•°Sex Drug°•

66 1 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 36

ELLA POV

Hindi pa rin namin matukoy kung ano nga ba ang puno't dulo. Kung bakit gano'n nalang ang nangyayari? Napaupo ako habang hinihilot ang kamay ko. Nakakapagod palang tumayo roon buong gabi.

Napansin kong umupo si Aris sa tabi habang nakatingin sa glass wall. Kung saan nakikita namin ang nakahigang babae roon.

Walang tao sa loob. Umalis si Ien saglit. Si Range naman ay gutom na raw kaya umalis din. Sila nalang ang hinihintay namin para magpatuloy ulit.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya.

"Ako dapat ang magtanong sa 'yo niyan." Nakatingin siya sa kamay ko. "Akin na." Agad naman niya itong hinawakan.

"Aanhin mo kamay ko?"

"Kakagatin." Inirapan niya ako bago ko naramdaman ang mahinang pagmasahe niya sa 'kin roon. Sumandal ako sa inuupuan ko habang nakatingin sa kawalan.

"Bakit mo. . ." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o 'wag nalang. Pero dahil ako si Ella! "Bakit mo pinadala sa States ang kapatid mo?"

Natigilan siya. Saglit na napatingin sa 'kin. Napailing siya habang nakangiti bago niya pinagpatuloy ang ginagawa niyang pagmasahe sa palad ko.

"Wala talagang preno 'yang bibig mo 'no?"

"Hindi naman kasi ito sasakyan," napanguso ako.

"Saka ko na sasagutin 'yang tanong mo kapag girlfriend na kita."

Bigla akong naestatwa dahil sa sinabi niya. Dahan dahan akong lumingon. Halos lumuwa na yata ang mata ko sa sobrang laki. Grabe naman kasi manggulat ang lalaking 'to!

"Akala ko ba ayaw mo sa 'kin?"

"'Di natin sure," nagpigil ngiting sabi niya.

"Hmp, girlfriend girlfriend ka d'yan. 'Di ka nga nanligaw."

"Saka na. Kapag alam ko nang kaya ko na 'yang bunganga mo." Nag-angat siya at tingin. "Pero hindi pa rin kita type."

Binawi ko ang kamay ko at binatukan siya. Panay naman ang ilag niya ng pinalo-palo ko siya. Bigla nalang siyang tumayo at akmang tatakbo ng nahuli ko ang buhok niya at sinabunutan siya.

"Aray! Aray Ella!" Deserve.

"Tom and Jerry. Tara na sa loob." Dumating na si Range may kagat pang apple. Inubos niya muna ito bago niya sinuot ulit ang lab gown niya bago pumasok. Sumunod narin kami sa kaniya.

Ilang minuto lang rin ay pumasok na si Ien. Habang nakatingin ako sa resulta ay bigla nalang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang tao na naka lab gown. May suot na mask. Napakunot ang nuo kong nakatingin sa mga mata niya at sa maganda niyang makapal na kilay. Ang ganda ng hugis ng mata niya.

Alam kong pati sila ay napatitig rin sa pumasok. Napatingin ako kay Aris na nakakunot ang nuo.

"Bakit para kayong nakakita ng anghel?" Unti-unting nanlaki ang mata ko ng marinig ang familiar na boses na 'yon.

"Wicked?"

"Oh? Hi Ella!" Ngumiti siya dahil kita ko ang pagliit ng mata niya. Parang naging half moon. Tangina! Bakit parang pakiramdam ko sobrang ganda ng babaeng 'to?

Lumapit siya sa nakahiga ngayon bago niya ito tiningnan. Lumilinga naman siya. Hanggang sa huminto ang tingin niya kay Range.

"Bakit niyo ako pinadala ng drugs dito? Anong kailangan niyo sa drugs?"

"Drugs?" takang tanong ni Ien.

"Sex drugs," simpleng sagot lang niya.

"May kailangan lang kaming alamin. Pwede mo ba kaming tulungan ngayon?" Tumagilid pa ang ulo niya na parang nag-iisip bago siya tumango.

Lumabas na muna ako at pinuntahan sila Aymthe na naghahanda para pumunta sa party. Maiiwan kami rito habang sila naman ay mag-iimbestiga roon.

"Aalis na kayo?"

Ngumiti siya sa 'kin. "Oo. Kailangan na naming umalis."

"Mag-iingat ka," bulong ko sa kaniya.

Ngumiti pa siya lalo at tumango bago na sila naubos na rito sa loob. Bakit parang bigla akong kinabahan?

