•°Behind The Killing°•

64 1 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 37

AYMTHE POV

"Papa, may itatanong lang sana ako."

"Papa? Hmm, mas maganda pakinggan," nakangiti niyang ano. "So? Anong tanong ng panganay ko?"

"Investor kayo rito sa Easton diba?" Tumango siya. "Kilala niyo po ba kung sino ang Owner ng school na 'to?"

"Dati. 'Yong dating owner ang kilala ko. Pero bininta daw nito at may bagong humahawak na sa Easton. Hindi ko naman binitawan ang pag-i-invest sa school dahil nandito naman nag-aaral si Monica."

"Pwede po bang humiling?"

Kumunut ang nuo niya. "Ano iyon?"

"Papa," malambing kong tawag. "Alam niyo po ba ang nangyayari sa paaralan na 'to? 'Yong mga nawawalang babaeng estudyante?"

"Nag-alala ka sa kapatid mo?" pigil ngiti niyang tanong.

Napakagat labi ako. "Hindi naman sa nag-alala ako. Basta. Papa, pwede bang. . . hanapan mo nalang ng ibang paaralan si Monica? 'Wag dito sa Easton."

"Maayos naman si Monica rito. Iyon ang sinabi niya sa 'kin. Saka panganay kong dalaga, graduating na ang kapatid mo. Grade 10 na siya. G-graduate na."

Mukhang hindi ko sila kayang pakiusapan na umalis rito. Ang kaya ko lang sigurong gawin ay tapusin ang gulo ng paaralan na 'to. Para mapanatag akong walang mangyayaring masama sa kapatid ko.

"Ilang taon na pala si Rulls?" Tanong ko kay Zero habang naglalakad kami pabalik sa mga kasamahan namin.

"21," simpleng sagot niya.

"5 years gap," wala sa sariling sabi ko.

"4 years lang. Bago palang nag twenty one si Rulls. Mag s-seventeen naman ang kapatid mo." Tumango ako.

"Eh ikaw? Ilang taon kana?"

Napangiti siya at hinarap ako. "Bibilangin mo ba ang gap natin?" Ramdam ko nalang ang braso niya na inakbayan ako. "Age doesn't matter naman, Love."

"Love?" Napangiwi ako at kunwaring nandidiri. "Kadiri ka."

"Grabe makadiri 'to!" pagmamaktol niya

Naghanda na kami lahat para sa party na gaganapin. Madaming tao. Halos lahat yata ng estudyante nandito. Pero kahit gano'n na marami kami rito ay hindi naman masikip. Sakto lang para sa 'min. Naghiwa-hiwalay kaming lahat.

Kasama ko naman si Zero sa iisang table. Palihim kaming nakamasid. Tinitingnan kung meron bang mga kakaiba rito o kahina-hinalang gumagalaw. Ngunit normal na party lang naman ang lahat.

"Wine miss?" Sabay kaming napatingin ni Zero sa isang waiter na lumapit sa 'min. Ngumiti ako at kumuha ng isa pati na rin si Zero bago kami nagpasalamat.

Napabuga ako ng hangin. Inikot ikot ko ang laman ng wine bago ito ininom. Ngunit bago ko pa ito mainom ay may umagaw na sa inumin ko. Pati na rin kay Zero.

"Kesler?" Bakit siya nandito? Akala ko ba hindi na muna siya sasali sa misyon dahil gusto niyang makasama ang babaeng binabahay niya. 'Wag niyang sabihin na nag-away sila?

"May drugs 'to." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Drugs?" kunut nuong tanong ni Zero.

"Sex drugs."

Agad naming hinanap ang iba. Ngunit nakainom na si Oliver, Eugene, Gendi, Rulls at Felix. Halos lahat na lang yata ng kasama namin nainom na iyon.

Pinaliwanag nila lahat. Kinulong nila ang lima sa isang kwarto. May in-inject sa kanilang pampatulog. Para hindi sila makagawa ng kung ano.

"Mawawala rin ang epekto ng droga," siguradong sabi ni Wicked. "Makakauwi ka na. Salamat sa pagpunta rito," pagkausap niya kay Kesler.

Tumango naman ito at umalis na. Kaya pala siya nandito kasi inutusan siya ni Wicked.

"Alam mo na ba ang puno't dulo ng lahat Wicked?" tanong ni Range.

