•°Wendy's Love°•

60 1 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 28

AYMTHE POV

Sinalubong ako ni Ella ng makita niya ako. Panay ang sermon sa 'kin kung saan daw ako galing. "Pwede ko bang makausap si Ella?" tanong ko sa dalawa na nakatingin sa 'min. "Nang kami lang dalawa?"

Tumango si Wendy at lumabas. Nakatingin lang si Monica sa 'kin at walang salitang lumabas din.

"Saan ka ba kasi galing?" Umupo ako sa upuan habang nakatingin kay Ella na nakapameywang sa harapan ko. "Kapag may nangyaring masama sa 'yo ako ang malalagot sa Daddy mo, alam mo ba 'yon?"

"Ella," kalmado kong pagtawag sa pangalan niya. "Kailangan na nating tapusin ang misyon na 'to."

Natahimik siya sa sinabi ko. Napaupo rin siya at tumulala na parang nag-iisip.

Ako lang naman ang Agent na pinapunta rito para sa misyon. Kung bakit ko naisama si Ella? Iyan ang naalala ko.

Nag-impake na ako dahil sa Easton ang punta ko. Nag-imbestiga ako kagabi tungkol sa paaralan. Sinasabi ritong hindi ka makakalabas sa Easton University—na ikinataka ko.

Nang na-imbestigahan ko naman ang dating Easton University ay malaya, masaya at tahimik ang paaralan na 'yon. Madaming mga matatalino at talentadong mga estudyante. Ngunit pa'no naman nauwi sa ganito ngayon ang paaralan? Na parang nakakatakot nang mag-enroll at pumasok araw-araw dahil hindi mo alam kung may nag-a-abang bang panganib o kung araw mo na ba sa mundo.

Isinukbit ko na ang bag at lumabas na sa condo. Ngunit napahinto ng pagkabukas ko ng pinto ay nakatayo na sa harapan ko si Ella. Nakapameywang siya na parang manenermon na naman ang Lola.

"Bakit ba? Alis nga d'yan." Sinubukan kong lumabas ngunit hinarangan niya ako.

"Sama ako," ngumuso siya at nagpa-cute pa lalo.

"Special mission ko 'to oi!"

"Sige na please! Aymthe! Sama ako! Isama mo ako sa misyon mo! Sige na! Sama ako!" Dahil nakakarindi na ang boses niya ay wala akong nagawa kun'di ang dalhin siya sa Golden Bullet Headquarter.

Kumatok muna ako bago kami pumasok. Nagtaka si Wicked ng makita ako lalo na ang nasa likod ko. Kumaway naman si Ella habang nakapulupot ang kamay sa braso ko.

Kita ko ang pagbuntong-hininga ni Wicked. "Sasama ka?" Mukhang alam na niya ang gustong iparating namin.

Ngumiti naman ng pagkalaki-laki si Ella at mabilis na tumango. Tumayo si Wicked at may kinuhang dokumento at binigay kay Ella.

"Umalis na kayo." Masaya naman si Ella sa tabi ko dahil nakasama siya sa misyon ko.

Hindi ko alam kung bakit ba siya sumama. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukuti ng kaibigan ko at parang linta na nasa tabi ko. Ilang beses na kaming nabigyan ng misyon pero kahit kailan hindi kami nagkakasama sa iisang misyon lang. Mas madalas kong kasama si Range at Kesler. Saktong sa special mission ko pa talaga siya sumama na ikinataka ko.

Ang problema ko nalang ngayon ay kumbinsihin si Daddy.

"May suspek kana ba?" Sa mahabang pag-iisip niya ay tumingin na rin siya sa 'kin.

Tumango ako at umiling. "Meron pero parang hindi na oo. Wala pang sigurado. Mahirap kasing hanapin at kung sino man ang pwedeng ituro na suspek dahil paniguradong nag-iingat ang totoong may gawa."

"Mahihirapan tayo nito. Malaki pa naman ang Easton kung tayong dalawa lang ang maghahanap."

"At 'yan ang gusto kong sabihin sa 'yo." Kumunut ang nuo niya. "Dating Agent ang ZFOAR."

"Ano?!" Natawa ako sa reaksyon niya.

"AGENT naman ang grupo na TIGER."

"TIGER? 'Yong kalaban ng ZFOAR? 'Yong grupong laging magkaaway?"

