay sinundan ako ni Rulls. "Ano bang meron d'yan?" inis niyang tanong.

"S-sa palagay mo? Anong nakaukit?" nakatingin kami pareho sa may lupa kung saan may maraming patay na dahon.

"Isang bilog," bored na sagot niya. "Tapos may exclamation point sa... sa gitna." Tumingin siya sa 'kin. "Anong ibig sabihin niyan?"

"'Yan ang signal sign namin ng TIGER. Nasa malapit lang sila Ien."

"Ien? Magkasama sila ni Aris diba?"

Lumuhod ako at hinukay ang bahaging 'yon. Doon ko nakita ang handheld radio nila. Mukhang tama nga ako. Nasa pahamak sila Ien.

"Ien! Aris! Nasa'n kayo?!" sigaw ko. Ngunit napahawak ako sa t'yan ko ng humapdi ito.

"Aris! Aris! Ien! Shit! Ayos ka lang ba Terron? Ang tanga mo kasi eh."

"Wow ha. Nanermon ka pa talaga," sarkastiko kong ani.

"Ien!"

"Aris!

"Nandito kami! Terron! Nandito kami!" Narinig namin boses na nasa 'di kalayuan.

"Nasa'n? Ituro mo sa 'min!"

"May... May puno." Kita ko ang pag-irap ni Rulls. Napailing naman ako. May puno talaga rito. Kagubatan 'to eh. "May malaking puno na kakaiba ang hugis! Sobrang laking puno!" Nilibot namin ang tingin sa mga may puno.

Nang makita namin ang tinutukoy niya ay agad namin itong nilapitan. Tinulungan naman ako ni Rulls na maglakad.

"Tapos?!"

"May maririnig kayong daloy ng tubig! Tubig sa ilog!" Tumahimik ang paligid doon nga namin narinig ang agos ng tubig. Naglakad kami at hinanap ang tunog na 'yon. "Mag-iingat kayo! Kasi may patibong!"

"Shit!" Bigla akong nadulas. Muntik na akong mahulog sa malalim na butas na 'to kung 'di lang ako nahawakan ni Rulls. Inangat niya ako. Nakahinga ng maluwag ng mailigtas na naman.

"Terron! Terron!" Agad kaming napatingin sa ibaba no'ng butas. Doon namin sila nakita dalawa.

Sumisigaw si Aris. Tumatalon habahg kumakaway. Si Ien naman na nakasandal habang nakapikit. Napatingin ako sa hita niya na hinahawakan. Sobrang daming dugo.

"Kailangan na natin silang iligtas! Madami nang dugo ang nawawala kay Ien!" sigaw ko kay Rulls.

Kapag pinatagal pa namin. Mapapahamak si Ien.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now