•°Plan°•

91 3 0
                                    

TWIHY: CHAPTER 14

AYMTHE POV

Dumating na sila ngunit walang imikan parin kami ni Zero. Umupo agad sila at kumain ng prutas habang hinihintay ang sasabihin namin. Napabuntong hininga nalang ako at napag isip isip ko na ako nalang ang magsasabi mukha kasing nakain na ni Zero ang dila niya at hindi na ito nagsasalita.

"Kailangan natin makapaghanap ng spy," pagbasag ko sa katahimikan.

"'Yong si Range?" napatingin ako kay Zero ng magsalita ito.

Range? Bakit kilala niya si Range?

"Anong kinalaman ni Range rito?" saka ko siya hinarap.

"Siya ang gawin nating Spy."

"May ibang misyon siya. At hindi ikaw si Wicked para makapag utos sa kaniya. Kailangan natin maghanap ng pwedeng maging Spy sa kanila."

"Gusto ko sana kaya lang kilala na nila ako," sabi ni Oli.

"Ako nalang," sabi ko sa kanila.

"Ano?" takang tanong ni Zero, "Kilala ka nila nakalimutan mo 'atang—"

"At sino naman nagsabi sa 'yong pupunta ako roon ng walang plano?" natahimik siya sa sinabi ko, "Hindi ako magiging si A³ kung walang dahilan," mayabang ang pagsabi ko sa kaniya.

"A³ Sino 'yan?" tanong ni Rulls.

"Sama ako."

"Kilala ka na nila—"

"At sino namang nagsabi sa 'yong pupunta ako roon ng walang plano?" pagbabalik niya sa sinabi ko.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Medyo lumalalim na ang gabi kaya natulog nalang muna kami at ipagpatuloy ang pag uusap namin bukas. Kailangan ko ring makapag isip ng plano para matapos narin tong misyon ko at gustong gusto ko na talagang matulog nalang.

Sarap mag resign kaya lang ang pagiging Agent ko lang ang bumubuhay sa 'kin.

FLASHBACK

Kahit na antok na antok na ako ay bumangon parin ako para maabot ko ang cellphone kung kanina pa tumutunog. Hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino ang tumawag dahil sa sobrang antok.

"May misyon ka," para akong nagising ng marinig ko ang boses ni Wicked.

Napaayos ako ng tayo saka umupo sa study table ko at binuksan ang laptop bago ko chineck ang Email. At may natanggap nga ako mula sa kaniya.

"On the way," sagot ko bago pinatay ang tawag.

Agad akong nagtungo sa may banyo para maligo tinuyo ko ang katawan ko pagkatapos bago ako nagbihis pagkalabas ko sa condo ko ay agad akong sumakay sa motor kong naka park.

Pinaharorot ko ito papunta sa GB iniscan ng gate na ito ang motor ko bago ito bumukas, ganyan sila ka secure pero hindi talaga 'yong gate ang nang scan. I don't know kung saan.

Pagkapasok ko palang ay pinark ko na kaagad ang motor ko bago nagtungo sa opisina ni Agent Wicked.

Nakaupo siya sa swivel chair niya habang nakatuon ang atensyon sa kaharap niyang laptop. Naka masquette siya kaya hindi ko makita ang buo niyang mukha.

Pero basi sa katawan at sa ibabang mukha niya ay maganda siya. Sobrang ganda!

"Anong klaseng misyon?" tanong ko at umupo sa tapat niya.

"Nabalitaan ko maraming namamatay na estudyante sa Easton University. At kadalasan mga babae basi sa mga examine namin ay ginalaw sila ginahasa muna bago patayin. Kaya ang misyon mo ay hanapin ang may pasimuno ng lahat ng ito," paliwanag niya.

"May clue kaba?"

"Oo lalaki sila." sarkastikong sagot niya

"E alangan namang babae ang gagahasa sa kapwa babae," saka ko siya inirapan.

"Alam mo pala e edi yan ang gamitin mong clue. Lalaki ang may pakana pero maghinay hinay ka baka magkamali ka ng hinala."

"So may clue kana talaga sa lahat?"

"Hindi ako magiging Agent kung wala." Malamig niyang sabi saka umayos ng upo at tiningnan akong mabuti.

"You mean?"

"Ito ang Special Mission mo, Agent A³... Nabalitaan mo naman siguro na kadalasan sa mga Elite Agent ay naranasan na ang Special Mission pero meron ring hindi pa naranasan ang Special Mission kaya kailangan mong malampasan lahat ng ito. Goodluck! Agent A³" tumango naman ako bago nagpaalam sa kaniya at umalis na roon.

END OF FLASHBACK

At ito ang Special Mission ko bilang isang Elite Agent. Kailangan kong lampasan ito at lutasin ang misyon na ito. At sabi nga niya wag akong masyadong magtiwala sa sinabi niya.

Dahil sa sinabi niyang lalaki ang clue ay sa lalaki na talaga ako tutuon baka babae pa ito o bakla o kung ano pa man. Basta kailangan ko lang talagang mag isip bago kumilos.

Inayos ko na ang sarili ko sa harap ng salamin. Lumabas ako sa kwarto at nakita ko silang lahat sa may dining kumakain na sila habang si Zero naman ay tanging Apple lang ang kinakain.

"Saan punta mo?" tanong ni Aris.

"May kakausapin lang ako." Sagot ko at kumuha ng isang Mansanas saka ko ito kinagatan bago umalis roon.

Nagtungo ako rito sa sofa kung saan ako bumagsak ng tinulak ako ni Zero nandito pala ang daan palabas at papasok. Kaya pala nakakataka at kaharap ng sofa na 'to ang dingding.

Sliding door siya at magkakulay ang pintura at kulay ng pinto kaya hindi mo siya mahahalata. Binuksan ko na ang pinto and then nasa labas na ako.

Pagkalakad ko palayo ay may narinig akong naglalakad. Inihanda ko ang paa ko ng maramdaman kung nasa malapit na siya agad akong humarap sa kaniya at sinipa siya bago umikot ulit at sinipa na naman siya ngunit nagulat ako ng nahuli ang hita ko.

Napatili ako ng pinulupot niya ang hita ko sa may bewang niya kaya hindi ko mapigilang hindi mapakapit sa leeg niya dahil sa sobrang gulat ko.

"Aymthe." Agad akong bumaba ng marinig ko ang boses ni Range.

Napalunok muna ako bago ko siya hinarap nakapamulsa lang itong nakatingin sa 'kin.

"May naisip na kaming paraan," diretsong sabi ko

"Ano iyon?" he asked.

"Mag d-disguise kaming dalawa 'yong hindi kami makikita. But we need your help hindi namin alam kung pa'no kami makakapasok doon."

Tumango naman siya saka sumandal sa isang puno habang nakatingala halatang nag iisip.

"Sige tutulungan ko kayo," umayos siya ng tayo, "Naghahanap rin kasi ng iba pang kakampi ang TIGER para pabagsakin ang ZFOAR."

"Hindi talaga sila titigil," tiim bagang sabi ni Zero. Bigla bigla nalang sumusulpot.

"Yeah hindi sila titigil hanggat hindi nila kayo napapabagsak."

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: The Way I Hate You || COMPLETED ||Where stories live. Discover now