"Papa? Opo, Mama! Gusto po namin! Diba, Thun?!"
Wala akong ibang nagawa kundi ngumiti ng tipid. Nasasaktan ako para sa kanila dahil sila ang nahihirapan sa sitwasyon namin. Hindi naman na dapat sila nadadamay, eh. At kung ano man ang problema namin ni Darious, saamin nalang 'yon. Hindi na kailangang madamay ang mga anak namin.
Ngumiti ako at ginulo ang buhok nilang dalawa. "Hmm... Try ko s'yang kausapin, ha? Tapos sasabihan ko kayo kapag... kapag may time sya para makipag-meet sa atin..." Bibong tumango ang dalawa. Ngumiti ako ng tipid sa kanila at umiwas ng tingin.
Hindi ako nakatulog sa byahe dahil sa rami ng iniisip ko. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba sya at sasabihin sa kanya ang tungkol sa mga anak namin o hihintayin ko nalang na mahanap nya kami. Sigurado naman akong alam nya nang anak namin ang kambal dahil kamukhang-kamukha nya ang mga ito... Pero tatawag pa rin ako o papadalhan nalang sya ng text.
Natulog kaagad ang dalawa nang makauwi kami sa bahay. Maski ako ay gusto kong matulog pero alam kong hindi ako patutulugin ng isip ko kakaisip kung ano ang itetext ko kay Darious.
Sa huli ay natulala nalang ako sa kawalan habang nakaupo sa upuang kahoy at doon ay hindi ko na namalayan na bumagsak na pala ako at tuluyan nang nakatulog dahil sa pagod.
Nagising ako dahil sa naririnig kong bulungan malapit sa pwesto ko at nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang kambal sa katapat na upuan kung saan ako nakatulog at nakitang nagbubulungan sila at napapatingin sa labas ng bintana.
Kumunot ang noo at umayos ng upo at tumitig sa dalawa. Tinignan ko ang labas ng bintana kung ano ang tinitignan ng kambal doon at mas lalong kumunot ang noo ko nang wala naman akong makitang kakaiba.
"Pst." Tawag ko sa dalawa at sabay silang napalingon sa akin. Tumaas ang kilay ko sa kanila at kaagad silang lumapit sa akin at umupo sa magkabilang gilid ko. "Anong tinitingnan nyo sa labas?" Pang-uusisa ko.
Nagkatinginan muna silang dalawa at parang nag-uusap pa gamit ang mga mata nila at sabay pang tumango sa isa't isa. Tumingin sa akin si Storm para sumagot sa akin.
"E, Mama, may magarang sasakyan po kasi sa labas tapos may lalaki po sa loob ng sasakyan, natutulog po. Hindi mo namin makita yung mukha, eh," my heart raced.
Naalis ang paningin ko kay Storm at napatitig sa labas ng bintana at natanaw ang sasakyan na tinutukoy ng dalawa. Tumagal ang tingin ko sa sasakyan na para bang kinililala ko ito dahil iyong sasakyan na 'yon ay napakapamilyar at alam ko kung sino ang nagmamay-ari no'n.
"Mama..." Nabalik ako sa sarili ko nang kalabitin ako ni Thunder. Bumaba ang tingin ko sa dalawa at pinilit na ngumiti. Muli akong tumingin sa bintana at natanaw ang sasakyan roon at napabuntung-hininga.
Tumingin ako sa orasan at nakitang ala-una na ng hapon kaya kaagad akong tumayo dahil naalala kong hindi pa pala nakapag-tanghalian ang mga bata. Napakapabaya ko talagang ina.
Sapo-sapo ko ang noo ko papuntang kusina nang matigilan ako bigla dahil may nakita akong supot ng Jollibee at mayroong bucket ng chicken joy at may spaghetti pa!
"Thunder! Storm!" Tawag ko sa mga bata pero nanatili ang tingin ko sa mga nasa lamesa. Dumating ang dalawa sa kusina at bakas sa mukha nila ang pagtataka. "Kumain na ba kayo? At ano itong andito?" Turo ko sa mga pagkain.
"Tapos na po kaming kumain, Mama. At pagkain po iyan kung hindi nyo po nakikita," napasapo ako sa noo ko dahil sa isinagot ni Storm. Inosente syang nakangiti sa akin kaya napailing nalang ako.
"Kanina po kami nakakain, Mama... Kumain na rin po kayo," aniya. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at itinuro ang mga nasa mesa.
"Alam n'yo ba kung kanino galing ang mga 'yan?" Nagkatinginan ang dalawa at itinuro ako. Kumunot ang noo ko.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
Любовные романыNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...