Kabanata 10

1.4K 29 3
                                    

Nalilito ako sa mga galaw at mga sinasabi ni Darious nitong mga nakaraang araw na narito sya sa bahay. Kung magsalita sya ay parang wala naman syang amnesia... Na para bang wala naman syang nakalimutan. Noong nakaraan lang ay sinabi niyang he loves my sinigang, so ano 'yon? Pa'no nya alam na paborito nya ang sinigang na niluluto ko?

Why do I have this feeling na he was just faking his 'amnesia' thing? Is he fooling me? Ano ba ang plano nya? Kukunin nya ba sa akin ang mga bata? Pero wala naman syang karapatan na gawin iyon sa'kin dahil unang-una, sya ang nagpaalis sa akin at pangalawa ay sya ang may kasalanan kung bakit kami nawalay sa kanya ng ilang taon.

"Their vacation is near... D-do you... Uh..." Halos hindi nya matapos-tapos ang kanyang gustong sabihin dahil sa kinakabahan sya at parang natatakot na sabihin sa akin ang gusto nyang iparating. I sighed and looks at him straight into his eyes.

"Deretsuhin mo na, Darious. Anong mayroon kung malapit na ang bakasyon ng mga bata?" Tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya. I noticed how his adam's apple waved as sign of nervousness.

"C-can we have a vacation t-together? I-I mean, I want to be with the three of you. But, it's okay if you d-don't want to... I can stay here and just bond with them before I return to Manila..." Kinakabahang aniya at panay ang paglunok. Napailing nalang ako at lihim na napangisi bago sya tinalikuran.

"Sige." Sabi ko at akmang maglalakad na paalis pero narealize kong baka hindi nya nakuha ang sinabi ko. "Payag ako pero sa oras na bumalik ka sa Manila, siguraduhin mong hindi ka iiyakan ng mga bata. Ayaw nilang malayo sa'yo kaya i-ready mo na ang explanation mo para sa kanila." Bumuntong-hininga ako pagkatapos at umalis na sa kusina at lumabas ng bahay.

I found my boys playing with their toy guns kaya napasapo ako sa noo ko. Ano ba naman itong pinagbibibili ni Darious sa mga bata?! Pa'no kung aksidente silang nakatama ng mga kalaro nila o kaya ay aksidente nilang matamaan ang isa't isa? Iyong bala ma naman no'n ay maliliit na bilog na may iba't-ibang kulay at masakit iyon kapag naitama sa katawan. Hay, Darious.

"Mga anak, maligo na muna kayo! Magtatanghali na, oh? Halina kayo at nang makakain na kayo pagkatapos n'yong maligo," yaya ko sa dalawa at kaagad naman silang tumalima. Nagtatawanan ang dalawa nang makalapit sa akin at ibinigay sa akin ang mga laruan nila.

"Mama, ang saya pala bumaril! Paglaki ko gusto kong mag-pulis, Ma, ha? Gusto ko pong makahawak ng real na gun!" Humahikgik pa si Storm at nagtatakbo sa loob para sabihin sa ama ang pangarap nya. Natawa na lamang ako at napailing sa kanya at bumaba ang tingin kay Thunder na tahimik na naman at seryoso ang tingin.

Ngumiti ako sa kanya at lumuhod sa harapan nya. "Ikaw naman, anak... Ano ang gusto mong maging balang-araw?" Malumanay kong tanong sa kanya. Ngumuso sya at tumingin sa laruang baril na hawak-hawak ko.

"Gusto ko pong maging katulad ni Papa, Mama... Gusto ko pong magkaroon ng malalaking building tapos ako po ang boss... Tapos, Mama, hahanapin ko s'ya at sasabihing successful na ako sa buhay..." He showed me the bracelet Aliesha gave him at wala sa sariling napangiti. Akala ko pa naman ay makakalimutan nya rin ang tungkol sa kanya but surprisingly, he didn't... and maybe Storm, too.

"Magiging katulad ka din ni Papa kapag nag-aral ka ng mabuti, kasi si Papa, nagsikap sya para magkaroon ng mga malalaking buildings, okay?" He smiled at me and hugged me. "Sige na, maligo ka na." He immediately ran inside the house and I heard him calling for his Dad. Napangiti nalang ako at napailing bago sumunod sa kanila papasok.

Naabutan kong nakahubad na ang kambal at hawak-hawak ng ama nila ang nga pinaghubaran nila at nagtatawanan pa silang tatlo habang naglalakad papunta sa banyo. Nilapitan ko si Darious para kunin ang damit na kaagad nya namang ibinigay sa akin habang busy pa rin sa pakikipagtawanan sa mga sinasabi ng kambal sa kanya.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now