•°ZFOAR°•

107 3 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 04

AMYTHE P.O.V

Tinatadtad nga nila ako ng mga tanong. Kung bakit ko suot ang damit ni Zero kung bakit ako nawala no'ng isang araw. Hindi ko naman napansin na isang araw pala akong tulog kaya pala sinasabi niyang puyat siya ng dahil sa 'kin.

May sofa naman bakit hindi siya matulog at kailangan niya pa akong bantayan.

Because he care.

Nah! Nakokonsensya lang 'yon dahil inapakan niya ang kamay ko. Pero ang tanong may konsensya ba 'yon

Tinulugan ko nalang sila kagabi dahil ayaw talagang tumigil ni Ella sa pagtatanong nakikinig lang naman si Wendy at si Monica.

Kaya ito ngayong nagising ako ay ang sama ng tingin ni Ella sa 'kin. Siya kasi ang numero unong marites.

"Bet ko si Zero at ikaw. Zeymthe gosh! Ang ganda pakinggan." kinikilig na turing nito

Hindi ko nalang siya pinakinggan at nagtungo na sa banyo para maligo at para magbihis nadin. Nakita ko ang nakasampay na damit ni Zero rito sa banyo. Well hindi ko naman siya nilabhan nakasampay lang talaga siya.

Hindi ko pa pwedeng basain ang kamay ko lalo na bagong gamot palang ito at baka hindi lang lagnat ang abot ko 'pag nagkataon.

"Akala ko ba matangkad lang siya pero magaan bakit nilagnat ka?" mahina ang boses ni Wendy pero halatang halata ko ang boses pang aasar niya.

"At kanino ka naman natotong mang asar?" taas kilay na tanong ko sa kaniya.

Sa pagkakaalam ko na kahit mangaway ay hindi kayang gawin ni Wendy 'yon pa kayang mang asar siya?

Inosenteng tinuro ni Wendy si Ella agad namang tinakpan ni Ella ang palad ni Wendy saka siya humarap rito.

"'Wag ka namang sumbongera girl dapat 'pag may nagtanong sa 'yo kung sinong nagturo sabihin mo myself." pagtuturo niya ng kung ano ano kay Wendy.

"Okay," nakangiting sagot nito, "Bagay kayo ng Kuya ko."

"Talaga bagay kami?" naramdaman ko ang galak sa boses ni Ella.

"Oo, reto kita sa kaniya."

Tumawa lang si Ella bago tumango kay Wendy.

"Sinong Kuya mo?" tanong ko kay Wendy bago ako umupo sa may kama habang tiningala ko sila.

"Si Aristaeus John Miller."

"Sino 'yan?" ngayon ko lang kasi 'ata narinig ang pangalan na yan.

Umupo naman si Wendy sa isang kama rin at tiningnan niya akong mabuti umupo rin sa tabi niya si Ella habang si Monica naman ay sinuot na ang sapatos niya mukhang ready na siya pumasok sa school.

"Zero Axfel Griffin," pagbanggit niya sa pangalan ni Zero, "Kilala bilang si Z siya ang medyo seryoso sa kanila. Nakakaduda nga at binubully ka niya kasi hindi naman siya nambubully... ikaw palang. Well, oo, nambubully sila ng mga kaibigan niya pero hindi talaga 'yong siya 'yong nang una tulad ng ginawa niya sa 'yo kasi sumasabay lang siya sa trip ng barkada niya minsan rin siya napaka seryoso niya." Pag k-kwento niya tungkol kay Zero.

Bakit kailangan pa niya akong e bully? Sa una palang talaga ay wala na akong ginawang masama sa kaniya. Dapat nga tinulungan niya ako—

"Wag kanang magduda kung hindi ka niya tinulungan. Hindi siya gan'yang tao." Sabat ni Monica bago niya nilisan ang dorm namin.

"Aristaeus John Miller," banggit niya sa pangalan ng Kuya niya, "Tawag sa kaniya ay si Aris pero tawag ko sa kaniya ay Kuya AJ. Medyo seryoso rin siya magkapareho sila ng ugali ni Z kaya lang mas malala pa talaga si Z pag ginalit natin." Tumango naman ako. "O-oliver Reid," bahagya pang namula ang pisnge niya.

Kaya hindi ko mapigilang hindi tumaas ang kilay ko dahil sa pag banggit niya sa pangalan na Oliver pero namula agad ang mukha niya.

"Don't tell me crush mo siya?" tumili pa si Ella na parang tanga.

"Halata nga." bored kong sabi.

"S-siya 'yong playboy sa kanila," lumungkot nag mukha ni Wendy, "Halos araw araw siyang may dinidiligan." Napalingon ako kay Ella ng tumawa ito ng sobrang lakas.

Sinamaan ko ito ng tingin dahil hindi ako maka concentrate dahil sa pagtawa niya at salamat naman dahil tumigil siya.

"Rulls Floyd Curtis," hindi ko iyon kilala pero makikinig parin ako, "May gusto siya kay Monica."

"Weh? 'Yong si Rulls? Nagkagusto sa bato?" saka na naman siya tumawa na parang baliw.

"But Monica didn't know it. Hindi sinabi ni Kuya Rulls na gusto niya si Monica pero nalaman ko lang 'yon dahil hindi ko sinadyang nabasa ang isang libro na hindi ko alam diary pala iyon."

"Ayh! Hindi sinadya, magkapatid pala tayo. Mama mo kasi si Marites," nagpatuloy lang si Wendy at hindi pinansin si Ella na ngayon ay tumatawa na naman.

"Siya ang bookworm sa grupo lagi siyang nag aaral I don't know kung bakit kasi matalino naman siya kaya no need na pero si Kuya Z talaga ang hinahangaan ko dahil kahit hindi iyon nag aaral ay may maisasagot parin iyon." Gano'n katalino ang Mayabang na 'yon?

Pinakinggan ko parin si Wendy kahit na minsan nakaka distract ang tawa ni Ella akala mo kambing na iihawin.

"Felix Lee Guanson," hindi rin familiar sa 'kin ang pangalan, "Siya talaga 'yog badboy sa grupo pero mas badboy talaga si Z," napangiwi ako hindi talaga magpapahuli 'yong si mayabang, "Si Felix ang laging nangungunang mambully at pinagpapatuloy nilang mag grupo kung bet nila ang binubully nila. Siya ang laging nagsisimula ng gulo."

"You mean—"

"Yes! And you are the target here! Ikaw ang trip nila ngayong school year but I don't know kung kailan sila titigil sa pangbubully sa 'yo?... And that's all silang lima ang heart throb rito sa University... Don't mess the one of them but it's too late. Nagkita at nakabanggaan muna ang isa sa kanila ang malas mo pa kasi si Kuya Z ang nakabanggaan mo sabi ko nga kung malala bumully si Felix mas triple kang Z kasi nanakit siya."

"Noted," pinahalata ko sa kaniya na naboboringan ako.

"ZFOAR pala ang tawag sa grupo nila."

"ZFOUR? Eh lima naman sila."

"Z FO-AR not FOUR." pagtatama ni Wendy sa mali ni Ella.

Inayos na namin ang sarili namin dahil halatang late na kami sa klase namin dahil sa kadaldalan ni Wendy at sa pagiging marites ni Ella.

Agad kong sinuot ang sapatos ko bago kami sabay na lumabas sa dorm namin at sabay tinahak ang daan patungo sa first subject namin ngayong araw.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now