The next day, I woke up with a heavy heart. Nakaupo ako sa kama at nakatulala sa pintuan habang iniisip ang mga narinig ko kagabi. Pumasok ako kaagad no'n nang hindi ko na kayang pigilan ang paghikbi ko at mabuti nalang dahil hindi n'ya ako napansin. Hindi ko alam ang sasabihin ko kung sakali mang nakita n'ya ako kagabi.
Pinagsisisihan n'ya ang nangyari sa kanya... sa amin. Sa totoo lang ay wala naman dapat s'yang pagsisihan dahil hindi n'ya naman rin inaasahan ang mga nangyari noon. I can clearly see how the tears of sadness and longing fell from his eyes as he cried last night.
He's regretful even though it's not his fault... but that accident and his parents'. Ipinagkait nila sa kanya ang katotohanan. Ipinagkait nila sa amin ang kasiyahan. Ipinagkait nila sa akin na makasama ang kanilang anak dahil para sa kanila, hindi ako karapat-dapat para kay Darious. Ipinagkait nila sa akin ang pangarap kong makasama namin s'ya ng mga anak namin habang nagpapagaling s'ya. They are all heartless.
If only I have the courage to fight them back then, sana noon pa kami masaya at magkasama ni Darious... but what can I do? They are too powerful for me to fight with. I can't risk my babies lives back then. Kung hindi lang ako buntis noon ay ipinaglaban ko si Darious... kukunin ko s'ya sa kanila dahil wala na akong pakialam kahit na mapahamak ako noon kung wala lang akong dinadalang mga buhay sa sinapupunan ko.
But I do not regret being pregnant with our twins... they are also the reason why Darious came back... not to me, but to them. I get to see him again after how many years because of our sons.
Though, I'm not expecting anything like we can pick up where we left off. Hindi rin naman siguro ako magtatagal rito. Sa oras na masiguro kong hindi n'ya ilalayo sa akin ang mga bata, kahit bumalik na ako sa bahay namin sa probinsya at dalaw-dalawin nalang nila ako o ako ang dumalaw.
I'm still scared to believe him. Kahit na ramdam ko ang sinseridad, natatakot pa rin ako. Isa pa iyong narinig ko kagabi... dapat sapat na dahilan na iyon para maniwala ako ngunit pinangungunahan ako ng takot. I love him and I also want him back but the fear is eating me up. Something's telling me not to get back with him again.
Sana... sana mawala na itong takot sa puso ko.
"Mama? Mama, gising ka na po ba?" Narinig ko ang pagkatok ni Thunder sa pintuan ng kwarto ko. Tumikhim ako at umalis sa kama para pagbuksan s'ya at bumungad sa akin ang nag-aalala n'yang mukha. Kaagad na nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka.
"Goodmorning, 'nak... Kumain na ba kayo? At bakit ganyan ang mukha mo? May masakit ba sa'yo?" Hinaplos ko ang kanyang pisngi, nag-aalala na.
Just he was about to answer me when a tall man with a doctor beside him walked in. Napatigil silang dalawa nang makita kaming dalawa ni Thunder. The doctor gave me a small smile while the man that I bet Darious' cousin just looked at me with a serious expression written on his face.
Kaagad akong tumayo ng maayos upang maharap ang dalawa habang mas lalong nabubuhay ang kaba sa sistema ko. What is happening?
"Uh.. goodmorning... May I ask what is happening?" Nagtatakang tanong ko. The doctor looks at Darious'cousin kaya napatingin din ako sa kanya.
"Nik suffered from a heavy headache again. He needs to be checked right now to see what's happening... or if his memories are already back." Aniya. Napaawang ang labi ko sa gulat na sinamahan na kaba at saya.
"H-ha? Jusko po... D-dun yung kwarto kung saan s'ya n-natutulog..." Nanginginig pa ang daliri ko habang nakaturo sa kwarto ni Storm na bahagyang nakabukas. Pinagkunutan ako ng noo ng pinsan ni Darious at napasulyap sa pintuan ng kwartong tinutulugan ko, nagtataka.
"What? He isn't sleeping in his own room?" Anang pinsan n'ya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at umiwas ng tingin bago umiling.
"Uh... A-ako ang gumagamit sa kwarto n'ya kasi gusto n'yang makasama ang kambal sa pagtulog..." Marahan kong pagpapaliwanag. Tumaas lamang ang kilay n'ya at kung tama ang man ang nahagip ng mata ko ay may multo ng ngisi sa labi niya.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
RomanceNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...