Kabanata 9

1.3K 28 5
                                    

When the twins woke up, I told them that their father left for work but will come back before lunch. Mukhang malungkot pa ang kambal nang ihatid ko sila sa school nila.

"Susunduin ko kayo mamaya, hmm? Huwag kayong aalis dito." Paalala ko sa dalawa at hinalikan sila sa noo. Nakangiting tumango si Storm pero halatang malungkot dahil hindi nya nakita ang ama nya pagkagising. Si Thunder naman ay seryoso ang mukha pero malungkot ang mga mata.

"Paano po kapag hindi na bumalik si Papa?" I was taken aback by his question. Hindi ko rin maiwasang mapaisip pero ngumiti nalang ako at ginulo ang buhok ni Storm.

"Babalik ang Papa, mga anak. Kapag hindi sya bumalik, susuntukin ko sya sa mukha!" Ipinakita ko pa sa kanilang dalawa ang nakakuyom kong kamao habang natatawa. They both smiled at me and gave me a hug before going inside their school.

Dumeretso ako sa palengke para mamili ng mga rekado para sa lulutuin ko mamaya. Naubos na kasi yung stock ng mga gulay na nasa bahay dahil panay gulay ang pinapakain ko sa dalawa para masanay, tho, may halong karne naman ang gulay na niluluto ko.

"Dalawang tali po nitong kangkong, ate." Habang hinihintay ko ang sukli ko ay tumitingin-tingin ako sa paligid para tignan kung ano pang gulay ang mayroon.

Napangiti nalang ako sa sarili nang may maalala. Parang nauulit lang kasi ang mga pangyayari noon sa ngayon. I would go to buy the ingredients I needed to cook his favorite sinigang; I'm doing it again... pero hindi na lamang s'ya ang paglulutuan ko ng sinigang, pati ang mga anak namin na paborito rin ito.

Nang matapos akong namili ay naglakad na ako pauwi dahil medyo malapit lang naman sa bahay namin ang palengke. Minsan ay sumasakay ako kapag masakit sa balat ang sinag ng araw pero kapag mahangin naman ay nilalakad ko lang kasi presko.

Malapit na ako sa bahay nang biglang may bumusina sa likuran ko at napatili ako sa gulat sabay lingon. Kumunot ang noo ko sa sasakyan na nakatigil na ngayon at nang bumaba ang may-ari ay napabuntong-hininga ako. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sya papunta sa akin na nakakunot ang noo.

Problema nya?

"Napaaga ka—,"

"Why are you walking? Don't you have money? Why didn't you call me so I can pick you up? Look at you, you look like you're going to pass out in a minute. Kita mong ang init-init ng panahon tapos maglalakad ka? Ang layo ng palengke sa bahay tapos nilalakad mo pang? What if something bad happens to you while walking? Pa'no kapag na-heat stroke ka nalang bigla sa daan?"

Napatunganga nalang ako sa kanya dahil sa reaksyon nya at sa naging sunod-sunod n'yang tanong at nang makabawi ay napabuntong-hininga hininga ako. Masama pa rin ang tingin nya sa akin kaya hindi ko maintindihan. Umiwas ako ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi.

"G-grabe ka naman mag-react. Para namang may pake ka sa akin! At hindi naman na kita kailangang tawagan dahil nakakahiya at busy ka. At tsaka ayos lang naman ako at sanay na, Darious. Minsan ay sumasakay ako pauwi at wala namang mangyayari sa akin rito sa daan dahil hindi naman ako kagandahan at kaseksihan para pagtripan ng mga tambay d'yan." Tipid pa akong natawa pero sya, halatang hindi naging masaya sa sinagot ko sa kanya. Mas lalo lang nagsalubong ang mga kilay nya at sumama ang tingin sa akin kaya pinaglapat ko nalang ang labi ko para matahimik.

Bumaba ang tingin nya sa mga hawak kong supot at napabuntong-hininga. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam ang sasabihin nang bigla n'yang inagaw sa akin ang mga hawak ko at nauna nang naglakad sa sasakyan at nilagay sa backseat ang mga pinamili ko. Nakasunod naman ako sa kanya at hindi na sya napigilan dahil halatang wala sya sa mood.

"H-hindi mo naman kailangang gawin iyan, D-Darious..." Mahinang saad ko pero wala akong narinig mula sa kanya, bagkus ay pinagbuksan nya pa ako ng pintuan ng sasakyan n'ya pero masama pa rin ang timpla ng mukha nya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at walang salitang pumasok nalang at nang maisara nya ang pintuan ay napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now