"Sigurado ka bang ayos ka lang dito, Raine?" Nag-aalalang tanong saakin ni Ava. Nasa likuran nya ang asawa nyang tahimik lang at walang emosyong makikita sa mukha nya habang buhat buhat ang kanilang lalakeng anak na nakatulog na.
Tumango ako sakanya at ngumiti pero halatang hindi sya kumbinsido sa ngiting ibinigay ko kaya mas lalo nya lang akong nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Dadalawin ko kayo dito paminsan minsan, ha? At wag kang magdadalawang isip na tawagan ako kung may problema o kailangan ka. Magkaibigan tayo.... tandaan mo 'yan." She gave me a last hug before turning her back at me at walked outside my house together with her husband.
Pumasok na ang kambal ko na pawisan, nakipaglaro kasi sila kay Khalil habang nag-uusap kami kanina dito nila Ava.
Nakakainggit nga, eh. Dalawang beses na tumakbo si Ava palayo sa asawa nya ngayon pero talagang mahal sya ni Khalid kaya sinundan talaga sya rito sa Cagayan.
Habang pinagbubuntis ni Ava ang pangalawa nilang anak ay dito sya nanirahan dahil tinakasan nya ang asawa nya pero hindi naman sya nagtagumpay dahil nahanap din sya.
Ako? Umalis kaagad kami ng mga anak ko sa Palawan nang minsan kong makita sya na naglilibot malapit sa bahay namin. Para syang may hinahanap at hindi naman sya nag-a-assume akong ako 'yong hinahanap nya pero sinong ipinunta nya roon?
Natatakot akong makita nya ako at ang mga bata. Wala syang naaalala at kahit pa bumalik na ang alaala nya ay hindi na ako babalik sakanya. Sobra na akong nasaktan at hindi ako gusto ng magulang nya. Nang magka-amnesia sya dahil sa isang aksidente ay doon na nawala ang alaala nya.
Ako ang sinisi ng mga magulang nya dahil kung hindi ko lang daw sana sya inutusan na bumili ng pagkain ko dis-oras ng gabi ay hindi sana sya maaksidente.
Noong time na 'yon, hindi ko alam na buntis na pala ako. Sinisi ko din ang sarili ko dahil sa nangyari... Pero 'yong pinakamasakit na nangyari kaya ayaw ko na syang balikan ay 'yong ginawa ng mga magulang nya...
They want me to abort our kids. Napakawalang awa nila. Noong magising ang asawa ko ay sobrang saya ko pero nang makita nya ako ay biglang nag-iba ang mukha nya. Nagtataka sya kung bakit ako naroon at kung sino ako. Doon nila sinabi na nagka-amnesia sya.
Kahit anong pilit kong ipilit sakanya na ako ang asawa nya at sinabi ko pang buntis ako ay wala talaga syang naaalala. Lagi nya akong sinisigawan at lagi nyang pinapatawagan ang ex nya... Na akala nya ay girlfriend nya parin.
Kinarir din masyado ni Lorraine ang pagsisinungaling nya sa asawa ko. Talagang sinabi nyang sila daw dalawa at magpapakasal na sana... Pati ang mga magulang nya ay ganoon din ang sinabi.
Hindi ako sumuko noong una at pilit na ipinagpilitan ang sarili ko at umaasa na maalala nya na ako... Maalala nya na ang asawa nya. Pero walang nangyari. Mas lalo syang nagalit saakin dahil daw sa pagsisinungaling ko at sinisira ko daw silang dalawa ni Lorraine. Hindi nya alam... Si Lorraine ang sumisira saamin.
Nawalan ako ng pag-asa. Lalo na nang malaman kong naghahanda na sya para sa pakikipaghiwalay saakin. Noong nalaman nyang totoong kasal kami ay mas lalo lang syang nagalit. Nagdesisyon syang mag-file ng annulment dahil na rin sa panglalason ng magulang nya at ni Lorraine sa utak nya.
Umalis kaagad ako nang hindi ko na kinaya. Sobrang nai-i-stress na ako sa mga nangyayari noon kaya pinili ko nalang na umalis na dahil baka kung ano pang mangyari sa ipinagbubutis ko noon.
Mahirap ang naging karanasan ko habang pinagbubuntis ko ang kambal lalo na't mag-isa lang ako at walang kasama. Walang nakaalalay saakin. Wala ang asawa ko...
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
RomanceNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...