Kabanata 1

2.2K 62 7
                                    

Darious...

Pinilit kong ibaling sa mga anak ko ang atensyon ko kahit na panay Darious na ang nasa utak ko. Nakakainis. Paano sya nakarating dito? Ako nga ba ang sinusundan nya? Alam nya bang may anak kami? Paano kung kunin nya saakin ang kambal?

"Mama..." Napabaling ako sa anak kong si Storm nang nagising. Nagkusot sya ng mata at yumakap saakin. Napangiti nalang ako at niyakap sya. Storm is the kind of a kid who likes hugs and kisses. Si Thunder naman ay hindi ganoon. He's not as touchy and sweet as his brother. They are both completely opposite to each other.

"Hindi ka pa po mag-sleep, Ma?" Inaantok na tanong nya habang nakayakap saakin. Hinalikan ko sya sa noo at nginitian.

"Matutulog na si Mama. Tulog na tayo..." Pinatakan ko rin ng halik sa noo si Thunder na mahimbing ang tulog sa kabilang gilid ko. Pinaggitnaan kasi nila akong dalawa dahil ayaw daw katabi ni Thunder si Storm. Magulo daw kasi matulog at baka masipa sya. Nakakatawa talaga sila.

"Goodmorning, Mama! Mama, gising ka na! Tanghali na, Mama!" Unti-unti akong dumilat dahil sa sigaw ni Storm. Nakita ko kaagad sya sa gilid ko na walang damit pang-itaas at sa tabi nya ang kapatid nyang inihampas sakanya ang damit nyang ayaw nyang abutin. Natawa ako.

"Aray naman, kulog!"

"Magdamit ka nga, bagyo! Ang aga-aga!" Bumangon na ako para awatin ang dalawa bago pa man sila magbatuhan ng tsinelas dito. Ganoon sila mag-away. Nagbabatuhan ng tsinelas. Jusko.

"Ops, ops, awat na! Awat na! Pag-uuntugin ko kayo, sige!" Kinusot ko ang mga mata ko habang nakaupo sa kama. Kaagad naman na sumampa ang dalawa sa kama at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko kaya ako napangiti at hinalikan ko rin silang dalawa pabalik.

"Amoy pawis! Storm, naglaro ka nanaman? Ang aga-aga, ha!" Panenermon ko sakanya dahil amoy na amoy ko ang pawis nya. Napakaaga ng paglalaro nitong batang ito.

"Mama, normal lang yun! Bata pa ako, eh!" Natatawang ginulo ko ang buhok nya at bumaba na sa kama. Hinawakan ko silang dalawa para dalhin sa banyo. Tahimik lang si Thunder na nagpapahatak saakin at panay naman ang daldal nitong si Storm.

"Mama, may work ka sa bukid?" Tanong ni Thunder habang nagtu-toothbrush kaming tatlo. Ngumiti ako sakanya at umiling kaya naging malawak ang ngiti nya at sa kabilang banda naman ay nagtatatalon sa tuwa si Storm.

"Magmo-mall tayo, Ma?" Natutuwang tanong nya kaya natatawa akong tumango sakanya.

Nakakatuwang makita silang masaya. Yung tipong kahit problemadong problemado na ako pero sa tuwing naririnig ko ang tawa nila at nakikita ko silang masaya ay parang nawawala panandalian sa isip ko ang problema ko.

Pareho silang nasisiyahan sa maliit na bagay. Tuwing inuuwian ko sila ng tinapay na meryenda ko dapat sa bukid ay masaya na sila roon. Tuwing birthday nila ay kahit tsinelas ang regalo ko sakanila ay masaya na sila roon. Pinag-iipunan ko kasi 'yong bike na hiling nila at siguro sa susunod na birthday nila ay mabilhan ko na sila no'n.

"Saan nyo gustong kumain?" Tanong ko sakanila habang naglalakad kami sa kalagitnaan ng mall. Nasa magkabilang gilid ko sila at mahigpit kong hawak ang mga kamay nila. Mahirap na at baka mawala pa sila.

"McDo!"

"Jollibee!"

Magkasabay na sigaw nila. Nagkatinginan silang dalawa bago nag-unahang magsalita. Ang ingay nila habang pinagpipilitan ang gusto nila. Hindi ko naman alam kung anong susundin ko roon!

"Sa Jollibee! Mas masarap yung chicken nila doon!" Si Storm.

"No! Mama, sa McDo tayo! Wag tayo sa Jollibee! Fake naman yung bee nila doon, eh! May bee bang kulay red?" Pakikipag-away naman ni Thunder. Natawa ako roon sa sinabi nya kaya sinamaan ako ng tingin ni Storm.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now