•°Where is he?°•

97 3 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 05

AYMTHE POV

Kanina ko pa hinahaluglog ang bag ko ngunit hindi ko makita ang cellphone ko. Ilang araw na rin akong hindi nag cecellphone at nakalimutan ko kung saan ko ba ito inilagay?

"Hey! Kanina kapa d'yan." Napalingon ako kay Ella.

"'Yong cellphone ko kasi."

"As I remember... Binato mo ito kay Z."

Damn it!

Naalala ko binato ko pala iyon kay Mayabang sana ay hindi iyon nasira 'yon lang ang natitirang cellphone ko dahil ayaw kong magpabili kay Daddy ng bagong phone kasi sayang sa pera.

"But sadly hindi ka pwedeng makapasok sa Boy's Dormitory bawal ang babae roon and bawal rin ang lalaki sa dorm natin. So kung ako sa 'yo hintayin nalang natin na makita natin si Z." mas dumaldal itong si Wendy ng naging madalas silang magkasama ni Ella.

"But I need it now," maktol ko.

"Edi puntahan mo," malamig na boses na iyon kaya napalingon ako kay Monica para siyang may sariling mundo na parang siya lang mag isa, "Naalala mo naman siguro ang dorm ni Z? Do'n ka no'ng isang araw diba? Tingnan natin kung anong gagawin ng mga lalaki sa 'yo 'pag nakita nila ang babae na nagtungo sa dorm nila."

"Monica!" may pagbabantang tawag ni Mitchie sa kaniya, "'Wag niyo nalang siyang pansinin. Gusto mo samahan ka namin?"

"No need. Baka madamay pa kayo sa Bully ni Zero."

"Bully to bully lang naman kayo. Walang matatapos kasi 'pag nag-bully siya hindi ka nagpapahuli," sabat na naman ni Monica.

"Kasi hindi ito nobela! Hindi ito k drama! At lalong lalo na hindi ito teleserye!" inis na sabi ko kay Monica at hinarap siya. "Hindi tulad ng mga napapanood ko na nagpapaka inosente ang babae at laging binubully ng lalaki hindi ito tulad ng mga nababasa ko na inosente ang babae at binubully siya ng lalaki pero sila parin ang end game," hindi ko alam pero hindi ko mapigilang hindi mainis sa kaniya, "Hindi ito nobela at sinisigurado ko sa inyo hindi ako magkakagusto sa kaniya tulad ng mga OA na gumaganap bilang bida sa kwento, kwento ko 'to at ako ang magdidisesyon kung anong kakatakbuhan ng kwento ng buhay ko. Hindi dahil siya ang king heartthrob niyo rito ay magpapaapi na ako. Kahit kailan hindi ako pinalaki ng Mama ko para lang apihin nila! Lumalaban ako. Sabi ko nga,"

Ngumisi ako sa kaniya ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay pinatong ko ang kamay ko sa gilid ng upuan niya at kinorner si Monica.

"Siya ang nagsimula, kami ang gagawa ngunit... AKO ANG TATAPOS." Agad kong kinuha ang bag ko bago nilisan ang room at tinungo ang Boys Dorm wala akong pakialam basta gusto kong kunin ang cellphone ko.

Habang naglalakad ako ay may napapatingin sa gawi ko dahil baka nag tataka sila kung ano nga ba ang ginagawa ng isang babae rito sa boy's dorm.

Nasaan nga ba ang dorm ni Zero? Nakalimutan ko at dahil nagmamadali ako n'on ay hindi ko maalala ang daan na tinahak ko.

Agad akong napaigtad ng may umakbay sa 'kin. Naamoy ko ang mabahong hininga nila. Apat sila, nakaharang ang dalawa sa daan ko habang ang dalawa naman ay kapwa nakaakbay sa 'kin.

"Kung siniswerte ka nga naman."

"Ang babae pa ang lumalapit sa atin."

"Excuse me po," inalis ko ang pagkaakbay nila, "Hindi po ako nandito para sa inyo. Asan rito ang dorm ni Zero?" matapang ko silang hinarap.

"Gan'yan ang mga tinatanong ng mga babae rito." Inakbayan niya ulit ako.

"Pero bago 'yan. Sa amin muna sila sasama bago kay Zero yan ang hindi alam ni Zero."

"At puputulin ko yang braso niyo pag 'di niyo tinanggal yan sa balikat niya." Napalayo ang mga lalaki sa akin na parang napapaso sila.

Lumingon ako sa likod ko. Siya 'yong lalaki sa gubat.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong niya sa 'kin.

"May kukunin lang ako—"

"Alam mo bang delikado rito?" pagputol niya sa sasabihin ko.

"At alam mo bang naiinis na ako sa 'yo?" natahimik siya sa sinabi ko, "Patapusin mo muna kaso ako! Syempre alam kong delikado pero wala akong pakialam."

"Pasaway ka talaga."

"Aray!" pinitik niya lang naman ang nuo ko.

"Sumunod ka sa 'kin." Nagpatiuna siya kaya sumunod ako pero bago 'yon isa isa ko munang tinuhod ang gitna nila bago tumakbo papunta do'n sa lalaki dahil medyo nakalayo na siya.

"Asan 'yong dorm ni Zero?" napaigik siya ng mauntog ang ulo niya sa may pinto.

"Hala sorry bro!" May lumabas na lalaki.

"O-okay lang." Sabay himas sa nuo niya at bumaling sa 'kin, "Can you repeat it Miss?"

"Alin? 'Yong Asan ang dorm ni Zero?"

"Pota!"

"Sino 'yan?"

"What the..."

"Can you repeat it again? Mukhang nagkamali 'ata ako ng rinig." paulit ulit na sabi niya.

"Hindi ko na problema 'yon kung nagkamali ka ng rinig pota kaba?! Asan nga 'yong dorm niya?"

"Sex slave kaba ni Z?"

"Oliver!" pagpigil nito kay Oliver raw.

What the! Sila ba yung ZFOAR?

"Excuse me? Mukha ba akong prostitute?" turo ko sa sarili ko.

"Nope! Mukha kang inosente," sagot nito.

"'Yon na nga e so may I repeat, Asan Ang dorm ni Zero?" diing tanong ko.

"Wala siya rito," sagot ng isang may hawak na libro.

"Anong wala siya rito? Sa pagkakaalam ko hindi tayo makakalabas ng school," iritang sabi ko sa kanilang apat.

"Remember the forest?" tanong niya sa 'kin.

"Aris!" pagpigil ng tatlo sa kaniya.

Siya si Aris? 'Yong Kuya ni Wendy? 'Yong gusto ni Ella?

"Yes."

"Nando'n siya," simpleng sagot niya.

"'Yon naman pala e. Pinatagal niyo pa... Thanks! Aristaeus." Kumaway ako sa kaniya.

Nakatanga lang siya mukhang hindi inakala na babanggitin ko ang pangalan niya dahil hindi niya naman sinabi sa 'kin ang name niya narinig ko lang kay Wendy lahat.

Hindi ako tsismosa talagang narinig ko lang dahil ang daldal nila.

"Ba't ang cute pakinggan ng pangalan ko 'pag siya ang nagbanggit?" rinig kong tanong ni Aris sa sarili niya.

"You're crazy dude." Sabay na sabi ng tatlo bago ko narinig ang pagsara ng pinto.

Agad akong tumakbo papunta doon sa forest na iyon. Ang daming katanungan sa isip ko. Ang sabi niya sa 'kin na delikado raw rito pero ano namang ginagawa ni Zero sa gubat na ito. Baka siya ang hari ng mga kapre!

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now