"Hindi mo naman sinabi na dadalaw ka!" Tinawanan lang ako ni Ava habang nasa harapan ko sya at malaki ang ngiti sa labi. Kagigising ko lang at sobrang aga pa. Nagising ako dahil sa katok nya at parang nawala bigla ang antok ko nang makita ko sya.
"Surprise!" Tumatawang sabi nya at niyakap ako. Inilingan ko lang sya at natawa rin bago kami umupong dalawa para makapag-kwentuhan. Ilang buwan na noong huli kaming nagkita kaya na-miss ko sya ng sobra.
"Hindi mo kasama ang mag-aama mo?" Tanong ko sakanya.
"Parang hindi mo naman kilala ang lalaking 'yon! Simula nagkabalikan kami ay halos hindi na sya humiwalay saakin! Andoon sila, natutulog sa bahay," nakabusangot nyang sagot kaya napatawa ako.
Natahimik kaming dalawa. Hindi ko maintindihan pero parang ang awkward ng atmosphere hanggang sa tumikhim sya. "Kamusta?" She asked with a low voice na parang ayaw nyang iparinig saakin ang tanong nya.
"Ayos lang... Ayos lang kami dito..." Mahinang sagot ko pero kinakabahan nang may maalala.
"I heard he's still making his move... Wala sya sa Maynila." Mas lalong dumagundong ang kaba ko. "I know everything now, Raine... I'm sorry..." Aniya na nagpangiti saakin ng sobrang pait.
"A-ayos lang, 'no. Sorry nga pala dahil hindi ko nasabi sa'yo ang tungkol doon bago kayo umalis ng Palawan..." Mahinang sabi ko sakanya nang maalala. Natakot ako dahil isa syang La Cordova dati at ang anak nya ay may dugong La Cordova... Lalo na ang mga anak ko.
Natatakot akong kapag nahanap si Ava ng asawa nya doon ay malaman nyang andoon rin ako at sabihin sa pinsan nya ang tungkol saamin. Hindi ko maintindihan si Darious... Hindi nya naman ako naaalala at ayaw nya saakin kaya bakit pa sya nag-aabalang hanapin kami?
Para ba sa mga anak namin? Gusto nya silang kunin saakin? Huwag nyang susubukan, hinding-hindi ko ibibigay sakanya ang mga anak ko dahil wala naman syang naaalala.
"You should be careful, okay? Wala pa syang naaalala hanggang ngayon... Gustong-gusto nya nang makaalala sya pero wala... Nahihirapan sya," napatango-tango nalang ako at mapait na ngumiti. Kahit na may maalala pa sya ay hindi na ako babalik sakanya.
Natatakot ako sa maaaring gawin ng mga magulang nya saakin at lalo na sa mga anak namin. Ayaw nila saakin kaya automatic na 'yon na hindi nila matatanggap ang mga anak namin. It's better to hide from him but I think he already found us. The man my sons are talking about.
Darious.
There is a big possibility that he is that man. Pero sana ay hindi sya. Sana hindi nya kami matunton. Sana... Sana huwag nya na kaming pag-aksayahan ng panahon para lang hanapin dahil masasaktan lang ako. Wala syang naaalala na maski akong asawa nya ay hindi nya maalala.
Lutang ako habang nagluluto at dahil doon ay napaso ako doon sa kawali. Nakaalis na kanina pa si Ava para puntahan ang mag-aama nya lalo na't umiiyak ang baby nila. Iyong pangalawang anak nila.
"Mama, okay ka lang po?" Nag-aalalang tanong ni Thunder at hinawakan ang kamay kong napaso. Ngumiti ako sakanya pero nauwi 'yon sa ngiwi dahil hinawakan nya mismo ang napaso.
"Okay lang si Mama, anak... Gising mo na ang kakambal mo para makakain na kayo... May surprise ako sainyo mamaya. Sige na," kaagad syang sumunod saakin para tawagin ang kakambal nyang natutulog pa hanggang ngayon. Napaka-tulog mantika talaga.
"Mama, ano po yung surprise mo? Masarap ba 'yon, Ma?" Napailing ako nang pagkain nanaman ang unang pumasok sa isip ni Storm at ginulo ang kanyang magulo nang buhok habang tumatawa.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
RomanceNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...