•°TIGER°•

83 2 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 16

RANGE POV

Kung ano man ang plano ni Wicked ay hindi ko rin alam. Pinatungo niya kami ni Kesler rito para bantayan at pangalagaan ang TIGER sa pagkakaalam namin ay ang TIGER ang kalaban dito pero bakit kailangan namin silang bantayan?

Napatingin ako kay Kesler ng makita ko siyang nakatayo sa may 'di kalayuang pwesto. Nagyoyosi ito habang nakasandal sa isang puno.

"Musta, dude?" Tinapik ko ng balikat ni Kesler bago sumandal sa punong katapat na sinasandalan niya.

"May patutunguhan ba ang misyon na 'to?" takang tanong niya sa 'kin.

"Meron." Napaayos kaming dalawa ng tayo ng makita namin si Wicked na palapit sa 'min.

Nasa madilim na bahagi siya pero nakikita parin namin siya dahil sa kinang ng kutis niya. Nakaleggings at croptop ang suot nito. Kahit naka masquerade mask ito ay hindi parin natatakpan ng maskarang iyon ang kagandahan niya.

Siya ang Chief Agent namin. Siya ang nagmamay ari ng Golden Bullet.

"Wicked."

"Ang purpose ng misyon na ito ay magkaisa sila. At 'wag niyo ng tanungin kung sino ito dahil alam kong alam niyo na ang tinutukoy ko."

Napatango kami ng wala sa oras dahil sa lamig ng boses niya. Napaigtad si Kesler ng kinuha ni Wicked ang sigarilyo na hawak niyo bago pinatay at tinapon kung saan.

"Masama sa kalusugan ang paninigarilyo." Tinapik niya ang braso ni Kesler na hanggang ngayon ay na s-starstruck parin sa ganda ni Wicked.

Nang nakaalis na si Wicked ay tinapik ko ang balikat ni Kesler dahilan para matauhan ito.

"Gago! 'Yong mata niya! Kulay blue!"

Blue? Kulay blue ang mata niya? Well 'di ko alam.

"Akala ko brown. Pero ng sobrang lapit ng mukha niya do'n ko nalaman na kulay blue pala."

"Wala kanang pag asa do'n dude." Mahina naman niya akong binatukan dahil sa sinabi ko. "Sa pagkakaalam ko. May boyfriend na daw si Wicked. Akalain mo 'yon may nakatiis pala kay Wicked. May pumasa sa standard no'n "

"Ang swerte ng mga Special Agents 'no? Nakita na nila ang mukha ni Wicked."

"Nagkataon lang naman daw." Sabi ko at iniwan na muna roon si Kesler dahil may mga kailangan pa akong hanapin.

"Terron." saktong nakasalubong si Terron na papunta sana sa kubo nina Aymthe.

Huminto ito at napatingin sa 'kin bago ngumiti at lumapit. "Why?"

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya.

"E che check ko lang 'yong dalawang bagong miyembro." sagot niya bago ako nilagpasan at nagtuloy tuloy na siya.

Paktay ka! Sana maayos ang dalawang 'yon doon sa kubo. Kahit na walang sinabi si Terron at sumunod parin ako sa kaniya. Pwede ko silang pagtakpan. Kakatok na sana si Terron ng biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa 'min si Amythe.

Hindi ako makapaniwalang nagpagupit siya ng buhok para sa misyon na 'to. Pero kahit gano'n bagay naman sa kaniya. Hindi nga lang masyadong pantay ang pagkagupit. Tatawanan ko talaga kung sino man ang gumupit sa kaniya.

Tumingin si Amythe sa 'kin. Mukhang narinig na niya kami malayo palang si Terron kaya siya lumabas. "Hindi ka pa tulog?"

"Hindi ako makatulog," malamig na sagot ni Aymthe rito. "Tulog na si Ara 'wag na nating gambalahin." Tumango si Terron.

