•°Wendy's Missing°•

64 3 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 29

AYMTHE POV

"Kung gano'n, madami naman tayo. Hahatiin natin sa dalawang grupo." Tumango si Zero dahil sa sinabi ko para sa pagsang-ayon. "Nahahati sa dalawa. Ang unang grupo ang mag-e-examine sa katawan ng walang buhay na babae, at tingnan'g mabuti ang ebidensya. Ang pangalawang grupo ang maghahanap kay Oliver. Ayos ba sa inyo?"

"Ayos lang."

"Mabuti 'yan."

"Ella, Range, Ien at Aris. Sa laboratory kayo. Ako si Zero, si Terron, Felix, Rulls at Wendy sa paghahanap kay Oliver tayo."

"Ano?! Sasama ako sa paghahanap! Babantayan ko ang kapatid ko!" pagreklamo ni Aris.

"Kaya ko na ang sarili ko Kuya!"

"Kailangan ka sa laboratoryo Aris. Ikaw lang ang may alam kung saan nilalagay ang mga gamit para mapadali sila Ella. Alangan namang habang nag-e-examine ay naghahanap din sila." Napaupo siya dahil wala na rin siya magagawa. "Ella at Range, kayo na ang bahala. Ien, tulungan mo Aris. And the rest, maghanda na kayo."

Umalis na ang iba. Habang ako ay nakatingin kay Ella. Sumabay ako sa kanila nasa likod ko naman si Zero. May binuksan silang maliit na pinto sa paanan bago namin nakita ang isang hagdanan patungo sa ibaba.

Nang nasa ibaba na kami ay sinuot na nila ang lab gown nila. Nakahiga na rin ang katawan nang babae roon. Nagsuot ng mask at gloves si Ella. Sinuot niya rin ang googles niya. Nakatingin lang kami rito sa may glass wall habang naghahanda na sila.

Tinapik naman ni Zero ang braso ko para sabihin kailangan na naming umalis.

Hinanda na namin ang mga gamit na pwede naming gamitin kung sakali mang may makabangga kaming kalaban. Nakatingin lang ako kay Wendy na hawak ang palaso. Mukhang hindi niya alam kung pa'no ito gagamitin.

"Hayaan mo siya. Kaya niya ang sarili niya."

"Baka kasi mapamahak siya."

Umiling si Zero at tumingin kay Wendy. "Hindi 'yan. Kung mapapahamak man siya. Hinding-hindi siya pababayaan ni Oliver."

"Anong hindi siya pababayaan ni Oliver?" nagtataka ako sa sinabi niya. Pa'nong hindi pababayaan? Nawawala nga si Oliver.

Ngumiti lang siya sa 'kin at nilapitan ang mga kasamahan namin. Nang mahanda na namin lahat ay umalis na kami roon. Tinungo namin ang kagubatan. Parang pabalik balik lang ang ginagawa namin.

"Sa palagay niyo? Talaga bang nasa kagubatan si Oliver?" tanong ni Terron.

"Wala," sagot ni Zero.

"Kung wala naman pala. Bakit tayo nandito?" tanong naman ni Wendy.

Nagkatinginan kami ni Felix. Kami lang yata ang nakaintindi sa balak ni Zero. Kung bakit sa kagubatan kami naghahanap.

"Sigurado akong tatakas si Oliver sa kamay ng mga kalaban. Kung tatakas man siya. Wala siyang ibang dadaanan kun'di dito sa kagubatan."

Tahimik lang kami. Napapagod na rin sa pag-ikot-ikot. Pakiramdam ko tuloy na memorise ko na ang daan dito sa kagubatan dahil sa ginagawa namin.

Huminto naman si Terron habang nakahawak sa t'yan niya. "Hindi ka pa magaling. Bakit ka ba kasi sumama?" tanong ko sa kaniya.

"Kaya ko naman. Saka kailangan nating hanapin si Oliver para magawa na natin ang plano."

Kahit na ilang beses na kaming nag-ikot-ikot ay wala parin kaming napala. Agad kaming naalerto nang marinig ang malakas na tili ni Wendy. Nang tingnan ko siya sa likuran ay wala na siya roon.