"Hindi," simpleng sagot niya. "Nagduda lang ako kung bakit kayo nag-request sa 'kin na magdala ng sex drugs. Parang may kutob na ako. Kaya pinapunta ko rito si Kesler. Dapat mga 30 minutes kailangan niyang pumunta sa party para pigilan ang mga kasamahan niyo. Ang maaari niyo na lamang gawin ay mag-ronda. 'Wag niyong hahayaan na may mamatay na naman. Aalis na ako. May sisilipin pa akong mga misyon." Umalis na rin siya pagkatapos.

Sinunod namin ang sinabi ni Wicked. Sinigurado naming walang mamatay ngayong party na 'to. Kasama ko si Zero sa may likod ng paaralan para silipin kung may tao ba rito. Hanggang sa napansin ko ang dalawang tao sa may gilid. Nakasandal ang babae habang kinorner siya ng lalaki. Basi sa pigura nila ay naghahalikan ang dalawa. Kinuha ko ang injection bago lumapit sa kanila. Tinusukan ni Zero ang lalaki at sa babae naman sa 'kin.

Inakbay ko ang babae at pumasok kami sa dorm. Buti nalang talaga may mga suot na ID silang lahat kung hindi baka mahirapan kaming hanapin kung nasa'n ang dorm nila.

Nang tahamik na ang lahat ay may liwanag na yata kami nakapagpahinga lahat. Nang nag tanghali na ay pinatawag ang lahat ni Zero para magpulong. Tapos na rin naman kaming kumain.

"Halatang-halata na ang nangyari kagabi. Siguro naman alam niyo na kung bakit may na-r-rape at namamatay."

"Conclusion palang 'to. Di ako sure," kumunut nag nuo ni Felix na para bang nag-iisip siya. "Umeepekto sa kanila ang droga. Nawawala sila sa sariling isip kaya nakakagawa ng masama. Hindi nila alam ang ginagawa nila kaya kada umaga, kapag nagising na sila sa espirito ng droga na 'yon. Saka nila nalalaman na may nagahasa sila. Dahil sa taranta at kaba. Ayaw nilang makulong, kasi kapag binuhay nila ang babae baka kasuhan siya. Kaya ang ginagawa nila. Pinapatay para tumahimik."

"Tama ka," pagsang-ayon ni Zero.

"Ang ibig sabihin. . . ang suspek sa kasong 'to ay mga estudyante ng Easton." Tumatango tango naman si Terron na parang na-ge-gets na niya.

"Anong kailangan natin gawin?" tanong ni Rulls.

"Sigurado akong isa lang ang may pakana nito. Ang supplier nang droga na 'yon. Siya ang dahilan. Ang kailangan nating gawin ay mag imbestiga pa. Hanapin at kilalanin siya. Saka tayo mag-iisip ng plano kung pa'no siya mahuhuli." Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Felix.

Mukhang tama nga si Wicked sa kaniya. Kaya pala sobrang laki ng tiwala nito kay Felix. Close kaya ang dalawa? Alam na kaya ni Felix ang mukha ni Wicked?

Umalis na din ang iba. Nagkaniya kaniya nang umalis. Napatingin ako kay Felix at lumapit sa kaniya. Kinalabit ko siya. Napatingin naman siya sa 'kin.

"May tanong ako," ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kaniya.

"Spill."

"Special Agent ka diba? Sinabi kasi nila na lahat daw ng Special Agent nakita ang mukha ni Wicked. Nakita mo ba?"

Bumalatay ang inis sa mukha niya. "Iyon na nga e! Hindi ako nakaabot. Panira," nakanguso niyang sabi.

Napatawa ako. "Cute ka pala 'no?"

"Oi! Oi! Oi! Dumistansya ka ng k'unti. Gusto ko pang mabuhay." Natarantang sabi niya bago tumayo.

Saka ko naman nakita si Zero sa likod ko. "Cute siya?" Nagkasalubong ang kilay nito.

"Oo," ngumiti ako.

"Siguro gusto mo siya 'no? Napabilib ka ba sa mga sinabi niya kanina?" Nagtaka ako bigla dahil para siyang batang nagmamaktol. "Hmp! Mas magaling ako do'n. Magsama kayong dalawa." Bigla na lamang siyang umalis.

Problema no'n? Tinupak bigla? O baka hindi natunawan sa kinain?

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now