"Kung hindi ka makatulog... samahan mo 'ko. Magpapaantok tayo." Mukhang alam kuna ang ibig sabihin no'n. Nang makalayo na sila ay pumasok ako sa loob ng kubo. Napansin kong nakahiga si Zero habang nakataklubong ng kumot.

Alam kong gising pa ito dahil sa paghinga niya. "Si Range 'to." Agad naman siyang napaupo at tumingin sa 'kin.

Kaya naman pala si Aymthe ang sumalubong sa 'min dahil tinanggal na ni Zero ang wig na suot niya. "Tangina no'n kinabahan ako. Ang talas ng pandinig ni Aymthe."

"Sigurado naman ako na pati ikaw matalas din ang pandinig."

"Hindi ah. Hindi ko natutunan 'yan."

"Sabagay. Oh siya. Ibalik muna sa 'yang wig mo."

"Matutulog na ako. 'Di ba pwedeng saka ko na ibabalik kapag umaga na?"

"Alam mo naman ang nangyari diba? Pinasukan mo 'to. Bakit ka ba kasi nakisali? Si Aymthe lang naman ang dapat nandito."

"Pakialam mo ba?" Padabog niyang kinuha ang wig niya at sinuot. Tinulungan ko narin siya. Umalis na ako pagkatapos roon. Pinuntahan ko si Aymthe para bantayan. Nagtatagay sila. Umiinom mukhang may balak si Terron na lasingin si Aymthe.

"Ikaw Range? Hindi ka iinom?" Baling niya sa 'kin.

"Alam mong hindi ako umiinom Terron." Tumango naman siya at nagpatuloy sa pag-inom.

Binabantayan ko sila pareho. Medyo tumatagal na rin ako rito kaya alam kong malakas sa alak si Terron. Ngunit hindi niya kilala si Aymthe. Hindi niya mapipikot ito. Kahit na lasing pa 'yan ay nasa tamang pag-iisip parin.  

Ilang beses na namin siyang sinubukan pero sa huli nagigising nalang kami na masakit ang ulo at walang maalala. Kaya simula no'n hindi na ako uminom dahil sa kahihiyan na nangyari sa 'kin no'ng lasing ako.

Hinanap pa namin no'n si Kesler. Si Aymthe lang ang nakasagot dahil kahit na nakainom siya ay binantayan niya kami. Pero hindi siya nakialam sa kung anong gagawin namin.

Si Terron ang binabantayan ko dahil paniguradong kaya naman ni Aymthe ang sarili niya.

"So may tanong ako." Winagayway pa ni Terron ang kamay niya sa harap ni Aymthe.

"Ano 'yon?" kalmadong tanong ni Aymthe rito bago uminom ng alak.

"Bakit kayo nandito?"

"Sinabi na namin iyon. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka."

Tumango si Terron habang patuloy parin sila. Hanggang sa nahalata na ni Aymthe na lasing na si Terron kaya siya naman ang kumilos.

"Kayo. Anong ginagawa niyo rito?"

"Maghihigante kami," simpleng sagot ni Terron. "Pagbabayarin ko ang may gawa ng kamalasan sa paaralan na 'to. At ang ZFOAR ang mga iyon."

Tumango si Aymthe. Nag-iisip kung ano ang sunod na itatanong. Hinayaan ko nalang sila. May tiwala naman ako kay Aymthe. Ilang saglit pa silang natahimik bago ko ulit narinig ang usapan nila.

"Pa'no nabuo ang TIGER?"

Agad akong napatingin kay Aymthe dahil sa tanong niya. Patay ka d'yan Terron. Umayos ka.

"Hindi ko alam. Isang iglap lang no'n... grupo na kami," mahabang katahimikan. "May isang babae ang lumapit sa 'kin no'n. Sinabing gusto ko ba daw maging kaisa nila. Dahil na-bored ako sumama ako sa kaniya. Doon ko nakilala ang iba ko pang ka-grupo. Ayon, naging TIGER kami dahil kay Wicked."

T-tangina?

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now