•°Pagbabalik°•

76 1 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 43

AYMTHE POV

Nakaharap sa salamin. Hindi alam kung ano ang gagawin. Kinakabahan ako, para akong natatae.

"Aray!" malakas na sigaw ko. Naramdaman ko nalang na may humila sa buhok ko.

"Para kang tanga."

"Huy! 'Wag mo 'kong pagsalitaan ng gan'yan! Ate mo 'ko!"

Inayos na niya ulit ang buhok ko. Pero nararamdaman kong hinihila niya ito. Napatingin ako sa skirt na suot ko at croptop. Naka sandal rin.

"Para akong tanga sa suot ko."

"Matagal ka nang tanga kahit 'di 'yan ang suot mo."

"Monica! Sumusobra ka na!"

"Kumalma ka lang kasi. 'Wag mo namang ipahalatang inlove ka."

"Anong inlove? Sinong inlove? Hindi ako inlove!" malakas na sigaw ko.

"Indenial ang beshy ko."

"Ano na naman kayong dalawa?" Sabay kaming napatingin kay Papa na pumasok sa kwarto ni Monica. "Ano 'yang suot mo? Damit pa ba 'yan?"

"Papa!"

"Bakit ang liit? Magdamit ka ng maayos."

"Maayos naman," pagtanggol ni Monica.

"Saan ka ba pupunta? Bar?"

"Date," mahinang sagot ko.

"Date? Tapos 'yan suot mo? Be yourself Aymthe. Kung anong damit ka komportable 'yan ang suotin mo. Kahit na mag t-shirt ka lang ay ayos lang. Kapag hindi na naulit ang date dahil panget ang unang date niyo. . . 'wag mo nang habulin. 'Di lalaki 'yan." Lumapit siya at tiningnan ang damit ko. "Tandaan mo 'to anak. 'Wag mong babaguhin ang sarili mo magustuhan lang ng mga tao rito sa mundo. Binago mo ang sarili mo para matanggap nila pero 'di ka naman masaya. Maging ikaw ka. Sa paraan na 'yon magiging kontento at masaya ka. Kasi ang sarili mo lang ang maaasahan mo kapag nagkagipitan na. Kaya ayusin mo na 'yang damit mo."

Napatingin ako sa suot ko. Tama nga naman. Hindi talaga ako komportable sa ganito. Masyadong revealing. Ang hita ko. Pati na ang pusod ko nakikita.

"Nga pala mga dalaga ko. Bago niyo sagutin ang lalaking manliligaw sa inyo. Ipakilala niyo muna siya sa 'kin. Kapag naging mahigpit ako ibig sabihin ayaw ko sa kaniya, pero hindi ibig sabihin no'n iwan muna siya. Kailangan niyang patunayan na karapat-dapat siya sa 'yo. Kapag naman ayos lang sa 'kin. Wala nang problema 'yon."

Nagkatinginan kami ni Monica saka ngumiti. Tinakbo namin si Papa at niyakap ng mahigpit.

Kaya sa huli simpleng dress lang ang suot ko saka sandal rin. May nilagay rin akong isang clip sa buhok ko para magmukha akong babae. Ngayon lang 'to.

Sinundo ako ni Zero sa labas ng bahay. Sinabi ko sa kaniya na nasa bahay ako nila Papa. Kaya hindi na ako sa Condo ko nagpasundo. Nagpaalam na ako kay Papa para sumama kay Zero.

"Iuwi mo siya bago mag nine."

"Opo sir."

"Ayh sos! Akala mo naman 10 years old si Ate. 20 na 'yan huy!" panira ni Monica. "Pa'no kaya kapag mag-jowa nalang ako? Ang boring maging single. Aray Papa!" Bigla nalang siyang hineadlock ni Papa bago sila tumalikod sa 'min para pumasok na sa loob.

"Magmahal, kapag ready na, hindi kapag boring ka."

Love when you're ready, not when you're lonely. Parang nabasa ko na 'yan e. Si Papa talaga. Kaya pala ganito ka-drama. Nagbabasa na naman siguro ng sandamakmak na quotes.

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now