Kabanata 20

852 14 1
                                    

"You said we will talk, but look at what you are doing to me..." Para akong nalalasing sa bawat halik na kanyang ibinabahagi sa akin. Hinang-hina na ang mga tuhod ko at gusto nang bumagsak ngunit mabilis n'ya akong binuhat at ipinalupot ang mga paa ko sa kanyang baywang at muli akong inatake ng halik.

Para na akong mababaliw sa mga halik nya... Tila ba gutom na gutom s'ya at hindi mapigilan ang sariling halikan ako ng malalim. Wala akong ibang ginawa kundi ipikit ang mga mata ko at sabayan ang kanyang halik kahit na pakiramdam ko ay mali na ang ginagawa ko dahil wala na ako sa focus.

"Love, we will talk..." Aniyang muli ngunit sya itong ayaw tumigil sa kakahalik sa akin. "Fuck, we really need to talk..." He said again but still, he didn't stop kissing me.

Hingal na hingal ako at hinahabol ang hininga ko nang bahagya s'yang lumayo sa akin. Namumungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin, parang gusto pa pero nagpipigil na dahil kailangan pa naming mag-usap tungkol sa amin... Lalo na't heto na naman kami at ayaw magpaawat sa halikan.

"Mhmm... Stop na... We'll talk, Darious..." Nanghihinang bulong ko sa kanya pero mas lalo lang yata s'yang na-trigger dahil iba ang pagkakarinig nya sa sinabi ko. It was like it turned out like I'm moaning. I also cannot resist his kisses, wala akong laban kaya nagpatangay nalang din ako.

"This is bad, love. We still need to talk..." Hinihingal na aniya nang maghiwalay ang aming mga labi. Nanatili akong nakapikit habang hinahabol ang aking hininga dahil sa halik na kanyang ibinigay sa akin. It was an earth shattering kiss.

"L-Let's talk first..." Hinahabol ko pa rin ang aking hininga dahil sa halik na 'yon. Hindi nabago ang pwesto namin which I find it awkward. Gusto kong bumaba pero ayaw ko. Huh? Basta, gusto kong ayaw ko kasi gusto ko ang pwesto namin. Ang gulo!

He restrain himself from kissing me, so do I. I badly want to kiss him again but I don't think that will be a good idea. Baka kung saan pa kami umabot kapag hindi pa kami tumigil. And we still need to talk about us... our relationship.

"I-ibaba mo na muna ako," utos ko sa kanya dahil pansin kong parang wala syang balak na ibaba ako. Tinignan ko s'ya at nakatingin din pala sya sa akin, tila ayaw pa talaga akong bitawan pero wala s'yang choice dahil kailangan pa naming linawin ng mabuti ang relasyon namin.

Bumitaw s'ya sa akin ng labag sa kanyang loob at naupo sa tabi n'ya. Inayos ko ang magulo kong damit at napabuntong-hininga, nangangapa ng sasabihin dahil hindi ko alam kung saan magsisimula at kung paano sisimulan. Napalaro nalang ako sa mga daliri ko habang nag-iisip nang maunahan nya na akong magsalita.

"I know it was a wrong move... I'm so sorry. I shouldn't have done that. It was... disrespectful." Nakayukong aniya. Napanguso ako at humarap sa kanya ng maayos. He is playing with his fingers nervously. Natatakot sa sasabihin ko. Well, he shouldn't be.

"I told you already, walang kaso sa akin. Ang sa akin lang, gusto ko lang malinaw na natin ngayon ang relasyon natin para sa susunod ay hindi ka na magsisi sa tuwing hahalikan mo ako." Sunod-sunod at tumatangong sabi ko sa kanya. Nagmumulto na ang ngiti sa labi ko nang mapansin kong natigilan s'ya. I think he got it already.

"W-what?" He stuttered as he looks up at me. Natigilan akong saglit at napatitig sa kanya. Ang gwapo kaso low gets naman! Okay lang, love ko naman s'ya, eh!

"Hay! Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo gets?" Naiinis na sabi ko sa kanya, kunwari. "Ang sabi ko, let's make it official so we can kiss freely without thinking of anything next time!" Nangingiti na ako pero nagpipigil lang ako dahil tinitignan ko pa ang reaksyon n'ya pero matatawa lang yata ako dahil hindi halos maipinta ang itsura nya. Wow, kala mo naman hindi nya inaasahan eh.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now