"Shit! Shit! Shit! 'Yong kapatid ni Aris!" sigaw ni Terron. "Huy! 'Yong kapatid ni Aris!" sigaw niya kay Felix at Zero na nakatayo lang at walang ginawa. Nasa tabi ko naman si Rulls na tahimik lang rin.

Ako din nalilito. Ngunit pinanitili ko nalang na 'wag magsalita. Umalis na kami roon at bumalik sa paaralan. Binalikan namin sila Aris. Pinalabas muna namin sa laboratoryo.

"Nasa'n si Wendy?" takang tanong niya ng mapansin na hindi namin ito kasama.

"Nakuha siya," walang pakialam na sabi ni Zero.

"Anong nakuha? Tangina! Bakit?" Kinuwelyuhan niya si Zero na walang emosyon lang na nakatingin sa kaniya.

"Hindi namin siya kargo. Siya ang nagpumilit na sumama." Inalis niya ang pagkahawak ni Aris sa kaniya. "Hayaan niyo siya. Kaya niya ang sarili niya."

"'Yan din ang sinabi mo!"

"Tama na Aris," pagpigil ni Rulls. "Ano bang plano mo Zero? Pati ako nalilito na rin."

Umupo si Zero at pinagsiklop ang kamay niya at pinatong sa mesa.

"Hindi natin nahanap si Oliver. Ibig sabihin niyan hindi siya tumakas sa mga taong kumuha sa kaniya."

"Tapos?" takang tanong na rin ni Ella habang hawak ang braso ni Aris. Pinapakalma niya.

"Gayong nawawala si Wendy. Ibig sabihin iisang tao lang ang kumuha sa kanila. Magkasama ang dalawa roon. Walang plano na umalis at tumakas si Oliver. Pero kapag nakita niya si Wendy doon ay paniguradong maghahanap iyon ng daan para makatakas. He can't risk Wendy's life. Tatakas silang dalawa panigurado. Mamayang gabi, aalis tayong lahat. Hahanapin natin sila."

"Ginawa mong pain ang kapatid ko?" galit na tanong ni Aris. Namumula na ang mukha nito dahil sa pagpipigil na galit. "Babae 'yong kapatid ko Zero! Alam mo ang mga nangyayari sa mga babae dito sa Easton! Bakit ba kailangan siya pa?!"

"May iba ka bang naiisip na pwedeng gawin? Kailangan nating mailigtas si Oliver. Ngunit si Oliver lang ang makakaligtas sa sarili niya. Saka nga lang. . . si Wendy ang may gusto no'n diba? Hindi ko siya ginawang pain. Siya ang pumiling maging pain."

"Tangina naman nito. Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko. Tandaan mo 'to Zero! Ako mismo ang papatay sa 'yo!"

"Tama na 'yan." Pumagitna ako sa dalawa. "Wala tayong ibang choice kun'di ang gamitin nalang ang naisip na plano ni Zero. Nangyari na. Wala na tayong magagawa." Tahimik lang siya na parang pagod nang makipag argumento. "Kumusta naman ang pag-iimbestiga niyo sa katawan?"

"May nakita kaming kakaiba," sagot ni Ella.

"Anong kakaiba?"

"Hindi pa namin sure kung ano pero may kutob na kami ni Range kung ano iyon. Saka na namin sasabihin sa inyo kapag sigurado na."

Tumango ako. "Magpapahinga nalang muna tayo dahil mamayang gabi hahanapin natin si Wendy at si Oliver."

"Ligtas lang si Wendy," rinig kong bulong ni Ella kay Aris. Dahil katabi ko lang naman sila ay narinig ko. "Kaibigan mo si Oliver diba? Wala ka bang tiwala sa kaibigan mo? Dating Agent si Oliver kaya paniguradong magaling 'yon. Kaya niya 'yon. Kaya niya. Maayos lang ang dalawa." Pagpapagaan niya sa loob ni Aris. Pumikit naman ito.

Ako din. Hindi aakalain na magiging pain si Wendy para mahanap si Oliver. Ngayon naman dalawa na silang nawawala. Dalawa ang hahanapin namin.

Sana, sana umaayon sa plano ni Zero ang lahat. Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Wendy lalo na kay Oliver.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now