•°Paghaharap°•

62 3 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 40

FELIX POV

"Tama na 'yan." Tumahimik kami nang si Zero na ang nagsalita.

Naalala ko tuloy kung pa'no siya umiyak ng makita ang video sa CCTV. Ang awkward palang tingnan 'yong taong malakas na bigla na lamang nanghina.

Xandra.

Nakatingin lang ako sa kanila. Nakaupo lang ako sa may sofa habang sila ay nag-uusap. Hindi ko alam kung balak nila. Pero, wala akong paki.

"Gusto kong maghigante. Si Xandra. Ang pinsan ko, nawawala siya. Wala ba kayong kamag-anak na nag-aaral sa Easton? Baka nasa panganib na ang buhay nila. Pupunta tayo roon. Hahanapin natin sila." Nagkatinginan sila dahil sa inaakto ni Zero. Nagtataka kung bakit gano'n ang kinikilos nito. Para siyang desperado.

Kahit na wala namang mga kamag-anak na nawawala ang iba ay nagpanggap nalang na meron para masamahan si Zero roon. Nalaman ko ring may kapatid na nag-aaral si Aris, kaya paniguradong sasama ito.

Ngunit pa'no naman ako? Sasama ba ako sa kanila?

Ang kutob namin ay pinapanuod niya ang mga galaw ng lahat. Kaya paniguradong nasa CCTV room siya. Hinack namin ang CCTV na hawak niya, pinalitan namin ng iba. Hindi niya kami makikita dahil may nag-control sa CCTV. Well, si Kesler na ang bahala do'n at sa isa nitong kasama.

Katulad nila ay gusto na ring matapos ang laban na 'to. Wala siyang bantay pa kaya hindi na siya makakatakas.

Kaming lahat ang pumunta sa kaniya roon. Sisiguraduhin na hindi siya makakatakas. Nagkatinginan kaming lahat ng nasa harapan na namin ang pinto. Nakatayo roon si Zero. Nagdadalawang-isip kung bubuksan ba o hindi.

Pero sa huli ay binuksan na niya ito. Pumasok naman kaming lahat at sinara ang pinto. Nakatayo na ang isang babae sa may gilid habang gulat na gulat na nakatingin sa 'min. Pabalik balik ang tingin niya sa screen, nagtataka siguro kung bakit hindi niya kami nakita na papunta sa gawi niya.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Zero.

"M-may tinitingnan lang."

"Tinitingnan? Binabantayan ba ang ibig mong sabihin? Binabantayan ang mga kilos nila. Pinapanuod mo ang gulo at paghihirap ng iba."

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Hindi kami tanga." Kita ko ang paggalaw ng panga ni Zero. Pinipigilan ang sariling suntukin ito. "Hindi ka pupunta dito dahil wala lang. Ano bang dahilan mo? Bakit mo 'to ginagawa mo?" Ngunit nanatili lang itong tahimik. "Sagutin mo! Hangga't kaya ko pang magpigil!"

"Hayaan natin si Wicked ang gumawa niyan." Tinapik ni Range ang balikat ni Zero.

Lumapit naman si Aris rito para talian ang kamay nito sa may likuran. Siya ang may hawak ng taong 'yon. Habang palabas kami, para ibigay siya kay Wicked.

Ang misyon lang namin ay hulihin siya. Si Wicked na ang bahala sa iba. Hindi ko aakalain na sa lahat ng gulo na dinulot niya ay 'di namin aakalain na siya ang may gawa. Ayaw ko pang maniwala no'ng una. Ngunit lahat ng ebidensya siya ang tinuturo.

"Argh!" Napatingin kaming lahat kay Aris ng marinig ang sigaw niya.

Tumakbo naman ang hawak niya. Nilapitan ni Range at Ella si Aris at pinasandal. Doon ko nakita ang dugo sa t'yan niya. Sinaksak siya ng walang hiyang iyon.

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili. Mabilis kaming tumakbo at hinabol siya. Walang hiya. Bakit hindi nalang siya sumama ng tahimik hindi 'yong kailangan pang manakit?

Naghiwa-hiwalay kami ng dinaanan dahil bigla siyang nawala sa paningin namin. Kasama ko si Terron at Zero. Hanggang sa nakita ko ang anino niya. Napangiti ako at lumapit sa kaniya.

