Kabanata 12

1.2K 21 2
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I stretched my body when I realized that I was already lying in a bed. Napabalingkwas tuloy ako ng bangon at inilibot ang paningin sa buong lugar at hindi ito pamilyar sa akin.

Pababa ako ng kamay nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa no'n si Darious na bagong ligo at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa pang-ibabang parte ng katawan nya. Literal na nanlaki ang mga mata ko at umawang ng bahagya ang labi ko habang pinapanood sya at tumutulo pa ang tubig na nagmumula sa buhok nya, pababa sa katawan n'yang nasa napakagandang hubog!

"Holy fuck—you're awake!" Gulat na aniya nang mapansin ako at dahil sa sigaw nya ay nabalik ako sa huwisyo at iniling-iling nalang ang nakikita ngayon. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumikhim.

"K-kagigising lang..." Kinakabahang sagot ko, nanatiling nakaiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napapalunok dahil sa kaba kong kasama sya... at sa iisang kwarto pa!

"Okay... I... I just took a bath here, I'll leave—,"

"No! Uhm... Aalis na ako at kailangan ko pang magluto ng agahan... Sige na, magpalit ka na muna..." Mabilis pa sa alas-kwatrong umalis ako sa loob ng kwarto at saka lang nakahinga ng maluwag nang nasa labas na ako. Pumikit ako ng mariin at nang muling dumilat ay nalula ako sa paligid.

This house is huge!

Hindi ko alam kung saan ako liliko dahil napakaraming pintuan! Hindi ko alam kung paano ako makakababa dahil hindi ko pa nakikita ang hagdan. Kung bakit kasi napakalaki ng bahay ng lalaking ito, eh mag-isa lang naman s'yang nakatira dito? Pakiramdam ko nga ay may multo na rito sa bahay, eh! Sobrang laki! Mas malaki pa kaysa roon sa bahay namin noon!

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagpaikot-ikot sa ikalawang palapag hanggang sa matanaw ko na ang engrandeng hagdan. Halos maluha ako nang makita ko ang napakalaking chandelier na nakasabit sa tapat ng hagdanan at halos abot ko na ito. Para itong gawa sa diyamante dahil kumikinang-kinang pa ito. Hindi naman sa pagiging ignorante dahil may ganito noon sa bahay namin ngunit hindi ganito ka-engrande!

"Jusko... bakit nga ba ulit ako pumayag sa alok n'yang manirahan kami rito sa mala-palasyo n'yang mansyon?" Parang tangang tanong ko sa sarili ko at bumuntong-hininga nalang dahil wala rin naman akong makukuhang sagot.

Nang makababa ako ay naligaw na naman akong muli dahil sa lawak at laki ng mansyon. Naririnig ko ang tawanan ng kambal sa kung saan pero hindi ko pa rin sila mahanap! It took me five or more minutes before I found the kitchen where the two were talking and laughing. Naroon na rin si Darious at busy sa paghihiwa ng mga iluluto.

Tinamaan tuloy ako ng hiya dahil siya pa ang gumagawa ngayon ng dapat na ako ang gumagawa. Kasalanan nya! Bakit kasi mansyon ang tirahan nya, kung sana ay hindi ganito kalawak at kalaki ay kanina pa ako nakarating at nakaluto!

"Oh? Mama! Goodmorning, Mama! Saan ka po galing?!" Masayang tanong ni Storm nang salubungin nya ako habang papasok ako sa kusina. Nginitian ko s'ya at ginulo ang kanyang buhok.

"Goodmorning, Ma!" Bati naman ni Thunder at humalik sa pisngi ko. Naramdaman ko ang tingin sa amin ni Darious pero hindi ko na s'ya pinansin at hinayaan nalang s'yang malayang tumingin sa amin. It somehow warms my heart.

"N-naglibot lang, 'nak..." Hindi ko sinabi ang tunay na dahilan dahil nakakahiya! Alangan namang sabihin kong naligaw ako? Tatawanan lang ako ng tatlo! Oo, silang tatlo!

"A-ano... Tulungan na kita..." Offer ko sa kanya at hindi naman sya tumanggi. I helped him cook our breakfast, at natagalan pa kami dahil nakikialam ang kambal kaya nagkalat ang kusina. The pancake mixture were scattered on the floor because they were playing with it! Pati si Darious ay nagkakalat na rin na parang bata! Sinasamahan talaga sa kalokohan ang mga anak nya!

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now