Kabanata 4

1.5K 31 3
                                    

Nakatulala ako sa kisame, hatinggabi na. Hindi ako makatulog dahil sa tawag kanina at maski ang pagkain ay hindi ko nakakain ng maayos. Nakatatlong kutsara lang ako kanina at kaagad na nagpaalam na aakyat na. Alam kong nagtataka si Ava sa galaw ko kanina pero hindi naman sya nagtanong.

Tulog na ang kambal ko sa magkabilang gilid ko at nakayakap silang dalawa saakin. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako habang inaalala ang nangyari kanina sa tawag. Pagkatapos nyang banggitin ang unang pangalan ko ay sya mismo ang nagbaba ng tawag. Ilang minuto yata akong nakatulala doon kanina kung hindi lang ako tinawag ng isang kasambahay kanina.

Pinalis ko ang luha ko at sinubukang matulog pero mag-a-alas kwatro na ay dilat na dilat parin ako. Dahan-dahan akong umalis sa kama nang hindi ginigising ang mga bata at nagtungo sa garden ng bahay nila Ava.


Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang malakas na hangin at naupo ako sa upuan. Nakatulala lang ako at talagang hindi ako dinadalaw ng antok. Pinanood ko nalang ang araw na unti-unting lumilitaw.


"It's too early." Mabilis akong napalingon sa likod ko at nakita ang pinsan ng asawa ko na seryosong naglalakad papalapit sa pwesto ko at naupo sa katabing upuan. Natahimik ako at ganoon din sya. Napaka-awkward ng paligid, parang gusto ko nalang bumalik sa loob.


"U-uh-,"


"You know he's looking for you right?" Napatitig ako ng matagal sakanya at hindi ko alam kung anong isasagot ko kahit na hindi ko naman talaga alam pero may kutob ako na baka sya nga 'yong lalaking sinasabi ng mga anak ko.

"He is looking for you. He knows about your sons," seryosong aniya, deretso ang tingin. Nanatili ang mga mata ko sakanya at napakurap-kurap.

"A-anong kailangan nya? B-bakit pa nya k-kami hinahanap?" Nagsimulang mangilid ang mga luha ko at saka lang ako umiwas ng tingin sakanya.

"I don't know. Maybe he wants to meet his sons?" Patanong na sagot nya. Paulit-ulit akong umiling.

"Paanong alam nyang m-may... may a-anak kami? At para saan pa? T-tapos na kami..." Nanghihinang sabi ko at sya naman ang pagtulo ng luha ko. Kasi totoo naman, para saan pa? Ano pang kailangan nya? Itinulak nya na ako palayo.

"He have ways. Many ways, Ms. Clemente." Malamig na aniya. "He's not a La Cordova for nothing."

Tumatak sa utak ko ang sinabi ng asawa ni Ava at hanggang sa araw ng kasal nila ay wala ako sa sarili. Inaayusan na ako pero nakatulala parin ako at hanggang matapos ang pag-aayos saakin ay tulala parin ako.

"Mama, ang ganda mo po!" Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita lang si Storm na nasa tapat ko na at manghang nakatingin saakin. Nahiya tuloy ako bigla sa anak ko dahil ako mismo ay hindi nagagandahan sa sarili ko... Feeling ko tuloy niloloko lang ako ng anak ko.

"Sus... Bolero," nahihiyang sabi ko at umiwas ng tingin sakanya. Naiilang kong inayos ang suot kong dress at hinila na palabas si Storm at saktong nakasalubong ko sila Thunder at Khalil na may kinakain at pinaghahatian nila.

"Uy, penge ako!" Tumakbo si Storm papalapit sakanila at nakihati din doon sa kinakain ng dalawa. Natatawang lumapit ako sakanila para ipasabay silang tatlo sa pinsan nila Khalid na si Fabio. I know Fabio, lagi syang andoon dati sa bahay ng parents ni Darious.

"I'll take care of these boys." Aniya. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kung paano sya haharapin. Alam nyang may anak kami ng pinsan nya at nagpapasalamat ako dahil hindi sya nagsasalita tungkol doon.

"Mag-iingat kayo..." Marahang sabi ko at tinapik na ang balikat ng mga bata. Pinanood kong makaalis ang sasakyan ni Fabio sa bahay nila Ava at pagkatapos no'n ay nagpunta ako sa kwarto nila kung saan sya inaayusan upang sumilip.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now