Hinila ko ang buhok niya patayo. Napahawak naman siya sa kamay ko. "M-masakit."

"Masakit? E 'yong ginawa mo sa kaibigan ko? Hindi 'yon masakit?"

"Argh shit!" Muntik ko na siyang masampal ng bigla niya akong kinagat. Buti nalang at napigilan ko ang sarili ko. Pinakalma at kinumbinse na hindi dapat ako nananakit ng babae.

Tumakbo siya palayo sa 'min. Ngunit napahinto rin ng malaman na wala na siyang dadaanan. Ngunit may hawak siyang kutsilyo. Pwede rin siyang tumalon kung gugustuhin man niyang mamatay.

"Umalis kayo rito! Kun'di papatayin ko 'yong sarili ko." Kita kong nasugatan niya ng k'unti ang leeg niya.

"Bahala ka. Buhay mo 'yan." Walang pakialam na sabi ni Terron.

"Hindi pwede. Kailangan niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya. Hindi pwedeng mag-wa-wakas lang rito ang buhay niya." Pagpipigil galit ni Zero.

"Saka madali lang sa kaniya na kitilin ang sarili niyang buhay. Wala namang silbi ang buhay niya para sa kaniya. Kaya mas pipiliin nalang niyang mamatay kaysa ang maghirap." Pagkausap ko sa kanila.

"Matagal na akong naghirap! Matagal na akong nagdusa!" Malakas na sigaw niya. "Hindi pa sapat ang mga nagawa ko! Kulang pa 'yon sa lahat ng sakit na naramdaman ko!"

"So? Inaamin mo ngang ikaw ang puno't dulo ng lahat ng 'to?" Hindi makapaniwala si Terron na aamin kaagad ang babaeng 'to.

"Bakit? Hindi ba kapani-paniwala?"

"Halata naman," napatigil siya sa sinabi ko. "Halata naman na ikaw ang may gawa ng lahat."

"W-what. . . w-what do you mean?"

"Akala ko ba mo ba talaga maluluko mo kami? Akala mo rin ba magugustuhan kita? Akala mo makikipag-agawan ako sa TIGER para lang makuha ka? Miss, you're not even worth it. Alam mo, mas lalo mo lang pinapatunayan na hindi ka karapat-dapat mahalin. Matagal na kitang sinusundan. Matagal na kitang in-imbestigahan. Matagal ko nang alam na ikaw ang may pakana ng lahat. Ebidensya nalang ang kulang."

"W-what?"

"Hindi ba kapani-paniwala?" pagbabalik ko sa kaniya. "Pinapaikot mo ako sa mga kamay mo, ngunit, ang hindi mo alam. Ikaw ang pinapaikot ko."

"P-pa'no mo nalamang. . ."

"Actually hind ako naniwala. Sa ganda mo ba namang iyan kaya mong gawin ang mga bagay na 'yon."

"S-sino? Sino ang may sabi sa 'yo?"

"Ako." Napasinghap siya ng maramdaman na may pumosas sa kaniya. Mukhang nag spiderman climbing itong si Wicked. Pasikat talaga kahit kailan. Pa'no kapag nahulog siya? Edi patay siya panigurado. "I'm Wicked, kung 'di mo pa ako kilala. Hi! Nice to meet you," ngumiti siya ng matamis. "Tama pala. Ang ganda mo pala 'no? Kaya pala ayaw maniwala ni Felix sa 'kin."

"Pakawalan mo 'ko!"

"Bakit kita papakawalan? Ano ako? Tanga? Kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo. Hindi na talaga katiwa-tiwala ang itsura ng mga tao ngayon. Kung sino pa ang mga may itsura sila pa ang madalas gumawa ng masama. Kung sino pa ang mukhang adik sila pa ang mababait. Bakit? Akala niyo ba magiging inosente kayo habang buhay? Anghel kayo? Santo? Hindi talaga kita mapapatawad kapag napatunayan na ikaw nga ang may pakana ng lahat ng 'to."

Mukhang tapos na. Tapos na ang misyon na 'to.

"Ang daming naka-pending dahil maraming ang mga nandito. Pa-special ka 'no?"

Hinawakan niya ang naka-posas na kamay nito at naglakad na paalis. Nakatayo lang ako doon. Napasandal sa may malapit na dingding habang nakatingin sa likod ng babae.

Mediosa, hindi ko aakalain na aabot sa ganito ang lahat.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now