Kabanata 16

926 17 1
                                    

We stayed hugging each other for a moment until I stopped crying. Muli n'yang pinatakan ng magaan na halik ang aking noo bago ako pinakawalan at dahil nawawala ako sa focus ay s'ya na ang nagtuloy roon sa niluluto ko at pinanood ko nalang s'yang gawin 'yon.

We ate in complete silence that evening, and even the twins didn't talk. Hindi manlang sila nagtanong kung bakit sumakit ang ulo ng ama nila... tahimik lang sila hanggang sa matapos ang hapunan at kaagad na dumeretso sa kanya-kanyang kwarto.

Nagkatinginan kami ni Darious dahil sa galaw ng kambal pero nagkibit-balikat nalang s'ya at ngumiti sa akin na parang sinasabi niyang ayos lang ang lahat. Napabuntunghininga nalang ako at nagboluntaryong ako nalang ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. He didn't wanna let me do it at first but I insisted. He was the one who cooked our dinner so I should be the one to wash the dishes.

"Let me help you, please?" Saglit ko s'yang binalingan ng tingin at umiling. Sumimangot naman s'ya at tumahimik nalang din habang pinapanood ako. Ramdam kong gusto n'yang agawin sa'kin ang sponge at s'ya na ang magtuloy sa ginagawa ko pero pinigilan n'ya ang kanyang sarili.

"Ah, fuck! I'm getting bored here, please just let me help—,"

"No. Kung nabo-bored ka na, umakyat ka na para matulog. Hindi ba sinabi sa'yo ng doctor mong hindi ka pwedeng magpuyat at ma-stress? Akyat ka na." Utos ko sa kanya pero hindi sya nakinig, bagkus ay lumapit s'ya sa akin at pumwesto sa likuran ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko lalo na nang naramdaman ko ang braso n'yang yumakap sa baywang ko.

"Hmm... Sa kwarto na ba ako matutulog?" Malambing n'yang bulong sa tenga ko. Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa ginawa nyang pagbulong. Pakiramdam ko rin ay namumula na ang buong mukha ko sa nararamdamang hiya!

"S-saang kwarto b-ba? Doon ba sa k-kwarto mo? A-ayos lang naman... I-ikaw ang bahala..." Utal-utal kong sagot. Narinig ko ang mahina n'yang pagtawa at tumatama sa gilid ng mukha ko ang mabango n'yang hininga.

"Okay, then. I'll sleep in our room now. I love you, goodnight." Hindi pa man ako nakakabawi sa paninigas ko sa kinatatayuan ay naramdaman ko na naman ang malambot n'yang labi na dumampi sa pisngi ko bago s'ya tuluyang umakyat sa itaas.

Sapo-sapo ang dibdib ay nilingon ko ang nilakaran n'ya at nakitang wala na s'ya roon. Nagpakawala ako ng mabigat na paghinga at nanginginig pa ang mga kamay na ipinagpatuloy ang paghuhugas at nang matapos ay sumunod na rin ako sa itaas.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto n'ya ay nagdadalawang-isip pa ako kung kakatok pa ba ako o papasok nalang deretso o dumeretso nalang sa kwarto ng isa sa kambal. Kukuha lang naman ako ng kumot dito sa kwarto nya at matutulog sa tabi ni Thunder o ni Storm. Ayaw ko s'yang makasama iisang silid 'no! Baka sumabog ang puso ko kapag nangyari 'yon!

Sa huli ay kumatok nalang ako ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa loob kaya pumasok nalang ako. Madilim na ang loob at tanging ang liwanag na galing sa lamp shade sa gilid ng kama lang ang tanging ilaw ngunit hindi iyon sapat para makita ko ng husto si Darious. Hindi ko maaninag kung gising pa ba s'ya, basta ang alam ko ay nakahiga na s'ya sa kama n'ya.

I slowly walks towards his bed and was about to grab a pillow when his warm hand suddenly held my wrists and pulled me onto the bed. Napasinghap at napatili ako sa gulat at nasubsob sa kanyang dibdib. Narinig ko ang mahina n'yang pagtawa at ikinulong ako sa kanyang bisig.

"Darious! Ano bang ginagawa mo?!" Kinakabahan kong tanong sa kanya ngunit hindi s'ya sumagot at nanatiling nakayakap sa akin. Sinubukan kong kumawala sa kanya pero mas kinukulong n'ya ako kaya sumuko nalang din ako kalaunan... at nagugustuhan ko rin naman ang ginagawa n'ya. "Darious..."

"Shush... Let me hug you. I feel safe with you, love... Please, be with me... Kahit ngayong gabi lang." Namamaos na aniya. Sandali akong natigilan at gustong umayaw pero iba ang lumabas sa bibig ko.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now