Sobrang lungkot ng paligid. Sobrang tahimik. At hindi ko iyon nagugustuhan.
Tulog na ang kambal at si Darious. Gabi na rin at dahil sa pagod na rin nya sa pag-iiyak ay nakatulog na kaagad. Nag-aalala nga ako dahil wala pa s'yang kain simula kanina at panay lang ang pag-iyak n'ya. That is not the first time I saw him cry but that's definitely the first time I saw him being so weak and helpless. He's a big man but he became a helpless little boy earlier.
He cannot control his emotions kahit na nakaharap sa kanya ang mga anak kanina. Siguro ay dahil sobrang bigat na talaga ng dinadala nya ay hindi nya na kayang buhatin pa kaya hinayaan n'ya nalang na bumagsak lahat. The twin even tried to comfort him but he never stops and cried more. Hindi ko kayang tingnan ang itsura nya kanina dahil maiiyak lang ako. Kailangan kong maging matatag.
I know his mother can't accept it and will definitely do something just to set us apart. She will do anything para mailayo ako sa anak nya. Sa tingin n'ya ba ay papayag ako? She should think again. Hindi na ako takot sa kanya. I will protect my family from her... From everyone who tries to set us apart. I am not the same Raine. The weak one is gone.
Ako naman ngayon ang lalaban para sa amin.
Pagkatapos kong silipin ang kambal sa kani-kanilang kwarto ay binalikan ko na si Darious sa kanyang kwarto at maingat na tumabi sa kanya. Tinitigan ko ang kanyang mukha at napangiti dahil napaka-payapa n'yang matulog. Para bang payapa na ang buhay na mayroon siya at maayos ang lahat. Pero kung tititig ka talaga sa kanya ay mag-iiba ang makikita mo. Pagod, sakit, pagdurusa, at marami pang iba.
All these years, since he was a little kid, he's been suffering already. Hindi ko ma-imagine ang batang s'ya na naghihirap dahil sa kagagawan ng nanay n'ya. How could she do that to her own kid? How can a mother like her treat her own flesh and blood so rudely? My poor man doesn't deserve that... all of it that has happened to him.
Marahan kong hinaplos ang kanyang makinis na mukha at dinampihan ng magaan na halik ang kanyang noo bago umayos ng higa sa tabi n'ya at yumakap sa kanya ng mahigpit kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang sobrang kapaguran ko ngayong araw, idagdag pa ang halos hindi ko malunok-lunok ang kinakain ko kanina dahil paulit-ulit na nagfa-flash sa isipan ko ang mukha ni Darious na nagdurusa.
This has been a tough day for the four of us, but I know, it will all be better tomorrow. I hope...
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong wala akong katabi. Mabilis akong bumangon at hinanap kaagad ng aking paningin si Darious ngunit hindi ko sya makita sa aling sulok man ng kwarto. Wala rin naman sya sa banyo dahil sarado ang ilaw.
Kunot-noo akong lumabas sa kwarto upang hanapin s'ya. Madilim pa rin dahil madaling-araw pa lamang at hindi pa sumisikat ang araw. Siguro ay mga nasa alas-dos pa lang. Ang aga naman n'yang magising? Or baka nagugutom na s'ya? Tama.
Bumaba ako at dumiretso sa kusina para lang maabutang walang katao-tao roon. Hindi ko s'ya maramdaman sa buong bahay. Nagsimula na akong kabahan dahil kahit anong paghahanap at tawag ko sa kanya ay walang sumasagot. Sinilip ko na sa pool area at sa kwarto ng dalawang bata pero wala talaga s'ya. Nasaan na kaya s'ya?
I went back to our room to get my phone when I saw a piece of paper on the top of the bedside table. Kunot-noo ko itong dinampot at binasa ang nakasulat at mas lalo lamang akong kinabahan at nag-alala. It is his note saying...
Love,
Don't worry about me, I'm all fine. I will come back sooner. I hope you understand. I love you and our kids so much, love. I'm going to be alright, okay? I'll just get something done before going back home. I love you.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
RomanceNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...