Pinilig ko nalang ang ulo. Naglakad na pabalik sa laboratory. Tahimik lang sila. Si Aris at Ien na nakamasid kay Wicked at Range na tahimik na nag-uusap. Mabilis ang mga galaw nila.

"Labas na muna tayo," pagkausap ko sa dalawa.

Nagkatinginan sila bago tumango. Hinubad na namin ang suot naming lab gown bago kami umupo sa may labas ng laboratory. Nakatingin lang kami sa dalawa sa loob.

"Ngayon ko lang nakita ng malinaw ang mata ni Wicked." Hindi makapaniwalang ani Ien.

"Crush mo?" panunukso ko.

"Hindi, may jowa na 'yan."

"'Yong mata niya. Parang nakita ko na." Napabaling ako kay Aris dahil sa sinabi niya. "But 'di ko na maalala kaya nevermind nalang."

Hindi rin ako sanay na nakikita ang mata niya. Na para bang sobrang patay nito. Walang emosyon pero ang nagpapabuhay nito ay ang magandang hugis ng mata niya at ang sobrang kapal na kilay na bumagay sa maliit niyang mukha.

Kung i-imagine ko. 'Yong labi na nakikita ko tuwing nagma-masquerade mask siya at itong mata na nakikita ko ngayong nakamask lang siya. Maganda nga.

Napatayo kami ng lumabas na ang dalawa. Sumandal si Wicked sa glass wall habang nagkibit balikat. Hinayaan niyang si Range ang magsalita.

"Anong resulta?" tanong ko sa kaniya.

"Nag-match." Napabuga siya ng hangin. "Ang sex drug na dala ni Wicked at ang nakikita nating kakaiba sa katawan ng babae."

"You mean?" gulat na gulat si Aris habang prinoproseso pa ang nakuhang impormasyon.

"Tama." Tumango si Wicked. "Kinukontrol ang katawan nila ng droga na iyan. Ang isipan. Kaya sigurado akong nasa pahamak na ang mga kasamahan niyo na nasa party.

"Tama! Sila Aymthe!" Tumakbo ako paalis roon at lumabas.

Napatingin ako sa gilid ko ng makita si Aris na tumatakbo kasabay ko. "Baka 'di mo alam ang lugar kung saan gaganapin ang party."

Nagpasalamat ako sa kaniya. Hanggang sa huminto kami sa isang maingay na lugar. Malakas na music. Mukhang nagsimula na ang lahat. Nagkakasiyahan na sila.

Mahirap silang hanapin lalo na sa sobrang daming tao. Naghiwa-hiwalay kaming dalawa ni Aris ngunit hindi siya pumayag dahil baka daw may naapektuhan na ng gamot na 'yon at ako ang mapagtripan.

Ngunit halos malibot na namin ang loob. Wala kaming nakitang ni anino ng mga kasamahan ko. Hindi kaya napahamak na sila?

"Baka nasa labas na." Hinawakan nito ang siko ko bago kami tumakbo palabas. Hanggang sa may nakita kaming nakatayong mga tao sa 'di kalayuan. Medyo madilim ang pwesto na iyon ngunit basi sa mga tangkad nila ay sigurado akong isa sa kanila si Aymthe.

Tinakbo ko ang pagitan. Nakaupo si Oliver at nakasandal sa may puno. Lalo na ang hindi familiar na dalawang lalaki na nakatalikod sa isa't isa at ginawang sandalan ang likod nila. Si Rulls naman na k'unti nalang ay matutulog na. Habang si Felix naman ay nakatayo lang ng maayos.

"Kesler?"

"Oh? Hi Ella!" Kumaway siya sa 'kin.

"Anong nangyayari? Bakit niyo kami pinaalis roon? Bakit ganito ang nangyayari sa kanila?" tanong ni Terron habang nakatingin sa mga kasamahan nila.

"Sino ang nakainom ng drinks?" tanong ko.

Nagtaas naman ng kamay si Oliver, ang dalawang hindi familiar na lalaki, si Rulls. Lalo na si Felix na nakatayo ng maayos.

"Sure kang nakainom ka Felix?" Tumango siya.

"Medyo mainit ang katawan ko. Pero ayos lang. Kaya ko naman."

Mukhang unti-unti na naming nareresulba ang dahilan ng misteryoso rito sa Easton. Ang Rape, Killing at mga Missing Student. Ngunit bakit naman? Ano namang dahilan ng mga ito?

Sigurado akong may dahilan.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now