Kabanata 8

1.5K 32 10
                                    

Darious is with us until the evening. May balak pa yata syang matulog dito dahil ayaw na syang pakawalan ng kambal at halata rin namang ayaw nyang umalis at iwan ang dalawa. Hindi ko pa tuloy nakakausap ang kambal.



"Talaga po, Papa? Gaano po kalaki ang house mo po?" Manghang tanong ni Thunder.



"Like a castle po ba, Papa? Yung kasya buong barangay?"  Nagniningning ang mga mata ni Storm habang nakatingala sa ama.


Napangiti nalang ako habang pinapanood ang dalawa na may malaking ngiti sa labi habang nakatingin sa ama nila na puno ng paghanga. May hindi maipaliwanag na say sa puso ko habang nakatingin sa tatlo.


They looked happy talking with their father who also talked happily with them. I wanted so bad to interrupt them but I can't just spoil their happy moments. Halata rin kasing ayaw nilang magpa-istorbo habang nakikipag-kwentuhan sa tatay nila.


Tumalikod nalang ako at dumeretso sa kusina para makapag-luto na ng hapunan namin. Sa sobrang tagal at sobrang pagka-wili nilang makipah-usap sa tatay nila ay hindi na nila naramdaman ang gutom nila. Hindi ko naman sila masisisi.


As I were cooking our dinner, I felt his presence at my back. Nang lingunin ko sya ay napalunok ako at kaagad ding nag-iwas ng tingin. Hindi ko matagalan ang kanyang mga tingin dahil samut-saring alaala ang bumabalik saakin.


"I want my kids live under my roof." Mabilis na bumalik sa kanya ang tingin ko dahil sa kanyang hindi inaasahang tanong. Kumunot ang noo ko at sunod-sunod na umiling sa kanya. 


"No. My sons will stay under my roof. Wag ka namang maka-sarili." Nakaramdam ako kaagad ng galit dahil sa kanyang sinabi. How can he say that to me? "Darious, hindi ako makakapayag na mapalayo sa akin ang mga anak ko."


He sighed and stared at me right into my eyes. Hindi ako umiwas ng tingin kahit na naiilang ako dahil gusto kong ipamukha sa kanya na seryoso ako roon sa sinabi ko. He then smirked at me and turned his back against me.



"Then, you will also gonna live under my roof."


He left me with my jaw dropped open. Hindi ko mai-proseso sa utak ko ang kanyang sinabi na nakalimutan ko pa ang aking niluluto. Mabilis akong lumapit sa kalan upang patayin iyon dahil masusunog na ang niluluto ko pero nang matapos ako ay natulala nalang ako bigla.


It took me a moment before going back to my senses and decided to call them for dinner. Halos hindi ko magawang tignan si Darious nang puntahan ko sila sa sala para tawagin dahil sa kanyang sinabi kanina at dahil nahihiya ako sa iniisip ko na mga pwedeng mangyari kapag tumira ako roon kasama sya.


Hindi ko sasabihing nage-expect akong magkakabalikan kami!


"Papa, masarap po itong niluto ni Mama, diba po?" Pagdadaldal ni Storm kay Darious. Kinakabahan akong nag-angat ng tingin kay Darious at biglang nagtama ang mga mata namin. Nagkatitigan na naman kaming dalawa at syempre ay ako agad ang unang nag-iwas ng tingin.


Bakit ba ang hilig nyang manitig?


"Not really." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at tumingn sa kanya. Muling nagtama ang mga tingin namin ngunit hindi ako umiwas dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Did he just insulted me?!



"Masarap po kaya!" P agtatanggol naman ni Storm kaya bahagya ko syang nginitian ang sinamaan ulit ng tingin si Darious bago nagpatuloy sa pagkain.


"Not as delicious as how I cook but, yeah, this tastes good." Napataas ang kilay ko at nang tinignan ko sya at naabutan ko syang nakangisi sa akin bago sya umiwas ng tingin. Napatikhim ako at ibinalik nalang ulit ang tingin sa plato ko.


Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now