"'Yan nga pero nagsanib pwersa na ang dalawang grupo para tukuyin kung sino nga ba ang may pakana ng lahat. Nakita mo naman na si Range at Kesler diba? Pati sila nandito din para sa misyon. Pero umalis si Kesler at si Range nalang ang naiwan. Hindi tayong dalawa lang ang maghahanap kung sino ang may pakana ng lahat ng gulo. Kasama natin si Range, ang ZFOAR at ang TIGER."

Sabay kaming napatingin sa may pinto ng pumasok si Felix. "Pinatawag kayo ni Zero." Bago siya tumalikod at umalis.

Nagkatinginan kami ni Ella at sabay na umiling. Napakasungit ng lalaking 'to. Umalis na rin kami at pinuntahan si Zero. Napatingin naman ako kay Wendy na kinukulit ang Kuya niya.

"Sige na Kuya! Isama niyo na ako! Bigla nalang kasi kayong nawala. Sige na!"

Si Monica at Rulls na magkatabing naglalakad habang parehong tahimik at nagkibit balikat.

Napatingin ako sa paa ni Rulls dahil doon siya nakatingin. Gusto kong matawa nang mapansin na sinusubukan niyang sabayan ang paglalakad ni Monica. Kung kanang paa ay kanang paa rin sa kaniya kung kaliwa ay kaliwa rin.

Nakita rin iyon ni Ella. Nang akmang mang-aasar siya ay tinakpan ko ang bibig niya at hinila siya bago kami sumabay ng lakad kay Zero.

Nang makarating na kami sa isang silid ay pumasok kaming lahat. Nando'n na ang TIGER, maliban kay Gendi at Eugene para siguro bantayan ang kuta nila at ang mga kasamahan.

Umupo na kaming lahat. Tumayo naman si Aris at tumingin sa 'ming lahat. "Ako na ang magsasalita. Dahil tamad tumayo si Zero at tamad magsalita si Felix. Napakasipag talaga ng mga kaibigan ko. Ikaw naman Wendy." Tumingin siya sa kapatid. "Tsismosa kang babae ka. Nakikisali ka pa. Napaka-bad influence mo talaga Ella."

"Anong ako? Huy baboy! Wala ka talagang ibang makausap kaya ako ang pinagt-tripan mo 'no?" At ito na naman. Nag-away na naman ang dalawa.

"Direct to the point Aris." Pagpapatigil ni Zero sa kanila.

Sumeryoso naman si Aris. "May masamang balita kami at may maganda rin naman. Ang maganda ay may nakitang katawan na walang buhay sa kagubatan. Pwede natin itong imbestigahan."

"Kailan pa naging magandang balita ang may namatay?" Siniko ko naman si Ella dahil sa sinabi niya.

Kita ko naman ang pagpigil inis ni Aris. Hindi nalang pinansin si Ella dahil baka magalit si Zero dahil ang dami pang usapan. "Ang masamang balita naman ay nawawala si Oliver. Nasa kaniya ang mga nakuhang litrato at ebidensya."

"Na sa 'kin ang ebidensya. Na kay Oliver ang mga litrato." Tumango ako dahil sa sinabi ni Range. Mukhang sinecure na nila.

"Nawawala si Oliver?" Lahat kami napatingin ng marinig ang mahina at mahinhin na boses ni Wendy.

"Tama, nawawala siya. Kaya kailangan natin siyang hanapin. Hindi dahil nasa kaniya ang camera. Kun'di dahil kaisa natin at kaibigan si Oliver."

"Sasama ako!" Nagtaas kamay si Wendy.

"Wendy! Hindi!" galit na sigaw ni Aris sa kapatid.

"Sasama ako Kuya! Hindi pwedeng mapahamak si Oliver!"

"Hindi nga sabi Wendy! Pa'no naman kapag ikaw ang mapahamak ha?!"

"Wala akong pakialam!"

"Let her Aris," pagpigil ni Zero. Mukhang naririndi na sa sigawan ng magkapatid.

"Pero Zero," nanlumong pagpigil niya.

"Hindi mahina ang kapatid mo kung iyan ang iniisip mo Aris. Ang pag-ibig ang nagbibigay lakas sa isang tao. Mahal mo si Oliver? Kaya hahanapin at ililigtas mo siya?" Nahihiyang tumango si Wendy pinigilan ang tumingin sa Kuya niyang galit. "Patunayan mo. Iligtas mo siya."

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now